Chapter 2: Date? Panget!

58 1 0
                                    

[Tyler’s POV]

When I woke up, I can feel my back aching at ang lamig na ng hinihigaan ko which made me realize na nasa sahig nap ala ako. As usual, sinipa na naman ako ng panget na to. Pag tayo ko, I saw TJ still sleeping with a horrible position, di ko masyado ma-explain ee, basta wired lalo na at babae siya. I tried tapping her head to wake her up kasi it’s almost 10 na kaso imbes na bumangon or idilat man lang yung mga mata, nag-groan lang siya. I realized na hindi pa to babagon soon, kaya bumaba na lang ako to eat.

When I reached the final step ng hagdanan, nakita ko yung parents ni TJ.

“Goodmorning po Tito, Tita” Then I smiled.

“Oh, hey Tyler, Goodmorning!” bati ng dad niya.

“Dito ka pala natulog, where’s tanee?” tanong naman ng mom niya.

“Ginawa po kasi akong delivery boy ng anak niyo ee and wala rin naman po akong kasama sa bahay kaya sinamahan ko na lang po siya. We fell asleep while watching po. Si Tj este Tanee naman po ee, as usal tulog pa rin.” Sabi ko habang kumakain ng bread and nagm-mix ng coffee.

“Hay, yang batang yang talaga! Sometimes we worry kasi napupuyat kakachat sa kung sinu-sino lalo na pag out of town kami ng dad niya.” Sagot ng mom niya.

“Don’t worry tita, lagi ko naman pong binabantayan yan.”

“Di ko naman kailangan ng yaya ee, I can take care of myself you know!” Sabat niya sabay kuha ng tinapay ko.

Nagulat naman ako sa biglang sumabat. Kala ko ba tulog to? Hmm.

Anyways, nagtataka kayo siguro kung bakit ko to naging Best Friend no? Unusual kasi ang ganitong kind of friendship. Kasi sabi nila, malaki ang chance na may isa sa aming ma-fall. Madali daw masira yung friendship. Pero sa amin ni TJ, malabong mangyari yun.

*Flash Back.

Bata pa lang kami, magkakilala na kami dahil business partners ang parents naming. Sabay lagi silang umaalis at dahil bata pa kami noon, lagi kaming magkasama sa isang bahay para daw medaling alagaan. Either bahay naming or sa kanila. Kaya naman ngayon, pangalawa siya sa pinakaimportanteng babae sa buhay ko. (Siyempre, si mom pa rin ang first!)

“Hoy panget! Zoned out ka na naman!” Sabay sampal sa mukha ko.

“Ha?”

“Sabe ko, zoned out ka na naman!” Sampal ulit.

“Kailangan talaga dalawang sampal?” Napakamot tuloy ako dun sa nagre-red kong muka.

And I was brought back to reality.

“Para ka kasing ewan ee. Tulala.” Sabay agaw dun sa tinapay na ginawa ko.

“Ee kasi nga may iniisip!”

“Ewan ko sa’yo! Uwi ka na nga tapos balik ka after breakfast. Ay, maligo ka pa pala muna.”

“Bakit?!”

“Para samahan mo akong mag gadget hunting.”

“Gadget hunting na naman? Di ka na nagsawa! Kakarating lang ng parents natin, ayaw mo ba sila makasama muna?”

“Haaay Tyler, sanay na kami.” Sinabi ng mom niya habang nakangiti sa aming dalawa.

“Pero tita, di porket nakasanayan, ayos ng ulit-ulitin.”

[Tanee’s POV]

Eto na naman ang best friend ko, umiiral ang pagka good boy. Oo, lagi siyang ganyan. Kainis nga ee, kahit lagi siyang kontra, lagi naman siyang tama.

“Bukas na ako makikipagdate kila mommy and daddy. Tayo muna magdate. Please?” Nakapout naako sa kanya. Baka sakaling pumayag.

“No. Pwede naman tayo lumabas anytime but not today.” Demand niya sa akin.

“Bakit?!” Medyo naiirita na ako.

“Kasi nga…”

“Tyler, samahan mo na nga yan. Kukulitin ka lang niyan.” Pabirong sabi ni Daddy. Kahit kalian, siya kakampi ko.

Nung pagkasabi ni dad yun, bigla akong tiningnan ni Ty.

“Hmm. Sige na nga. Pero uwi rin tayo agad!”

“Y E S!”

Hindi ko alam kung bakit pero sobrang saya ko kapag nakakasama ko siya. I know that we see each other everyday pero iba pa rin talaga ee. He makes me feel so safe. Weird noh? Pero si Ty kasi yung tipo ng tao na di basta basta susuko sa’yo, kahit isa ka pang baliw na pasaway tulad ko. He will try his best para mapabuti ka.

“TJ, uwi na ako. Balik rin ako agad. Ligo na rin. Dapat ready ka na pagkabalik ko kung hindi, di na ako sasama.”

“Oo na! Ang dami pang sinasabi ee, alis na!”

Pagkaalis ni Ty, nagready na ako. 

Destiny or Choice?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon