Kinabukasan ay masayang pumasok si Jane sa kanyang tatlong klase. Hindi niya alam kung inspired siya o sadyang masaya lang ang araw na ito dahil tatlo lang ang klase niya ngayon. Dalawang lecture class at isang recitation class ang kanyang inatenan. As usual, natulog lang si Jane sa mga lecture class niya at tulala lang sa recit class niya.
11.30am ay tapos na agad ang araw ni Jane. Hindi niya alam kung sa apartment sya kakain ng tanghalian o sa fast food. Nagpalakad lakad muna siya sa campus at nakita niya si Jomar. Lalapitan na niya ito sana ng biglang umalis agad kasama ang barkada nito. Patuloy siyang naglakad hanggang sa makarating sya sa canteen at bumili ng softdrinks. Doon ay nakita niya sina Trisha at Jamie, high school friends niya.
“Hey guys, kamusta na?” lapit ni Jane sabay upo sa tabi ng mga ito.
“Hi Jane, eto, ganon pa din, ikaw?” sabi ni Jamie.
“Eto, nakikitira ako ngayon kina Amanda for a week…”
“Pinalayas ka sa inyo?” putol ni Jamie.
“Hindi, gusto ko lang maranasan kung paano maging independent,” proud na sabi ni Jane.
“Hindi ka nga makatagal sa bukirin niyo, sa apartment pa kaya for a week?” pangising sabi ni Trisha.
May bitterness ng nadarama si Trisha kay Jane simula pa noong high school dahil sa napakaarte ni Jane noon at lagi na lang siya ang bida sa lahat dahil mayaman at spoil brat, kaya hindi na nakakapagtaka kung mag-away man sila. Dahil sa immature pa noon si Jane ay minsan na niyang nasabunutan si Trisha sa school at sila’y naguidance. Ngayon, nagiging mapagpasensya na lang si Jane kapag natunugan niya si Trisha na magsisimula ng panibagong away.
“Excuse me?” sabi ni Jane. Parang pamilyar kasi sa kanya ang mga linyang iyon.
“Bingi ka? Sabi ko, maarte ka!” palakas na sabi ni Trisha na halos ang mga nakain sa kabilang table ay tumingin na.
“Trish, easy, wag dito…” paawat na sabi ni Jamie.
“Parang pamilyar lang kasi yung mga sinabi mo and paano mo nalaman na nagtrabaho ako sa bukirin namin?” pagtataka ni Jane.
“Sinabi sa akin ni Jomar,” mataray at proud na sabi ni Trisha.
“Easy girls… Jane, ganto kasi iyon. Si Jomar kasi e nanliligaw kay Trisha ngayon, actually kahapon lang sya nagstart, medyo mabilis nga e,…”paliwanag ni Jamie habang sinusubukang pakalmahin si Trisha.
“I see,”
“Napakaarte mo nga daw e, ‘so eeww’”,paggaya ni Trisha.
Hindi na lang umimik si Jane. Hindi niya alam kung magagalit siya kay Jomar o sa sarili niya dahil masyado siyang maarte.
“Jamie, nice seeing you…and sayo din Trisha, aalis na ako,” pag-iwas ni Jane sa gulo at siya ay tumayo na paalis.
“Bangaw!” sigaw ni Trisha. Nagtinginan na ang lahat sa kanila pero hinayaan na lang ni Jane. Ayaw na niyang magsimula pa ng gulo.
Umalis ng matiwasay si Jane at gumawi sa kanyang hiding place sa campus – sa likod ng Math Building. Nagagawi doon si Jane kapag malungkot siya dahil sa wala ang parents niya sa achievements niya o di kaya kapag seryosohan siyang nag-aaral. Noong nakaraang semester lang naman niya nadiskubre ang lugar na ito at walang taong napaparoon. Alam niyang walang makakakita sa kanya kapag umiyak siya dito.
Naupo siya sa may bakanteng bench at sabay humagulgol.
“I hate you Jomar! Why?,” nasabi niya.
“And I hate myself…” sabay hagulgol.
Sa tingin kasi ni Jane, nagiging mababa ang tingin sa kanya ng mga tao dahil sa mayaman siya at may kaartihan sa ilang mga bagay kaya imbes na maging proud ay naidodown niya ang kanyang sarili. Sa unibersidad na ito kung saan pantay ang mahirap sa mayaman dahil utak ang sukatan ay wala siyang panlaban lalo na pagdating sa social wellness. Ayaw niya sa mga marurumi, masisikip at mahihirap na bagay kaya hindi pa siya sumasali sa ilang charity orgs. Hindi niya alam kung paano iiimprove ang sarili kaya sinubukan niyang tumira sa apartment ni Amanda. Alam niyang isang step pa lang iyon kaya sa party na gaganapin, susubukan niyang iimprove ang social life.