Coffee and other drugs

163K 3K 95
                                    

5

“Hi Ethan! Why aren’t you calling me na?” sabay beso-beso pa sa cheeks. 'To namang isa kunwari pang nagulat.

“Maegan why are you here?”

“Sweety? Nakalimutan mo na ba na we’ll have dinner with the Araneta?” So working girl rin pala to.

“Oh yeah. I almost forgot” busy naman pala to eh. Nakalimutan na nga ako ditong nakatayo.

“Sabi ko na nga ba eh, you’re always busy working kasi…” Sabi ko na nga ba eh, you’re always busy working kasi. Che! Anong 'busy working' ang pinagsasabi ng babaeng ito. Nung isang gabi nga lang nasa auction house to. Busy ba yun? Ha? Busy?

“Oh Ethan? Who is she?” nabigla naman ako nung napansin niya akung nakatayo. Wow! Akala ko hindi nakakakita ang mga-- blasta! Wala na akong maisip!

“This is Sophia, she’s working as my PA.” Naks! PA na ha, akala ko ba PS. Naupo na sa chair si Ethan, nagiisip na siguro dun sa super ‘dinner’ nila mamaya. Workaholic na manwhore.

“Oh...” minamata pa ako ng bruhildang ito, paano ba napagtiisan ni Ethan ang babaeng ito, “Anyway, Solly—”

“Sophia...” Ugh! Bingi ba sya? Alin sa ‘Sophia’ ang resemblance sa ‘Solly’? ALIN?

“Yeah, whatever…get me some coffee.” get me some coffee… Che! Kumuha ka ng kape mo.

“Sure ma’am…” Ugh! Utusan nga ako. Naglakad na ako paalis, but wait. I’m Sophia De Guzman, bakit ako magpapatalo sa isang bruhildang yun?

“Ma’am?” tinawag ko siya tapos lumingon naman, “What coffee do you like? Cappuccino, broad, Brazilian, Frosticcino, Fro-Reo, Moch—”

“Ugh! Just get me a Cappuccino!” iritang sabi niya sa’kin. Napatingin ako kay Ethan, kunwari nagbabasa pero nakikinig naman sa’min tapos nakangiti, feeling ko natutuwa rin to na pinagtitripan ko girlfriend niya eh. Sus! Pabusy pa.

“Ok ma’am… hot or cold?” I like my job.

“Nevermind!” Napikon na ata. Ok fine, suit yourself. “Ethan would you like some coffee? Ipagtitimpla kita”

Kanina lang sa’kin pa nagpapatimpla ang bruhildang ito ah. Tapos ipatitimpla niya rin pala si Ethan. Ipagtimpla niya na rin kaya ako.

“No thank you… I had the best coffee a while ago.” Best coffee ever! Napangiti naman ako. Wapak sa kape ang bruhildang yun!

Pagkatapos ang moment na yun para na akung tanga dito. Naka-upo sa may corner na parang shonga samantalang silang dalawa, andoon sa desk mukhang busy sa paperworks or something. Malay ko.

“Bilis na Maegan. We’re going to be late.” Tumingin ako sa desk, nakatayo na si Ethan at nagsusuot ng coat, nasa banyo naman si MAEGAN. May pa-first name basis pa kami ha.

Gabi na ba? Akala ko dinner yung mamaya. Wait.

7:30 pm?

7:30 na?

Gabi na? Ang bilis naman ata, ganun ako katagal tumunganga dito?

“Wait Ethan!” medyo matagal nga siyang mag ‘ayos’. Ano kayang ginagawa niya sa banyo? Normal pa bang magtagal dun? Baka umeebak? Oist Sophia umayos ka.

“Hey B2” napatingin ako kay Ethan… “Ipapahatid na lang kita sa driver, we’re going to have dinner with some clients.” Sana kanina niya pa ako pinauwi, wala rin naman akong ginagawa dito.

“'Kay” matipid kung sagot tapos tumayo na. Dinner with some clients daw.

----

Kanina pa ako dito sa bahay. Alam mo bang sa sobrang laki ng bahay niya, pag sumigaw ka mage-echo talaga. Na explore ko na nga lahat ng rooms dito maliban sa kwarto niyang lock.

10:47 na wala pa rin siya. Baka hindi na nga yun uuwi eh, kasi kasama niya si MAEGAN. Baka uuwi na lang siya dun sa bahay ni MAEGAN at gagawa ng milgaro kasama si MAEGAN. Pakialam ko naman kung kasama niya si MAEGAN. Ewan ko rin nga kung anong nakita niya kay MAEGAN at sumasama siya dun.

At dahil nga nagbakasyon yung mga tauhan niya dito dahil sa kabayanihan ko, nag iisa ako dito sa bahay. Akala ko nga yung driver na naghatid sa’kin kanina, naiwan sa byahe, yun pala company driver yun. So kung marami na nga ang tauhan niya dito, ano na lang kaya sa company niya.

*PPPEEEPP*  Parang naghiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko ng marinig kong may bumusina. Andito na pala siya. Dali-dali naman akong lumabas at binuksan ang pinto, yung gate kasi automatic na, at malayo ang gate sa bahay.

“Good Evening Sir.” nag bow ako pagkasalubong ko pa lang sa kaniya sa pinto.

Pag tingin ko sa kaniya, pagod na pagod na talaga siya. Kawawang bata, 21 pa lang para ng 54 years old kung magtrabaho.

“Umakyat na po kayo Sir. Ako na po magdadala nito.” Inabot ko yung coat at briefcase sa kamay niya. Binigay niya naman. Hindi na siya nagsalita, pagod na ata talaga. Umakyat na rin siya sa taas tapos sumunod na lang ako.

Pumasok siya sa kwarto niya, parang alanganin pa akong pumasok. Kung ano kalaki ang sala, feeling ko mas malaki pa ang kwarto niya, may sarili rin kasi itong sala.

"Sir dito ko na lang po ilalagay ang gamit mo.” Nilapag ko na lang sa isang mesa dun. Hindi ko na alam kung san siya napunta.

San na kaya yun? Baka magalit pa yun kasi iniwan ko kahit saan yung pinaka-mamahal niyang briefcase.

What the hell!?

Ba’t naghuhubad siya ng polo sa harap ko? Pinagpapawisan na ako.Aalis na ako.

“B2” Tinawag niya ako. Masakit pala ang tiyan ko, ulo pati paa. Ba’t niya pa kasi ako tinawag?

“Po?” ang boses ko pa talaga parang kawawa na kuting.

Nakayuko lang ako pero alam kung lumalapit siya. Sabi ko na nga ba manwhore ka talaga! Wala ka ng ginawang tama Ethan! WALA!

Bigla ko na lang naramdaman ang kamay niya sa bewang ko. Magje-Jet Li na ba ako?

Ba’t ba ako kinakabahan?

“Don’t move” he whispered. Hindi naman talaga ako makagalaw.

He levelled his face with mine, para siyang sumisilip sa mukha ko. Sobrang lapit that I felt my eyes closed. Then the electric volt followed. He kissed me, not torridly but sweet and gentle.

He pulled away and said, “I told you to stop calling me Sir.”

Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon