Hindi makagalaw si Jane sa kanyang kinalalagyan. Kasintahan ba iyon ni Lance? Nanay? Pero parang imposible naman kung nanay. Kapatid? Pwede pero bakit? Mas katanggap-tanggap ang girlfriend, nasabi ni Jane sa sarili.
“Hindi ko man lang naisip iyon,” patuloy na bulong ni Jane.
“Sa gwapo niyang iyon, for sure may gf sya,” sabay sampal na naman niya sa sarili.
Inisip niya ang kalagayan ni Lance – umiiyak. Para sa isang lalaki na umiiyak, matindi panigurado ang pinagmulan niyon bago lumabas ang mga luha. Matindi panigurado ang pagmamahal ni Lance sa babaeng iyon kaya hindi niya magawang iwan.
Naisip ni Jane na ang babaeng iyon ang maaaring dahilan ng pagwawala at panandaliang pagkalungkot lagi ni Lance.
Nalungkot din si Jane sa mga posibilidad na iyon. Umaasa siya kaagad ng hindi tinitignan ang ilang posibilidad. At sa darating na Friday, magpaparty pa sila at si Lance na bilang date niya.
Hindi napansin ni Jane ang pagdating ni Amanda. Nakapako pa din ito sa may ding-ding ng sala.
“Sabihin mo lang kung gusto mong maging painting sa pader ko at bibili agad ako ng pako,” sabi ni Amanda sabay hagis sa gamit na dala sa sofa.
“Ano?” panggulat ni Amanda ng hindi ito kumibo sa sarcasm nito.
“May girlfriend na si Lance,” pabulong na sabi ni Jane.
Niyakap agad-agad ni Amanda ang kaibigan. Hindi naman umiiyak si Jane pero parang wala pa din ito sa sarili nito dahil sa mga nalaman niya at sa sitwasyong umiiyak si Lance.
“Girl, barely mo pa lang naman siya kilala. Gwapo siya syempre hindi mawawala yun. Malay mo, magbreak ang magjowa at pumaling sa’yo si neighbor. Ok lang yan,”
Alam ni Jane na hindi ok ang lahat. Alam ni Jane na break na silang dalawa at hindi matanggap iyon ni Lance. Matatagalan pa bago makapagmove-on ito sa dinaranas. Handa bang maghintay si Jane? Bakit naman siya maghihintay? Love na ba agad ang nararamdaman niya? Extreme crush? O baliw lang talaga si Jane.
Napag-isip-isip ni Jane na ituon na lang ang pansin sa gaganaping party. Hindi pa din niya alam kung papupuntahin pa niya si Lance doon o hindi na.
Tulog na si Amanda ng mga bandang 10.30pm. May pasok pa si Jane kinabukasan pero sa hapon pa naman iyon at isang klase lang ang dapat niyang atupagin.
Lance Doutchell, sino ka ba talaga? Pakuwari ni Jane sa kanyang sarili.
Isip siya ng isip ng mga bagay tungkol kay Lance. Naisip niyang baka gangster ito na may utang sa babaeng iyon. O hindi kaya ay murderer or kidnapper. Pero agad niyang binura ang mga masasamang taong iyon sa kanyang isipan. Alam niyang sa loob loob niya, hindi ganon si Lance.
Sinilip ni Jane ang kanyang cellphone sa pangalawang pagkakataon. May isang message mula kay Jomar.
Hi Gorgeous!
“May paHi-hi pang nalalaman tong mokong na ito,”
Hi your face!
Wats wrong?
Hindi inaasahan ni Jane ang agad na pagreply ni Jomar pero maaga pa naman kaya hindi na kataka-taka.
How dare you to link all my attitudes to Trisha? Alam mo nmn ang situation nmin db?
Nag-away b kau? Sori. Napasarp lng kmi s kwentuhn den nakuwen2 ko un. Sori na.
Muntikn na. buti andun c Jamie.
Sori again. Kmusta k n nga pla jan? tagl ko ng walng balita ah
Makasegway k nmn. Hndi mo nga nakwento n c Trisha pla type mo.