"Hoy!" tinapik ni Jane ang braso ni Jomar. Sa gulat naman ay nabitawan ni Jomar ang baso ng juice at tumapon sa kanyang t-shirt.
"Sorry," sabi Jane sabay pulot sa basong buti't hindi nabasag.
"Okay lang. May iniisip lang kasi akong iba kaya nabigla ako," paliwanag ni Jomar. Hinubad niya ang kanyang T-shirt sabay tawag sa yaya.
"Sus, nagandahan ka lang sa akin. Alam kong maganda ako no!"
Namula ang mukha ni Jomar pero hindi niya pinahalata, sa halip ay ipinunas niya ang t-shirt sa natapong juice sa sahig.
"Asa! Ang panget mo kaya, maputi ka lang pero hindi maganda," pakunyaring sabi ni Jomar. Nang dumating na ang yaya nito at inimis na ang kalat ay hindi na nag-atubiling magdamit pangtaas si Jomar. Komportable siya ng ganon. Para naman kay Jane, ayos lang din naman, wala namang malisya, magpinsan sila e.
"Nga pala," paumpisa ni Jane. "Next week, may konti kameng party party sa apartment ng classmate ko, gusto mong sumama? Actually, isang linggo akong makikitulog dun, pero isang araw lang yung party siyempre,"
"Ba't dun ka matutulog kung pwede namang dito? Pahirap ka e,"
"Experience lang makatira sa apartment. Masaya daw na nakakabwiset lalo na kapag yung kapitbahay daw e sobrang ingay sa gabi at minsan, pila din sa pagligo kaya hustle sa umaga,"
"E kung yung pagdadakot at pagsalansan ng mga bulok sa bukid di mo kaya, yun pa kaya na halos isang linggo? Hindi mo kaya yun, isang araw ka lang tatagal,"
"E basta, kakayanin ko. Ibang sitwasyon naman kasi yung sa bukid,"
"Bahala ka pero go ako dun sa party. Sasama ba sina Mark at Josh? Yung dati mong mga manliligaw?," tiningnan ni Jomar sa mata si Jane.
"Siguro. Ewan ko kay Amanda. Basta halos mga hs friends natin ang nandoon," Iniwasan ni Jane ang matagal na titig sa kanya ni Jomar. Ang awkward lang kasi ng mga titig niya simula kanina. Naiilang na tuloy siya pero pinsan naman niya yun kaya baka pinagtitripan na naman siya.
"Kelan mismo yung party?," tanong ni Jomar nung tumayo si Jane.
" By Sunday next week kasi nandun na ako kina amanda so most probably, Friday next week pa,"
"Tagal pa," sabi ni Jomar at humiga na ulit siya sa sofa.
"Magpapalit lang ako ng damit. Hindi ko namalayan na eto pa rin suot ko mula kanina. Si Daddy ba ang nag-akyat sa akin sa kwarto ko?" tanong ni Jane.
"Nope. Ako," sani ni Jomar.
"Ahhh, thanks,"
"Kumain ka ng madami, ang gaan mo,"
"E di tataba ako at LALONG papanget. Panget na nga ako tataba pa," joke ni Jane.
"Maganda ka talaga," bulong ni Jomar.
"What did you say?"
"Wala! Sabi ko, tutulungan ko si yaya na maghanda ng hapunan. Magpalit ka na ng damit," at tumayo na rin si Jomar sa kanyang kinahihigaan.
"Same to you, magdamit ka nga,"
"May damit ako ah!"
"Funny," at umakyat na si Jane sa kanyang kwarto.
Imbes na pumunta sa kusina ay lumabas si Jomar sa may garden. Malawak ang garden nila Jane na puno ng mga halamang hindi naman niya alam kung ano ang tawag bukod sa isa, ang santan. Umupo siya sa damuhan tiningnan ang langit na nagsisimula ng mapuno ng mga bituin.
Naninibago siya sa takbo ng pakiramdam niya ng nakaharap na niya si Jane. Hindi niya alam kung bakit pero iba ang paghangang naramdam niya sa kanya. Masaya siyang nakakasama si Jane at masaya rin siya kapag pinagtitripan niya ito pero kanina, habang tahimik si Jane, parang gusto niyang icomfort ito dahil alam niyang lubusan siyang natakot. Yung biglang pagtitig ng mga mata ni Jane sa kanya na hindi rin niyang mapigilang tumitig sa mga mata nitong halos kulay brown.
Sinuntok ni Jomar ang sarili.
"Jo, anu ba, pinsan mo yan, huwag mong pagpantasyahan!," binulong niya sa sarili.
Pero hindi kayo tunay na magpinsan, sabi ng utak niya. Alam niya iyon pero mali pa rin kung tutuusin. Sabay silang lumaki. Sa apelyido ay halos pareho sila pero ang tunay naman niyang pangalan ay Jomar Brento, hindi Jomar Rodriguez na simula nung seven years old siya ay ginagamit na niya sa paaralan hanggang ngayon.
Mula siya sa mahirap na pamilya sa may Tondo, Manila. Ang tatay niya ay hamak na sugarol at ang nanay niya ang bumubuhay sa kanila. Masyado pa siyang bata ng mga panahon na iyon, four years old, ngunit kailangan na niyang magtrabaho sa junk shop para pandagdag sa kanilang pagkain sa araw-araw. Dalwa lang silang magkakapatid pero dapat ay lima. Habang buntis kasi ang kanyang nanay sa naunang tatlo, ginagawa na siyang punching bag ng kanilang tatay kaya lahat ng iyon, nalaglag. Hindi na nakaya ng nanay nila ang ganong pananakit kaya nung pang-apat na pagkakabuntis niya, pitong buwan itong lumayo sa asawa para mailigtas si ang dinadalang bata, si Jomar. Dahil sa mahal ng nanay niya ang tatay nito, binalikan niya ito at muling nagsama.
Makalipas lamang ang isang taon ay nasundan ulit si Jomar at sa pagkakataong iyon, hindi na umalis ang nanay nito sa puder ng tatay niya. Sinundan siya ni Jan.
Sa inaraw-araw ng buhay niya sa junk shop kasama ang tatlong taon niyang kapatid, hindi niya inaasahan ang dadatnan nila pag-uwi. Hindi lang ginawang punching bag ang nanay nila kundi ginawa na ring baboy sa palengke. Nagdodroga ang kanilang tatay, ang napag-alaman nila. Sa kasaklapang palad, nakita silang dalawa ng tatay nila at hinabol rin ng itak. Dali-dali silang tumakbo ngunit naabutan ng saksak ang kanyang bunsong kapatid. Sa pagkakataong iyon, wala na siyang ginwa kundi ang tumakbo ng tumakbo hanggang sa makita ng tanod ang nangyayare.
Wala na ang kanyang pamilya sa ganong iglap. Nanatili siya sa rehabilitation ng halos isang taon at dinala na siya sa ampunan at nanatili ng halos dalawang taon. Doon na nagtagpo ang landas niya at ng pamilya Rodriguez ng ampunin siya ng mag-asawang Tom at Cecile Rodriguez, ang mga tinuturing nyang magulang ngayon.
