Kabanata 2

1K 16 3
                                    

Lumipas ang isang buwan at puro laro lang ang ginagawa ko. Lumalabas din ako minsan upang maglaro ng table tennis o badminton sa may park o di kaya'y sa clubhouse nitong condominium. Minsan ay nage-experiment ako sa pagbe-bake at pagluluto. Kaya naman di ako nabobored kahit na mag-isa lang ako. Idagdag mo pa na palagi kong kasama sina Charlotte at Roj dahil madalas silang tumambay dito.

Soloist ako sa paglalaro kaya naman kung may makalaro man akong utak munggo at na-trashtalk ako ay hinahayaan ko na lang. Tulad ng nangyayare ngayon, in game ako at nabi-beast mode sa akin ang isang 'to.


[Ang tanga naman nitong adr na 'to! Ashe pa pinili eh ang hina hina non!] FYI kuya, best pick ko yang Ashe na minamaliit mo. At kilala ako bilang ad-carry. Baka po ngumanga ka kapag nakita mo galawan ko, sa isip isip ko lang. *Evil laugh*

[Dalawa tuloy adr natin! Dapat nag-tank ka na lang!] I don't care. Natatawang sabi ko. Tahimik pa rin ako kahit na kung anu-ano na ang nababasa ko. Syempre, mabait ako eh. Good girl lang dapat.


Habang naglalaro at dada pa rin ng dada ang kasama ko, may nabasa akong chat ng kalaban naming team.


[Baka kakaumpisa nya lang maglaro guys. I-guide nyo na lang imbes na sabihan nyo ng di maganda.] Sabi ni kuyang gold division. Wow, na-touch naman ako don. Hmm.. Ang bait naman nya. Kahit na hindi nya alam na babae ako pinag-tatanggol nga pa rin ako. Thumbs up sayo kuya!


Anyway, dalawa kasi yung account ko. Isang challenger which is my main account and isang level 24 na pang-troll minsan. Gamit ko ngayon yung pang-troll, konti na lang at magle-level 30 nako. Balak ko na rin kasi itong i-rank game.

Nagpatuloy lang ang paglalaro namin at kung sino yung mayabang kanina ay siya na ngayon ang pabigat sa team. Ako? Maganda ang standing ng ate nyo, 28-5-14 na po. Samantalang yung nang-aaway sakin ay 8-9-7. Hay nako. Ayoko talaga sa mga kagaya nyang manlalaro. Nakakaasar lang.

Nang matapos ang game ay may nag-add sakin. Si kuyang gold 3. In-accept ko siya kasabay non ang pag chat nya sakin.

[Sir wag mo na lang pansinin yung mga sinasabe nila sayo kanina. Magaling ka rin palang maglaro, parang di baguhan. Haha] Sabi nya sakin.

[Sanay nako sa mga ganun kuya. Salamat din pala sa pagtatanggol mo sakin kanina :)] Sagot kong pabalik.

[Wala yun sir. Ayoko lang talaga ng may binubully. Lahat naman kasi tayo dumaan sa pagiging mahina. :)]


Wow, may pinaglalaban si kuya. Natatawa kong sabi sa sarili ko. Pero tama naman sya. Kaya di ko mapigilang matuwa sa kanya.


[Ang bait mo naman pala. Uhmm, wag na sir, di naman ako lalaki. Rhaine na lang po.]


Sa kanya ko lang sinabe na babae ako. Nababaitan kasi ako sa kanya eh. Wala naman sigurong problema dun.


[Babae ka?! Di nga?] Nagtatakang tanong nya. Sabagay, di ko naman sya masisisi.

[Oo. Hahaha.] Pag sang-ayon ko.

[Wow. Nice name, Rhaine. Bihira lang kasi ang babaeng gamer. Ano pala garena mo? Add kita. Laro ulit tayo, g?] Tama, bihira nga lang ang babaeng gamer. Inaaya nya ko. Next time na lang kaya? Ang galing nya kasi maglaro eh. Natalo niya kami. Sa team nya sya yung nagbubuhat. Nahihiya tuloy ako. Baka mapahiya ako sa kanya.

[Pass na lang muna sir. May gagawin pa eh. Next time, ako mag iinvite sayo. :)] Binigay ko na rin sa kanya ang garena ko.

[Okay. Next time na lang. Salamat pala. :)]


Pagkasabi nya non ay nag-out na rin ako. Natutuwa talaga ako sa kanya. Tiningnan ko ang garena nya at ang picture nya don. Sh*t, ang gwapo naman! May pagka-singkit ang mga mata, matangos ang ilong, mapupulang labi pero hindi sya kaputian hindi rin kaitiman. Sya kaya 'to? Baka nakaw lang yung picture? Baka nga.

Pagkatapos ng sandaling pag-iisip ay nag-out na rin ako. Matutulog na lang siguro muna ako tutal inaantok na rin ako. At di ko namalayan ay unti-unti na nga akong nakatulog.

Strangers Into LoversWhere stories live. Discover now