Mga bandang alas dos ng hapon nag-aaya na si Roj. Kaso ayoko dahil mainit. Ayaw rin naman ni Charlotte dahil mainit nga rin. Bukod pa don ay nakakainip at nakakatamad umalis ng ganong oras.
Alas kwatro na namin napagdesisyunan na umalis at magkita. Manonood pala kami ng sine, gusto raw manood ni Roj ng Suicide Squad. Sakto di pa rin namin yon napapanood. Kasama nya rin pala si Chard na kaibigan rin namin.
Habang pumipila kami para bumili ng ticket ay nagprisinta na sina Roj at Chard na bumili ng popcorn at drinks.
Pag balik nila ay mayroon na kaming tig-iisang malaking popcorn at drinks. Di pa man nagsisimula ang sine pero kumakain na agad ako ng popcorn. Dati na akong mahilig sa popcorn. Ang favorite ko ay yung cheese flavor, masarap talaga sya. Idagdag na ring mahilig ako sa kahit na anong klase ng keso.
"Grabe ang ganda! Gusto ko pang ulitin guys!" Sabi ni Charlotte.
"Oo nga pre. Astig talaga no? Tapos ang ganda talaga ni Harley. Crush ko talaga sya kahit ganon sya. Hahahaha!" Sabi naman ni Chard kay Roj.
"Crush ko rin yun eh. Pero mas crush ko pa rin si Cara Delevine. Ewan ko ba hahaha!" Sagot naman sa kanya ni Roj.
"Bat mo ba nagustuhan yon? E mas mukha pang lalaki sayo yon e." Sagot ko naman kay Roj at nagtawanan naman kaming lahat.
"Di ko rin alam. Basta I like her." Nakangiti pang sabi nya.
"Next na panoorin natin yung Nerve. Napanood nyo ba sa trailer? Ang cool! Naiimagine ko tuloy. Excited nakong manood." Excited na sabi ko sa kanila.
"Oo nga, gusto ko ring mapanood yon. Imagine, gagawin mo lang yung dare magkakapera ka na?" Pag sang-ayon sakin ni Charlotte
"Easy money kamo. I want that kind of game." Natatawang sabi ko.
"Ganda rin nung bida ron e. Emma Roberts diba?" Landi talaga ni Chard. Tsk tsk.
"Mas gwapo naman si Dave Franco 'no! Grabe yung ngiti nya. Nakakainlove! Yung mata nya na ang ganda ganda. Bagay na bagay sa makapal nyang kilay. Ang tangos tangos pa ng ilong." Kung nagiging puso lang ang mga mata, malamang puso na rin mata netong si Charlotte habang nagkukwento. Daig pa babae eh. Hahahaha.
Maya maya rin lang ay dumiretso na kami sa Konek. Si Charlotte ay hindi na sumama dahil hindi naman daw sya makakarelate samin. Mas gusto nya pa raw panoorin yung BTS at EXO o kaya nama'y manood ng kdrama.
May nag aaya pala ng pustahan, mga estudyante sa ibang school. Pamilyar sakin yung isa don dahil kaibigan sya ng kaibigan ko. Nakikita ko rin sya daan minsan pag naglalakad ako dahil magkalapit lang naman yung school niya sa school namin.
May 30 minutes pa naman bago mag start yung game pero kumain muna kami. May libreng foods kami. Kapag kasi ikaw ang nag aaya sa kalaban, sagot mo sila. Dahil sila ang nag aya, sagot nila kami. May ganon kaming rules, ewan ko lang sa iba.
__________
Guys! I miss you. Sorry kung sobraaaaaang tagal ko bago mag update. Busy kasi sa school eh. Pero kita nyo naman diba? Naka dalawang update nako. Meron pa ulit isa, pero wait lang patapos na. Thankyou guys sa pag vote at pagbabasa! Ang dami nyo na. Love you!! :)
YOU ARE READING
Strangers Into Lovers
RomanceJanella Rhaine Tan is a famous gamer at the age of 17. Marami siyang taga-hanga dahil magaling ito maglaro ng mga online games at sa pagiging varsity nito sa table tennis. Mas lalo siyang hinangaan lalo na't babae ito. Bukod don, si Rhaine ay magand...