Chapter 11

8 0 0
                                    

Tahimik muli si Jane, willing makinig kung pagbibigyan. Natutunan ni Jane na huwag magsasalita kung hindi naman kinakailangan. Good listener ika nga. Naghintay siya sa susunod na sasabihin ni Lance.

Umiling-iling si Lance na parang nararamdaman ang kagustuhan ni Jane na malaman ang kanyang pagkatao. Ito naman ang sagot na natanggap ni Jane na sa hindi maipaliwanag na koneksyon ay pinabayaan na lang niya.

“So, kitakits na lang.” Humayo na si Jane patungo sa kanilang kwarto at naiwang mag-isa si Lance habang nakatingin sa mga bituin.

Nagising si Jane na wala na si Amanda sa kanyang kama. Sa tabi ng kanyang unan ay may isang papel na nagsasabing maagang umalis ang kaibigan dahil may dadaanan pa itong mga handouts. Tinignan niya ang cellphone – Wednesday na, 9.30 ng umaga. May isang message mula sa parents niya. Parang kay dami na ng nangyari sa loob lamang ng dalawang araw.

Napatingin siya sa may kisame, iniisip ang mga nangyari sa kanya. Nagpunta lang siya kay Amanda para tumulong sa gaganaping party sa Friday at para makaranas rin ng konting kalayaan mula sa marangya niyang buhay. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya ang kapitbahay nito na isang matinee, boy-next-door na nagngangalang Lance Doutchell. Masikreto pero hindi maitatago ang lungkot na nadadama ng lalaking ito sa kanyang puso. Siya, bilang hindi alam ang takbo ng kanyang nararamdaman ay pilit na inaalam ang kabuuan ng estrangherong ito. O siya ang estranghero?

Sino nga ba naman siya? Ilang araw pa lang? at ano yung mga narinig niya kahapon sa bahay ni Lance? Siya nga ba ang estranghero?

Gulong-gulo ang utak ni Jane. Hindi niya alam kung stay friends sila ni Lance o stay as what it is then wait for more? Gusto niya si Lance pero hindi niya alam to what extent ang kaya niyang ibigay. Hindi niya alam kung willing pa si Lance na maglevel-up sa mga pangyayari. Hindi niya alam kung pagkatapos ng darating na Friday ay magkakausap o magkikita pa muli sila ni Lance.

Keep their status or not?

Tumunog ng malakas ang cellphone ni Jane sa gitna ng kanyang pagmumuni-muni.

“Hello?”

“Good morning gorgeous!”

Sumimangot ang mukha nito ng marinig ang boses ng pinsang tinulugan siya sa gitna ng confrontation text nila kagabi.

“Sumama lang gawa mo!”

“Easy, naggagawa kasi ako ng speech plan ko kagabi habang katext ka tapos nakatulugan ko.”

“Sinungaling,”

“May proof ako! Swear!”

“Sinungaling”

“Listen, sorry talaga about yung kay Trisha. Medyo…ahmmm. Basta, complicated lang. Gusto ko lang magkaroon ka ng good morning today,”

Hindi sumagot si Jane sa suyo ni Jomar.

“Cheer up na! You know what, I’ll make a deal with you,”

“Jo, alam mong ayaw ko ng may kaaway. I’m trying my best to change. I’m worse than what you could think of an-…”

“I know. Listen, mapapagbati ko kayo ni Trisha before Friday.”

“Impossible,”

“Kaya ko,”

“You only have today and tomorrow, if you’re still have your mind.”

“Magagawa ko yan, promise.”

“So what’s the deal?” Napangiti si Jane. Hilig niya ang mga deals lalo na kung pabor ang lahat sa kanya.

“Tell me first na sincere ka talaga na magkabati kayo,” seryoso ang tono ni Jomar. Nawala ang ngiti ni Jane sa kabilang linya.

How well do you know me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon