Nagising si Jane na walang kamalay-mlay na nasa kwarto na siya. Suot pa rin niya ang damit niya pang-alis. Tiningnan niya ang oras. 5:30 ng hapon. Dali-dali siyang naghilamos at bumababa sa sala.
"Mom?Dad?" sigaw niya pagbaba.
Walang sumagot.
"Ya? Where are you?" napakamot ng ulo si Jane. Tahimik ang buong bahay, wala man lang ilaw. Unti-unti ng dumidilim. Natakot na rin si Jane dahil hindi niya alam ang mga nangyayare. Hindi rin naman niya alam kung matutulog ulit dito si Jomar ngunit kahit siya ay wala rin naman.
"Hello?" pumunta na siya sa may bandang study room.
Wala pa din.
May narinig siyang agos ng tubig mula sa gripo sa kusina. Relief. Pumunta siya doon.
"Ya, nasaan sina Mom at Dad? Si Jomar po ba e - " napatigil siya sa dahil wala naman siyang kausap pagdating niya sa may kusina.
"Impossible," bulong niya sa kanyang sarili.
"What the hell is happening?" frantic na si Jane.
May narinig ulit siyang tunog sa may sala. Naglalakad. Papalayo o papunta sa kanya? Hindi niya alam. Nalooban ang bahay nila. Sigurado siya doon. At mukhang may masama silang ginawa sa kanyang mga magulang.
"Calm down, Jane. Calm down" bulong niya ulit sa sarili. Hindi niya alam kung kukunin niya ang kutsilyo o tatakbo na lang. Takot na takot siya. Lumalakas ang yabag ng mga paa. Papalapit na ito ngayon sa kanya.
Ilang oras ba siyang nakatulog? Bakit hindi man lang niyang namalayan ang mga nangyayare? Hindi niya alam na sa santo magtatapos ang buhay niya.
Lumapit na siya sa may lababo, malapit kung saan madaling makuha ang kutsilyo. Bukas pa din ang gripo, pansin niya ngunit hindi rin niya alam kung papatayin na niya o hindi. Alam na kaya ng magnanakaw na nasa kusina siya?
Tumigil ang mga yabag. Tahimik na ulit sa bahay. O multo? Baka naman minumulto lang siya. Pero hindi, hindi siya naniniwala sa mga ganong bagay. Huminga na lang siya ng malalim. Hihintayin niya ang magnanakaw. Marunong naman siya ng ilang defense mechanism dahil may subject siya noon nung elementary.
Ilang segundo pa ang lumipas. Wala na siyang narinig na kahit na ano. Wala na rin siyang makita sa sobrang dilim. Patay na kaya ako?, sabi niya sa sarili.
Biglang may umilaw sa may sala. Pumunta siya roon. Hindi pa siya patay, nakikita pa niya ang bahay nila. Pagpunta niya sa sala ay walang tao.
Kinakabahan na siya. Multo na nga ba?
"Boooooooooo!!" narinig nya sa may likuran niya.
"Ahhhhhhhhh!" sigaw niyang malakas.
Tumawa ng malakas ang yaya niya kasama si Jomar.
"Grabe, kung makita mo lang talaga reaksyon mo, grabe!" sabi ni Jomar.
"Damn you! Damn the two of you!" halos paiyak na niyang sabi sa takot at saya dahil ligtas ang lahat.
"Mam, 'wag nyo po akong ipasisisante, napag-utusan lang po ako ni Sir Jomar," panginginig na sabi ng kanilang katulong.
"Hindi naman ako ganong karude para sisantehin ka yaya. Of course, wala ka namang ginawa sa akin e, dapat lang dito kay Jomar na pinapalayas na!"
"Yeah, yeah yeah," sabi ni Jomar habang humahanap ng magandang pwesto sa paghiga. Binuksan na rin niya ang t.v. at walang-pakundangang pinaglalaruan ang mga channels nito.
"Ya, gawa mo na lang ako ng juice, salamat," sabi ni Jane at tumabi na rin ito kay Jomar.
"I hate you talaga," hinampas niya ang likod nito ng sobrang lakas.
"Aray! Fine! Sorry na. Wala kasi akong magawa dahil tulog ka. Wala akong makausap so sabi ko, tripin na lang kita paggising mo,"
Tumayo si Jane mula sa kinauupuan.
"Nasan si Mom at Dad? Dito ka ulit tutulog?"
"Business as always. Parents on their age are like that and - Yes, dito uli ako tutulog. Hindi pa din uuwi sina Mommy at Daddy e," patuloy pa rin niyang pinaglalaruan ang mga channels sa t.v.
"Stop that! Sisirain mo remote namin!"
"Okay!" at pinatay na niya ang t.v.
Tahimik silang dalawa. Hindi alam kung saan magsisimula. Minsan, kapag nangungulit si Jomar at hindi nagustuhan ni Jane, alam na ni Jomar kung anong gagawin - ang tumahimik. Sa ganong paraan, alam niyang kumakalma si Jane at makalipas lang ang ilang sandali ay makikipagkulitan na ulit si Jane sa kanya.
Dumating na ang juice ni Jane. Hindi pa rin niya ito pinansin. Makalipas ang halos limang minuto, ininom na ni Jomar ang juice ni Jane.
Napatitig si Jane kay Jomar. Hindi naman alam ni Jomar kung sisigawan siya ni Jane. Pero sa sandaling iyon, napansin ni Jomar ang kagandahan ng kanyang pinsan. Matangos na ilong, makinis at maputing balat, masisiglang mata - napatigil rin siya habang hawak ang baso ng juice.