Lies

109K 1.7K 86
                                    

18. Lies

"Tristan wag mong sabihin na siya ang pinunta natin dito." Sinundan ni Tristan ng tingin ang sinasabi ko.Tumigil kasi muna kami sa pinto, hinihintay ata akung maunang pumasok.

Pero sa sitwasyong ito, kahit siya na ang mauna palagi.

"Oh yeah, andito na pala siya..."Patango-tango pa si Tristan na walang ka ideya, "...siya si Sheena Anna Sy, kapatid niya ang may-ari ng kalaban ng kompanya namin."

Ang sinasabi niyang kompanya ay yung kay Ethan. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Y-yun ba yung kay Ethan Sy?" sabihin mo hindi, parang awa mo na.

"Yep, yung mayabang na Ethan Tyler Sy..." tama nga, "Bakit parang namutla ka diyan?"

Ako? Maputla lang ba o talagang feeling ko mamamatay na ako?

"H-ha? Aaahh...Ano kasi..." ano ba naman to, napakamot na lang ako sa ulo. Ano bang gagawin ko?

Napatalikod na lang ako, parang babalik na ako sa kotse. Tiningnan ko ang ulap, parang uulan pa, nakikisama na talaga.

"Oi teka..anung nangyayari say—" napatigil si Tristan and I know she's here.

"Tristan"

Narinig kong lumabas na talaga si Sheena.

"Oh Ms. Sy, I was about to enter."

Dahan-dahan akong humarap. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko, hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang kaba ko.

"You?!" turo sa'kin ni Sheena.

"You know her?" tanong naman ni Tristan.

"Ahh..Ano kasi..uuhhmmm..." Ano ba naman Sophia! Wag kang engot! Magsalita ka!

"Pinatalikod mo lang ang Kuya ko at heto ka naman, humuhothot sa ibang mayayamang nakikita mo?" Ha? Anong sinabi niya?

"Teka Miss Sy, you're mis—" Hindi niya na pinatapos si Tristan, tapos tumingin na naman sa'kin.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Naunahan na ako ng hiya kay Tristan.

"Shut up Mr. Cartaleja! This slut here, is an opportunist! You better not go anywhere near her..." she stepped a little closer, ako naman halos hindi makapag-salita. "...makakarating ito sa kuya ko bitch! At sisiguraduhin kong itatakwil ka ng Kuya ko. Once and for all." Sabi niya na para bang ang dumi kong babae.

"T-teka! Sheena nagkakamali ka...nagtatrabaho ako kay Tristan, wala akong ginagawang masama!" Punyetang babae 'to, iba-iba pa ang ibabalita kay Ethan! Nakakapikon ka na!

"That's what they all say..." she smirked tapos biglang umalis.

'...makakarating ito sa kuya'

Paulit-ulit ang mga sinabi niya sa utak ko.

Hindi ko na namalayan na tumutulo na pala ang luha ko.

Hindi! Hindi ako dapat umiyak, kaya ko 'to.

Wala naman akong ginagawang masama. Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

"Sophia..." kinakausap ako ni Tristan pero wala akong masabi. Anong sasabihin ko?

"Sophia..."

Bakit kasi umabot pa sa ganito? Hindi ko naman alam na kalaban ng kompanya ni Ethan ang kay Tristan. Hindi ko alam na ganoon na lang ang magiging tingin ni Sheena sa'kin.

Hindi ko alam!

Kailangan ko ba dapat pag-isipan ang mga bagay-bagay na noong una wala namang kinalaman sa'kin?!

Sold For Ten MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon