Chapter 5

14 0 0
                                        

Nang kinagabihan, hindi masyadong makatulog si Jomar. Patuloy pa rin niyang iniisip ang mga bagay na nagpapagulo ng kanyang isip. Hindi niya maitatanggi sa sarili na mahuhulog ang loob niya kay Jane pero alam din niyang hindi ganon ang tingin sa kanya ni Jane. Sa isang banda, magpinsan sila sa papel at tututulan ito ng mahigpit ng kinalakihan niyang pamilya kapag nagkataon. Anong dapat kong gawin?, naitanong niya sa sarili. Kinuha niya ang kanyang laptop at gumawa ng note.

How to get rid of forbidden relationships

1.       Ignore her if possible. That’s the only way to get off in everything.

Pero napag-isip niyang hindi niya magagawa iyon kay Jane. Baka makahalata siya na may maling nangyayare.

2.       If number one is impossible, focus on other things. Find another girl to rely on.

3.       Hang out with my friends. Chill out and ignore it.

4.       Play games

5.       Go to farm

6.       Love other things around

7.       But, if they’ll never work, love her more than anything

Napatigil siya sa huli nyang tinype, ‘love her more than anything’. Hindi niya ito inaasahan ngunit kung wala na talaga siyang choice, iyon ang kanyang gagawin. Napangiti siya sa mga posibilidad pero naging buo na ang kanyang desisyon.

Sabado at maganda ang sikat ng araw. Nagising ng maaga si Jane para sopresahin ang kanyang mga magulang sa pagpasa niya sa kanyang mga exam. Hindi niya alam ang mga gagawin kaya nagpatulong siya sa kanilang mga katulong. Nagulat siyempre ang kanilang mga kasambahay sa maagang paggising at pagtulong pa nito sa paghahanda ng umagahan pero natuwa rin sila dahil alam nilang nagmamature na si Jane. Matapos makapaghanda ng almusal, hinatid niya ito sa kwarto ng kanyang mga magulang.

“Good morning guys. Breakfast in bed!” tawag niya sabay tapik sa mukha ng kanyang mga puyat na magulang.

“Sweetie, later maybe,” sabi ng kanyang Daddy.

“C’mon. I made this breakfast,”

“What’s the occasion princess?” pagbangon ng kanyang Mommy, sabay kuha sa dala nitong pagkain.

“I won’t tell unless Dad will listen,”

“Fine, I’m up!” sabi ng kanyang Daddy.

“I want to celebrate,” paumpisa niya.

“Celebrate what?” tanong ng kanyang Daddy habang nginunguya ang chicken sandwich na gawa ni Jane. “This is good, by the way” dagdag pa nya.

“Thanks. Anyway, nung Thursday kasi ay deadlifying exam ko, as in lahat ng exam nagsama sama na and yesterday, the results got out,”

“And you passed,” pagdugtong ng kanyang Mommy.

“Exactly Mom!”

“We’re so proud of you,” sabay yakap ng kanyang Mommy sa anak.

“Hindi ko po iyon magagawa ng wala si Jomar. He’s a big help,”

“We should really celebrate, once in a blue moon ka lang pumapasa,” pagbiro ng kanyang Daddy.

Kinahapunan ng araw ding iyon, nag-impake na siya ng kanyang mga damit para sa kanyang one week stay sa apartment ni Amanda. Habang nag-iimpake, nakita niya ang journal niyang matagal ng hindi nagagamit. Nagtaka siya sa muling pagsulpot ng journal na halos mabura na sa kanyang isipan. Binasa niya ang ilang mga pahina.

Dear Journal,

Nakakainis ang araw na ito. Imagine, nakita ko na si Andrew sa cafeteria pero hindi ko man lang siya binati? At ang worst, nadulas pa ako sa harap pa niya mismo! Damn janitor! Nakakainis dahil wala man lang tumulong, kahit si Erika tinitigan lang ako, well, atleast hindi siya nakitawa sa mga jerk na iyon. Much much worst, hindi man lang ako tinulungan ni Andrew at nakitawa rin. Now I know how jerk he is.

Dear Journal,

Senior na ako! Imagine, nakaabot ako ng gantong kalayo sa mga pasang-awa kong grades. Buti pa si Jomar, laging consistent ang grades. Kung pwede lang idisect ang utak nun, matagal ko ng ginawa. Well, this day has been a bit of fun. We had our jingle practice and well, nakita ko yung crush kong teacher, si Sir Mark. Ang charming charming niya talaga. Macho pa siya. 22 years old lang naman siya, fifteen ako so, seven years is enough di ba? But unfortunately, napag-alaman ko rin kanina na may gf na siya so, ano pang palag ko?

Narealize ni Jane na masyado siyang immature nung mga panahon na iyon. Ang dali niyang mainlove sa mga gwapong lalake. Dahil college na siya at nasa state university pa, dapat niyang patunayan sa iba at sa sarili niya na hindi siya yung Jane na maarte, malandi, mayaman lang. siya yung Jane na may paninindigan at kakayahan sa lahat. Chos lang!

Isinama ni Jane ang journal niyang iyon sa kanyang mga gamit. Pagkatapos ay tinawagan na niya si Amanda.

“Sis, how’s going down there?” sabi niya.

“Well eto, nireready na ang ataul mo,” pabiro ni Amanda.

“Bad girl. Nga pala, ang dami ko ng plano for the party, maximum of how many guest ba?”

“Hmmm, hindi naman kamansyon ang apartment ko so mga thirty siguro at sa may garden ang party pops ha, ayoko ng makalat sa loob ng bahay,”

“May mga kapitbahay ka bang sa tingin mo e maaabala natin?”

“Hmmmm, yup. Hindi pa naman kame masyodong close nung border sa kabila pero mukha namang mabait. Kausapin na lang natin sa susunod na araw.”

“Right. Excited na ako. First time ko ito, well, tumira sa isang apartment”

“Masyado ka kasing mayaman. O sya, may ginagawa pa kasi ako, hintayin na lang kita bukas. Baylu!”

“Baylu too,” at binaba na ni Jane ang telepono. Bukod sa party na dapat niyang paghandaan kailangan din pala nilang kausapin yung border sa kabilang apartment. Nagmamature na ako, sabi niya sa kanyang sarili. Hindi ko lang iniisip ang sarili ko kundi pati ang iba, dagdag pa niya. Napangiti siya sa kanyang mga pinagsasasabi. Bakit na napakaimportante sa kanya ang maging mature? Dala siguro ng pagiging college.

Sunod naman niyang tinawagan si Jomar. Bilang makakatandang pinsan slash parang kapatid na rin, dapat niyang malaman kung saan siya pupunta.

“Hai, Jo,”

“O, hey, napatawag ka?” sagot ni Jomar.

“Well papaalam ko lang sa iyo na sa apartment ako ni Amanda titira for a week so…”

“Yah, nabanggit mo na sa akin yan,” putol ni Jomar.

“Really? Kalian?”

“Nung pagkagaling natin kina Lolo at Lola sa San Pablo remember?”

“Hindi ko tanda. Anyway, gusto ko lang malaman mo na baka hindi na muna ako makakasabay sa iyo pag-uwi this week,”

“I see,” at ilang saglit rin walang sinabi ang dalawa sa isa’t isa.

“May problema ka ba?” pagtataka ni Jane sa biglang pagtahimik ni Jomar.

“Hmmmm, wala naman masyado, puyat lang siguro. School works alam mo naman,”

“Sure? Kasi baka makatulong ako,”

“Yeah, sure. It’s nothing, take care,”

“Basta kung may problema ka, nandito ako ha! Bye!” sabay baba sa telepono.

“Lab you,” dagdag ni Jomar nung maibaba na ni Jane ang telepono. Pagkakarinig pa lang niya sa boses nito, wala na siyang masabi. Napaisip tuloy siya kung saan ba nagsimula ang lahat. Kalian ba niya narealize na may kakaiba kay Jane? Nung nasa farm sila? Nung natapon yung juice? Nung tinutulungan niya ito sa exam nito? Hindi siya sigurado. Alam lang niya talaga na kakaiba na ang nararamdaman niya.

How well do you know me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon