“Ano ba’y, wag ka ngang ganyan,” ang malanding sabi ni Jane.
“Ayoko ng ganyan, you’re so gay, eeew…”
“Oo, sige, ganyan lang…yan! Yes!...”
Kung iba na ang iniisip nyo, think twice. Huwag kayong masyadong green.
“Ginagawa ko naman ang lahat ah, eto lang talaga ang kaya ko,” sabi Jomar.
“Malapit na…yan, sige pa… yan, Yes!”
Okay, think thrice na lang, iba na rin ang naiisip ko.
“Yes!” sabay nilang sinigaw. Sawakas, natapos rin ang paggawa nila ng compost pit sa gitna ng mainit na bukirin sa San Pablo, Laguna.
Super nandidiri kasi itong si Jane sa mga nakikita niyang bulok na balat ng prutas at sa mga bangaw na hindi mapigilang maattract sa nakakasukang amoy nito.
Si Jomar naman, imbes na alalayan itong baguhan na si Jane, pinabayaan lang niya ito na gumawa at ginagaya pa ang mga maaarteng sinasabi nito.
“Tara na nga, balik na tayo, hahanapin na tayo ni lolo at lola at para makauwi na rin tayo sa elbi,” aya ni Jomar.
“I agree, super gross is coming to town, eeew!” sabi ni Jane.
“Eeeew,” ang gaya ni Jomar pati ang facial expression, ginaya rin niya.
“I hate you! Mark this date!” pag-inis ni Jane.
“I hate you! Mark this date!” gaya ulit ni Jomar, sa pagkakataong ito, sa tono na ng isang malanding babae.
Hindi na muling nagsalita si Jane, alam naman niyang pinagtitripan lang siya ni Jomar dahil unang pagkakataon niyang makapagtrabaho sa bukirin ng kanyang mga Lolo at Lola, hindi nga lang niya inaasahan ang mga ipapagawa sa kanya, pagdadakot ng tae ng baka, pagbabaon ng mga bulok na prutas at pag-eentertain sa mga bangaw. Pinangarap niyang makapasok sa industriya ng entertainment pero sa hindi karumal-dumal na paraan.
Actually, kung papansinin, mukhang mayaman naman si Jane. In reality, mayaman talaga sila at ang bukiring tinutukoy sa kwentong ito ay hacienda talaga, part lang yung bukid sa malawak na pagmamay-ari ng kanyang mga grandparents. Si Jomar naman, well, pinsan niya iyon, pero ampon lang naman si Jomar dahil baog nga ang kanyang tito well, hindi talaga sila magpinsan pero magpinsan ang turingan nila; iyon ang nakalakihan nila.
“Nandito na po kame!” sigaw ni Jomar pagbalik nila sa malamansyon na bahay ng kanilang Lolo’t lola.
“I need to take a shower. Nanglilimahid na sa dumi ang aking katawan. So kadiri na!” sabi ni Jane, sabay takbo sa kanyang tinutuluyang kwarto.
“Jane, kamus – “ sabi ng kanyang nanay ng makita niya ang anak na nagmamadaling makaligo.
“Hi tita! Wag nyo ng abalahin si Jane, maliligo daw siya at diring diri na sa sarili,” paliwanag ni Jomar.
“Kamusta naman ang araw niyo Jo? Super bang naging pabigat sa iyo si Jane?”
“Hindi naman po masyado. Tulad ko rin po dati, medyo nahirapan at nagrereklamo pero wala naman pong magagawa dahil kailangan.”
“Tama ka, tradisyon na kasi ito ni Papa – ng lolo nyo, na makapagtrabaho man lang kahit isang beses sa bukid dahil tulad nga ng sabi nila ‘Kahit mayaman na tayo, kailangan nyo pa ring maghirap para malaman ang pinagmumulan ng buhay’,” sabay nilang sinabi ang katagang halos isang libong beses na ata nilang narinig mula sa lolo nila Jomar at tatay naman nitong si Madeline, nanay ni Jane. Kinuha ni Madeline ang hawak na pala ni Jomar at binigyan niya ito ng malinis na tuwalya.
![](https://img.wattpad.com/cover/897833-288-k584540.jpg)