Kabanata 5

722 14 0
                                    

I was in the middle of sleep when I heard some noise. I got distracted kaya tiningnan ko kung ano o sino yon.

I was surprised nang makita ko si Charlotte kasama sina Roxanne, Jamillah at Hillary. Ka-close ko naman sila except kay Hillary. Hindi kami masyadong magka-vibes dahil medyo asar ako sa kanya. May pagka-bitch kasi ang isang 'to kaya nagtataka talaga ako na kasama sya dito. Matatanggap ko pa sana sina Roxanne at Hanukkah dahil parang bestfriend ko na rin sila.

"Oh, guys! Gising na pala si Rhaine. Bessy, sorry ha kung di kami nakapag-paalam na pupunta dito."

Paghingi ng tawad ni Charlotte sakin dahil nga sa biglaan nilang pagpunta dito.

"No, it's okay. Nagtataka lang ako Bakit kako maingay. Tas nagulat ako, kasama mo pala sila. Bat pala kayo nandito Roxy? Di naman sa ayokong nandito kayo guys, nagulat lang talaga ko kasi biglaan."

"Namiss ka kasi namin Rhaineee! Kaya inaya ko si Jamillah. Sinabe ko kay Charlotte na pupunta kami dito para surprise. Tapos gusto raw sumama ni Hillary kaya sinama na namin sya." Masaya nyang paliwanag sabay bigay ng makahulugang tingin.

Nagpatuloy lang ang masaya naming kwentuhan ng magring ang phone ko.

"Hello? Who's this?" Unknown number eh.

"Uhmm, hi. Marcuz Jaizer nga pala." Shit. Boses pa lang gwapo na!

"Hi! Ikaw pala yan. Bat ka pala napatawag? Sana nagtext ka na lang, baka nakakaabala pa ko." Tama lang ba? Geez.

"No, no. Hindi ka nakakaabala. Baka ako pa nga yun dahil tumawag ako."

Natatawa nyang sabi. Hinihintay ko nga text mo eh! Di mo naman sinabe na tawag pala gagawin mo! Di ako prepared... Pero syempre, di ko sasabihin sa kanya yan. Masabi nya pang maarte ako. Hahaha!

"Gusto mo igawa kita ng banner? Pang cover photos?"

"Anong banner? Para saan?" Tanong ko sa alok niya.

"Banner na pang gamer. Just give me your role and your favorite character para maumpisahan ko na. Wala lang kasi akong magawa. Nabobored ako." Wow, finally magkakaron na rin ako.

"Oh I see. Iba iba kasi role ko. Ashe, Caitlyn, Annie, Teemo at Udyr, sila naman yung mga favorite champion ko. Sorry kung madami ah?"

"It's okay, ako na lang bahala dun. Wait lang ah, gagawin ko muna 'to."

Hindi muna kami nakapag-usap ng maayos dahil busy siguro sya sa pag eedit. May naririnig din akong pagcli-click ng mouse at tubig ng keyboard paminsan-minsan. Ilang sandali pa lang ay kinausap nya na agad ako.

"Rhaine, online ka ba? Tapos na kasi ako. Sesend ko na lang sayo yung gawa ko. Magsabi ka na rin kung maganda ba o pangit yung gawa ko."

So fast huh? Anong edit kaya ang ginawa nya dito at ganoon sya kabilis? Agad akong nag-online upang tingnan ang gawa nya.

"Wow! Di mo naman sinabi sakin na ang galing mo pala! Salamat dito ha?" Super galing nya talaga, as in.

"No problem. Maganda ba? Parang di naman, nakukulangan ako sa kulay. Parang medyo matamlay?"

"Ha? Eh ang ganda na kaya nitong gawa mo. Natatamlayan ka pa jan? Sure ka? Basta para sakin ang ganda talaga nitong gawa mo. Salamat ulit ha?"

Expert na expert naman sya kung di pa sya nagagandahan sa gawa nya. Basta ang ganda talaga ng gawa nya para sa akin.

"Wala lang yun, swear." May pagka-humble nyang sabi sa akin.

Pagkatapos nyang sabihin yun ay hindi na sya nagsalita, ganoon din ako. Ayoko namang ako ang maunang magsalita o makipag-usap dahil baka isipin nyang gumugusto ako.

Minuto na ang lumipas at hindi pa rin sya nagsasalita. Kaya napag-isipan kong ibaba na lang ang call ng hindi nagpapaalam. Itetext ko na lang siya at sasabihing nawalan ako ng signal, nahihiya talaga akong makipag-usap sa kanya.

Agad naman syang nagreply at sinabing okay lang daw yun. Almost 30 minutes akong nanatili sa may veranda. Nagtitipa ako ng mensaheng ipapadala ko kay Marcuz. "Good night. Sweet dreams :)" at sinabing group message iyon ngunit ang totoo ay sa kanya ko lang iyon ipapadala.

Siguro ay mga 20 minutes na ang nakalipas ay di pa rin sya nagrereply kaya pumasok na lang ulit ako sa loob.

Strangers Into LoversWhere stories live. Discover now