Chapter 4

23 0 0
                                    

Lumipas ang mga araw, Minsan umuulan, minsan maaraw. Isang normal na araw lang para sa mga estudyanteng sina Jomar at Jane. At dahil malapit na ang exam at mas una ng isang taon si Jomar kay Jane, laging tumatambay sa bahay nila Jomar itong si Jane at sa paglipas ng mga araw, lalong tumitindi ang kabaliwang nangyayari kay Jomar. Minsan, gusto niyang iwasan ito ngunit hindi naman niya magawa dahil dikit nga sila ng kanyang insan.

Sa kabaligtaran naman, hindi napapansin ni Jane ang medyo kabalisaan ni Jomar sa kanya. Iniisip niyang baka ganun lang talaga ang kanyang pinsan kapag nagtuturo. Pero sa kabila non, hindi rin niya maalis ang possibility na baka may problema ang pinsan niya, o peer pressure? Ayos naman ang social life ni Jomar sa pagkakaalam niya.

Imbes na isipin pa ng masyado ang maaaring problema ni Jomar, inisip na lang niya ang mga pwedeng ihanda sa party-ing na mangyayare. Nakausap na niya si Amanda at napag-alaman niyang siya ang bahala sa music at decors. Ayos, sabi niya. Iyon ang expertise ko.

Matapos ang patayang araw ng Thursday,laking tuwa niya dahil halos lahat ng tinuro ni Jomar ay nasa test paper niya at ayun, alam na niyang papasa siya sa major subjects niya. Kailangan niyang pasalamatan si Jomar ng lubusan, pero kapag nalaman na niya ang resulta.

Kinabukasan, Friday, lumabas ang resulta ng kanyang mga exam at ang math niya ang highest sa lahat. Dun sila nagfocus ni Jomar nung nagrereview sila kaya laking pasasalamat niya dahil pumasa siya sa kanyang mga exam. Kailangan na niya talagang pasalamatan si Jomar.

So ayun, kaya paglabas niya ay inabangan na nito si Jomar. Hindi pa rin niya alam kung paanong pagpapasalamat ang gagawin sa pinsan dahil halos kapatid na rin niya ito. Siguro magiinarte na lang ako, sabi niya sa sarili. Paglabas ni Jomar, nagulat siya ng makita si Jane na nakaupo sa tabi ng hallway, malungkot, mukhang matindi ang problema. 

Dali-dali niyang pinuntahan si Jane, concern.

"Anong nangyare?" tanong ni Jomar.

"Yung exam kasi..."

"Ano? Wala ba dun yung mga tinuro ko?" kinuha na ni Jomar ang bag ni Jane para hindi na nito mahataw sa kanya sa oras na wala nga ang kanyang mga itinuro sa exam.

Hindi sumagot si Jane.

"Sorry" sabi ni Jomar. Malungkot na rin dahil sa sobrang hirap ng exam na iyon, kahit siya ay bumagsak na rin dun isang beses. "May susunod pa naman," payo niya.

Tumawa ng malakas si Jane at sa isang saglit ay niyakap ang pinsan. Niyakap. Nanigas si Jomar. Hindi niya alam ang gagawin.

"Just kiddin cuz. Natutuwa lang ako dahil halos lahat ng tinuro mo ay nasa exam. I'm just making a unique way on how to say thank you, at ayun, pasado nga pala ako, nakita ko na kanina,"

Nagulat si Jomar sa ginawang pagyakap ni Jane sa kanya, hindi agad siya nakarespond ng ayos. Narealize naman ni Jane ang discomfort na naramdam ni Jomar kaya agad niya itong pinakawalan.

“Uy! Ok ka lang? Gulat ka no? na nakapasa ako? Sabi ko na sa iyo e, papasa ako. Salamat ha!” masayang sabi ni Jane.

“Congrats!” ang tanging nasabi ni Jomar.

“At dahil tapos na ang mga exam ko, maaasikaso ko na ng mabuti ang party kina Amanda, sama ka ha, sabi mo yan,” tinapik ni Jane si Jomar sa balikat. “Tara na”

Sa sasakyan, patuloy pa rin sa pagkukuwento si Jane sa mga planong gagawin niya sa party kina Amanda. Maya’t maya rin siyang nagpapasalamat kay Jomar dahil sa pagpasa niya sa math. Tahimik lang si Jomar sa buong biyahe habang nakikinig kay Jane. Paminsan minsan ay aksidenteng nahahawakan ni Jane ang kamay ni Jomar na siya namang kinagugulat lagi ni Jomar.

Pagkahatid kay Jane sa bahay, hindi matiis ni Jane ang magtaka.

“Nandidiri ka ba sa akin Jomar?” tanong ni Jane, may pagkadismaya sa kanyang mukha.

“Ha?” nagulat si Jomar sa tanong ni Jane.

“Kanina ka pa kasi tahimik, simula nung pinasalamatan kita sa school. Tapos kanina sa van, kapag hinahawakan kita, nanlalamig ka, mabaho ba ako? Nakakadiri ba itsura ko?” pag-aalala ni Jane sabay amoy sa sarili at tingin sa salamin ng kotse. Nag-alala rin si Jomar dahil baka isipin ni Jane na maarte siya.

“Hey, gorgeous,” sabi ni Jomar sabay ngiti kay Jane. “Hindi ka mabaho at pangit, may iniisip lang ako kanina kaya medyo wala ako sa sarili ko. Pasensya ka na ha. Saka, masaya ako na nakapasa ka.”

“Sigurado ka?”

“Naman. Wala kang tiwala sa akin?”

“Alright then. Salamat ulit ha. You’re the best cousin ever!” sabay yakap ulit ni Jane. “I’ll go ahead, ingat kayo!”

Pagbaba ni Jane, hindi maitago ni Jomar ang pagkadismaya at lungkot na nadarama. Pinsan lang talaga ang tingin ni Jane sa kanya. Naiinis rin siya sa kabilang banda. Bakit ba kasi kailangan pa nilang maging magpinsan? Bakit ba kasi minamahal na niya si Jane ng higit sa dapat ibigay ng isang ordinaryong pinsan?

How well do you know me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon