I will wait

135K 2.4K 112
                                    

12

“So Sophia what do you do ba?” tanong ng kapatid niya sa’kin. Nag dinner kami sa bahay ng Papa ni Ethan ngayon. Kaming apat.

“Nag-aaral ako ng International Studies dati.” I  said, ewan ko pero feeling ko ayaw talaga sa’kin ng Sheena na to eh. Ang bigat ata ng loob sa’kin. Ganito ba talaga 'to?

“Ah. How odd naman na you were studying. Is your mother paying your school  bills?” Tanong niya naman.

“No, marami akong trabaho.”

“Very productive naman pala 'tong si Sophia. We need someone like her in the company.” Sabi naman ng papa niya. Buti pa siya, nakuha ko na ang loob niya, pero itong si Sheena, sin-tigas talaga ng bakal.

“Ano ka ba Papa, hindi pa nga siya nakapagtapos eh.”Singit naman ni Sheena.

“Oo nga po, pero babalik na rin po ako doon sa mga pinag-tatrabahuan ko.” Tama! Yun nga ang gagawin ko.

“Huh? Wag na, sa’kin ka na lang magtrabaho.” Ano magtatrabaho ako kay Ethan?

“Oo nga hija. Why don’t you work in Ethan’s company? He could use a hand.” Nag agree pa ang Papa niya. Si Sheena naman, hindi na maipinta ang mukha.

“P-po?” halos hindi ko pa masabi. Talagang pag kakatiwalaan niya ako?

“Yeah at masarap siyang magtimpla ng kape Pa!”sabi pa ni Ethan. Pagtitimpla lang nga yun, parang ang proud niya talaga.

Mag sasalita naman sana ang Papa niya pero biglang sumingit si Sheena, “Oh Kuya! So how is your engagement going?”

Biglang natigilan ang lahat. Hindi pa siguro naisip ng Papa ni Ethan yun bago niya ako tinanggap.

“I’m sure matutuloy pa rin naman ang kasal niyo ni Beatrice, right?” Pangiti-ngiti pang sabi ni Sheena.

Naramdaman ko na lang na hinawakan ni Ethan ang kamay ko sa ilalim ng mesa. Tumingin ako sa kaniya pero tinititigan niya lang si Sheena na parang magagalit na. Hinigpitan ko ang hawak ng kamay niya.

Ang papa naman nila tahimik lang, ngayon lang ata naisipan ang tungkol doon.

“Pink nga pala ang motif ng kasal—”

“That’s enough Sheena." mahinahong nagsalita ang Papa nila.

“Pa, hindi pa ba alam ni Sophia na ikakasal na si Kuya E--”

Bigla nalang tumayo si Ethan at hinatak ako, “We should go…” yun lang ang sinabi niya tapos hinila na ako palabas ng bahay nila. Nakita ko ring nabigla ang papa nila sa reaksyon ni  Ethan. Teka, kasalanan ko ba 'to?

Hindi pa ba off ang engagement nila ni Beatrice?

Mahal niya ba ako?

Ipaglalaban niya ba talaga ako?

Tahimik lang ako hanggang sa makarating sa sasakyan. Hindi niya rin ako kinakausap.

Tahimik siyang nagmaneho pauwi. Hindi ko rin naman alam kung anong sasabihin ko sa kaniya kaya tumahimik na lang ako.

---

Pag dating namin sa bahay, Si Butler Chad lang ang nasa pinto. Sinabihan ko na kasi yung mga maids na wag ng gawin yung nakagawian.

8:30 na ng gabi.

“Good evening Seňorito at Ma’am Sophia.” Sabay bow ni Butler Chad, nginitian ko lang siya. Habang hawak-hawak pa rin ni Ethan ang kamay ko hanggang sa pag-akyat sa kwarto niya.

Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon