Chapter 7

17 0 0
                                    

“Psst…”

“Psst…”

“Ano?”sabi ni Jane habang nakahiga pa sa kama.

“Tanghali na kaya! Ganyan ka ba sa bahay nyo, tanghali na kung magising?” sabi ni Amanda sabay tapik sa bawat parte ng katawan ni Jane.

“Late na din naman akong natulog eh,” papungas-pungas na sagot ni Jane.

“Maaga tayong natulog kagabi noh? O baka naman nagparty time ka pa ng hindi ko nalalaman?”

“Hindi,” sabi ni Jane. Pero naliwanagan sya at agad na tumayo para ikwento ang nangyari kagabi.

“Ang weird naman niya, bigla biglang mantuturo ng stars?” sabi ni Amanda. Pareho na silang nakaupo sa sala habang nakain ng umagahan/tanghalian – kape at cheeseburger.

“Oo, medyo weird nga pero may itsura sya, infairness,” sabi ni Jane sabay kagat sa burger na matagal na niyang hawak hawak.

“Aysus, alam ko na patutunguhan niyan. Alam na alam ko na!” sabay kindat ni Amanda kay Jane.

“HINDI AH!” biglang protesta ni Jane. “HINDI KO SYA CRUSH!”

“Wala na akong sinabi ah…pero ikaw na ang nagpoint out,”

Namula si Jane.

“Hindi ko pa siya tuluyang kilala noh, saka hello, may itsura lang siya. Ayoko ng ugali niyang halos madaling araw na umuwi, malay mo may frat pala iyan. Ayoko ng ganun. Saka, parang masyado siyang weird. Bagay pa yung ganung qualities kay Joma eh. Magpalit na lang sila ng qualities ni Jomar baka mas magustuhan ko pa sya,” paliwanag ni Jane.

“So… gusto mo si Jomar?” mahinahong tanong ni Amanda.

“Huh?” nagulat si Jane sa tanong ng kaibigan.

“Alam mo naman na pinsan mo siya di ba?”

“Correction, hindi tunay na pinsan, ampon lang siya.” Binaba na ni Jane ang kinakain. Nawalan na siya ng gana dahil sa pinag-uusapan nila. Ayaw niya ng ganito trinatrato si Jomar.

“So… gusto mo nga siya? I mean walang masama pero magpinsan pa rin kayo.”

“Ang akin lang, gusto ko yung qualities ni Jomar, hindi mismo si Jomar. Parang ganito lang iyan. Gusto mo na ang mapapangasawa mo ay may qualities ng tulad ng sa Daddy mo pero hindi necessary na gusto mo ang Daddy mo na eexceed pa sa ineexpect ng iba. Hindi ko gusto si Jomar at hinding hindi ako papatol sa kanya dahil pinsan ko nga siya.”

Matapos nilang kumain ay umalis si Amanda para umatend ng praktis ng sayaw kaya naiwan mag-isa sa apartment si Jane. Nagtext sa kanya kanina si Jomar at sinabing ayos lang siya. Napaisip ng malalim si Jane sa napag-usapan nila ni Amanda. Hindi niya gusto si Jomar. Gusto lang niya ang pagkamaalaga nito at pagiging brother nito sa kanya. Alam rin naman niyang hindi magtetake advantage si Jomar dahil alam niyang magagalit ng husto ang kanilang mga magulang.

Hindi malaman ngayon ni Jane kung anong gagawin sa apartment. Tinatamad naman siyang mag-aral at mag-internet. Nanuod na lang siya ng t.v.

2pm na at wala pa din si Amanda. Bagot na bagot na sa kakapanuod si Jane. Napagpasyahan na lang niyang tumambay sa kwarto total ay wala rin naman siyang ganang lumabas. Binasa niya ulit ang journal na nakita niya sa kwarto niya kahapon. Natutuwa siya sa kanyang pinagsusulat, halatang napakawalang muwang pa niya ng mga panahon na iyon.

Sa kalagitnaan ng kanyang pagbabasa ay may narinig siyang malakas na tunog – parang may nalaglag na t.v. o aparador. Tiningnan niya kung saan nagmula ang ingay – sa kabilang bahay, kay Lance. Agad na tumayo si Jane at pumunta sa kabilang apartment. Tulad ng kay Amanda, ganoon lang din ang itsura ng kay Lance.

How well do you know me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon