"Rhaine! Laro tayo! Game?"
Ramdam na ramdam ko na talaga ang bakasyon. At alam na alam ko na rin kung ano ang mga gagawin ko buong bakasyon. Ang maglaro. Napakasaya 'no?
"Sige kuya Roj! G! Kuha lang ako ng meryenda natin." Sigaw kong pabalik sa kanya.
Nandito kami ngayon sa condo unit ko kasama si kuya Ivan Roger Cortez, Roj for short. Ahead siya samin ng dalawang taon. Schoolmates kami, sa kanya ko rin natutunang maglaro ng online games tulad ng League of Legends. At ang bestfriend kong si Carlos Leodones, tawagin na lang natin siyang Charlotte. Kung gusto mo siyang maging kaibigan, wag na wag mong tatawaging Carlos yan, nandidiri daw sya. We're bestfriend since first year highschool. At ngayon ay first year college na kami, third year naman si kuya Roj.
Tinulungan ako ng pamilya ni Charlotte kaya ko nakuha 'tong condo na tinitirhan ko ngayon. Kaya't sobra akong nagpapasalamat sa kanila.
"Carlos, sala-"
Magsasalita sana ako ngunit pinutol agad ako ng magaling kong bestfriend.
"CHARLOTTE bes! Char-lotte!"
Pagtatama niya sakin.
"Okay fine. Charlotte, salamat talaga ha? Kung hindi dahil sa iyo at sa pamilya mo hindi ako magiging ganito kasaya. Siguro kung di kita nakilala, kung di nyo ko tinulungan, nando'n pa rin ako sinasa-" Pinutol na niya ang sasabihin ko.
"Hay nako Rhaine, nagda-drama ka na naman eh! Okay lang yun. Para san pa't naging magbestfriend slash sisters tayo? Tingnan mo, naiiyak ka na naman oh! Tsk!" Pataray niyang sabi.
"Hindi naman eh. Hahaha! Sige na, kukuha muna ako ng meryenda tapos maglalaro na rin kami ni kuya Roj. Sali ka?"
"Alam mo namang di ako marunong niyan. Saka wala akong hilig sa mga ganyan! Ii-stalk ko na lang yung mga crush kong k-pop." Kinikilig niyang sabi.
"Okay. Naghuhugis puso nanaman 'yang mga mata mo. Kaloka ka."
Naghanda ako ng banana caramel cake with whipped cream at strawberry juice at extrang tubig na rin. Mahilig din kasi akong mag-bake. Di ko nga alam kung bakit eh. Samantalang hindi naman ako mahilig sa matatamis. Mas gusto ko yung ma-keso o kaya ay maalat. Basta ewan.
"Yes naman! May libreng masarap na cake nanaman ako!" Natatawang sabi ni kuya Roj sakin.
"Tse! Napakatakaw mo talaga Roj! Kaya ang taba taba mo eh!" Sigaw sa kanya ni Charlotte.
"Anong taba ka jan? Hoy! FYI lang 'no, macho ako! Okay? M-A-C-H-O! At 6 packs abs ako!" Kinuha niya ang kamay ni Charlotte at inilagay ito sa kanyang tiyan.
"Oh, ano? Mataba ba ako? *Smirk*"
Pinamulahan ng mukha si Charlotte. Ano yun? Nagba-blush kaya siya?! Omg!
"Tse! Ewan ko sayo Roj, ang yabang mo!" Sabay alis ni Charlotte sa kanyang pwesto. Tinawanan lang siya ni Kuya Roj.
"Tara na Rhaine, laro na tayo." Aya niya sa akin.
"Sige, game. Mag-send ka na ng invite. Anong ign gamit mo?" Tanong ko sa kanya. Marami kasi siyang pina-pilot na account. Business-minded yan kaya pinagkakakitaan nya rin ang paglalaro.
"Rogerthatbaby. Accept mo na."
"Sige. Start na! Ra-rampage na naman ako." *Smirk*

YOU ARE READING
Strangers Into Lovers
RomanceJanella Rhaine Tan is a famous gamer at the age of 17. Marami siyang taga-hanga dahil magaling ito maglaro ng mga online games at sa pagiging varsity nito sa table tennis. Mas lalo siyang hinangaan lalo na't babae ito. Bukod don, si Rhaine ay magand...