Kabanata 7

475 13 0
                                    

Nagising ako sa amoy nang niluluto ni Charlotte kaya naman kumalam ang sikmura ko at dali-dali akong bumaba.

"Oh? May himala ba? Hahaha ang aga mo eh. Quarter to 8 pa lang pero gising ka na agad?" Takang tanong nya sakin.

"Naamoy ko yung niluluto mo eh. Natakam ako kaya naman bumaba agad ako." Tatawa-tawang sagot ko.

"Ang bango talaga ng amoy ng tocino 'no? Masarap pa. Kaso feeling ko cannibal ako. Hahahaha!"

May pagka-kalakihan kasi si Charlotte. Matangkad na malaki pa. Inaasar ko rin sya pero sport naman sya kaya di rin sya naaasar. Ang totoo, mas natatawa pa sakin yan, walang halong biro.

"Hahahaha gaga ka talaga. Nagsangag ka rin ba? Amoy sinangag rin eh."

"Oo, para breakfast na breakfast! Upo ka na at matatapos nako dito."

Habang nasa kasarapan kami ng pagkain ay tinanong nya ko bigla.

"Ano nangyare sayo? Ang chaka ng looks mo eh. Hahaha nangingitim mata mo. Puyat?"

"Oo. Napasarap sa paglalaro eh. May kasama rin kasi ako kaya habang naglalaro ayun, nagkekwentuhan kami tas biruan kaya enjoy lang. Di ko na namalayan ang oras at inabot na pala kami ng 2 am."

"Kaya naman pala eh. Sino namang kalaro mo? Si Roj?"

"Nope. Si Marcuz." Nakangiting sagot ko sa kanya.

Ang totoo nyan ay matutulog na talaga sana ako kagabi, kaso di nung matutulog nako ay di naman ako makatulog bigla. Weird. Kaya naman naglaro na lang muna ako para malibang. Solo lang sana akong maglalaro nang biglang nagchat sakin si Marcuz.

[hi. laro tayo? :D]

[Sige po. :) Pabuhat ako kuya hehe.]

[ahaha. sige :D invite na kita, accept mo na lang.]

Nakaapat na game kami at masyado akong nagenjoy kaya di ko namalayan ang oras. Habang naglalaro kami e pinagtatawanan namin yung mga nakakalaban namin. Pano ba naman kasi, ang yabang yabang. Pinagtitripan naman ni Marcuz, inaasar nya pa lalo kaya naman lalong naiinis sa kanya yung kalaban kaya tawang tawa kaming team nya. Inaya syang makipag 1v1 ng kalaban at nag go naman sya. Nagspectate naman ako nung game nila. Nandaya na nga sa champion yung kalaban pero nanalo pa rin si Marcuz. Napahanga nya talaga ako kasi ang galing nya talagang maglaro. Pagkatapos non ay nagpaalam na ko sa kanyang matutulog na ako nung nakaramdam na ako ng antok.

"Nga pala inaaya tayo ni Roj mamaya." Sabi ko.

"Where?"

"Konek ata. Ewan ko kung may pupuntahan pa tayo bago mag Stacey. Syempre last na yun, magtatagal dun for sure."

Tapos na rin kaming kumain at nagtimpla pa ako ng kape. Pagkatapos ay niligpit na namin ang mga pinagkainan namin.

Strangers Into LoversWhere stories live. Discover now