6pm na ng makauwi si Amanda. May dala itong take out na pagkain mula sa McDonalds. Nakita niya si Jane na nakahiga sa sofa habang nakabukas ang t.v. Nakatulala lang si Jane sa may kisame.
“Grabe ka ha, hindi naman ikaw ang nagbabayad ng kuryente ko pero kung makakonsumo ka wagas na wagas,” sabi ni Amanda sabay patay sa t.v. Tulala pa din si Jane.
Hindi na pinansin pa ni Amanda si Jane at inilapag na nito ang dala nitong pagkain.
“Makakaatend nga pala daw sina Mark at Josh sa party, basta daw e kasama si Jomar. Sabi ko naman e kasama naman si Jomar. At nga pala,…” nilapag ni Amanda ang dala nitong coke at kumuha ng baso para isalin ang mga ito.
“Bukas, good news I think pero umaga lang ang pasok mo. Wala daw si Prof. Cardenas dahil may conference daw ang mga math teachers somewhere in Visayas for 3 days so Friday na ang balik nila at paniguradong wala ding klase dahil pagod pa ang mga iyon. Luwag ng week mo ngayon sis.” Isinalin na rin ni Amanda sa plato ang mga pagkaing tinake out at inihain na niya ito sa may lamesa sa sala.
Napansin pa rin ni Amanda na tulala pa rin itong si Jane.
“Narinig mo ba ang mga sinabi ko? Hello??” sabay tapik sa mukha ni Jane.
“In love ata ako sis,” sabi ni Jane habang nakatitig pa rin sa kisame.
“Oh God, don’t tell me kay Mr. Neighbor yan?” natutuwang sabi ni Amanda.
Umupo agad si Jane sabay inom sa coke na nasa lamesa.
“I think so,”
“Oh sis, paano, kwento ka naman diyan!”
Kahit na anong gustong kwento ni Jane, hindi niya magawa dahil nasabi niya kay Lance na wala siyang nakita kaya binago na lang niya ang kwento niya.
“Well, ahmmm, may narinig akong malakas na lagabog kanina and I wonder where it came from. So ayun, nalaman kong sa kabilang bahay iyon kaya kumatok ako sa pintuan niya.”
“Then…?”
“Then, noong binuksan niya, nakita ko yung lamesa na…na wala sa pwesto at halos patumba na then I said, ‘hey, need help?’ sabi niya, ‘sure, sorry sa ingay, hindi ko lang kasi mabuhat yung lamesa’ at ayun, tinulungan ko siya.” Pilit na ngumingiti si Jane para sa mas kapani-paniwalang kwento.
“Tapos?” tila bitin pa din si Amanda.
“Tapos ayun, nagkakwentuhan kame saglit. Actually not the usual getting to know, it’s more about the party and he said…” natigilan si Jane.
“What?” excited si Amanda.
“He said…he’ll be glad to come?” nagulat si Jane sa kanyang sinabi.
“Told you so! This is the chance, pakakaabangan ko iyan at sasabihin ko sa lahat na may kadate ka sa Friday! I knew it!”
“No, no, no!! Hindi talaga ganon iyon,”
“Shut up sis, wag ka ng mahiya pa. Well, it can be some kind of date and as you said kanina, you think you’re in love with this guy and I need,.. I have to know more about him!”
“No,…it’s a misunderstanding, actually…”
“Hep hep hep! Kinikilig ka lang, kumain na nga tayo…” masayang sabi ni Amanda.
“I’m dead” sabi ni Jane sa kanyang sarili.
Kinagabihan, hindi muli makatulog si Jane kaya muli siyang lumabas ng veranda. Ngayong araw ay tinawagan siya ng kanyang mga magulang at wala pa ring paramdam si Jomar bukod sa text nito kaninang umaga. Hindi naman big deal sa kanya.
Hindi niya maiwasang tumingin sa kabilang veranda. Nadismaya siya dahil wala si Lance doon. Tiningnan niya ang oras sa cellphone nito – 11.30pm. Masyado pa kayang maaga?, nasabi ni Jane sa sarili. Inisip niya muli ang mga nangyari kanina at ang nasabi niyang kasinungalingan kay Amanda. Paano niya ngayon mapapapunta si Lance sa party? Hindi pa naman sila ganoong kaclose at actually, hindi naman talaga sila close.
“Ang tanga tanga tanga tanga tanga mo kasi Jane,” sabi niya habang sinasampal ang sarili.
“Bakit ang hilig ng mga babae na sampalin ang kanilang sarili?” sabi ng isang boses.
Nagulat si Jane at nakita si Lance na nakangiti muli sa kanya.
“Ah,…oh, hey, hi!” pagulat na sabi ni Jane.
“Salamat nga pala kanina,” nawala ang ngiti ni Lance at hindi man masyadong aninag, ramdam ni Jane na malungkot si Lance.
“Wala iyon,”
Muli, tahimik lang silang dalawa. Hindi alam ni Jane kung sasabihin nit okay Lance na kailangan niyang umatend sa party o dapat tanungin niya muna? Hay, ang rude naman kung pipilitin niya si Lance. Magmumukha siyang hopeless romantic niyan.
“Anong iniisip mo?” sabi ni Lance.
“Huh?” hindi sigurado si Jane kung siya ba ang kinakausap nito.
“Anong iniisip mo,” ulit muli nito habang nakangiti na sa kanya.
“Ahmmmm,… I was just thinking na, weird ka,” sabay tawa ni Jane.
Hindi naman tumawa si Lance.
“Honestly,” sabi muli ni Lance. “Anong iniisip mo?”
Sa pagkakataong iyon, naikwento ni Jane kay Lance ang napag-usapan nila ni Amanda. Syempre, hindi niya sinabi yung part na nakatulala siya habang iniisip kung in love siya kay Lance pero nasabi niya ang version niya ng nangyari kanina.
“I see, so you’re thinking if I could come with you this Friday as a date,” pagbuod ni Lance.
“Tanggalin mo yung word na date kasi sila lang ang nag-iisip noon,”
“But still, it is a date ‘cause 90% of people in the party think that we have an affair,” nakangiting sabi ni Lance.
“Oh well, hopeless romantic ako. Just kuck off the date side,”
“Ok then,”
“So what then?”
“I guess I have no choice. You helped me, I help you back,”
“Fair enough,”
Nagthumbs up si Lance kay Jane sabay lagay ng kamay sa dibdib nito.
“Anong ginagawa mo?”
“It’s a seal of promise. I promise na aatend ako sa party nyo as you’re date and I would be the best date for you,”
“Bolero. Oo na.” Ginaya rin ni Jane ang ginawa ni Lance.
“I promise to take good care of the happenings kanina, wala akong pagsasabihan at wala akong nakita.” Muling nawala ang ngiti sa mukha ni Lance. Alam ni Jane na malungkot na naman ito.
“I don’t know what to say,” sabi ni Lance.
“Sorry,” sabi ni Jane at muli itong nagsign of promise kay Lance.
“Eto naman, I promise, na hindi ko na babanggitin pa ang mga pangyayari kanina until you want so,”
Ngumiti na muli si Lance pero alam ni Jane na may sakit pa ring dinaramdam ito. Gustuhin man niyang malaman, tanging magagawa niya ngayon ay pagtibayin ang samahang nabuo na niya sa kanilang dalawa.