Kabanata 6

677 17 0
                                    

Pagkapasok ko sa loob ay agad naman nila akong kinausap upang magpaalam.

"Rhaine, uwi na ko ha? Gumagabi na kasi eh. Baka mapagalitan ako ni daddy. Kilala mo naman yun, masyadong strikto." Pagpapaalam sa akin ni Roxy.

"Ako rin, uuwi na ako Rhaine. Baka hinahanap na'ko samin."

"Ako, di pa naman ako hinahanap samin. Pero sasabay na rin ako sa kanila pauwi."

Dagdag pa nina Jamillah at Hillary. Pagkatapos nila magpaalam ay hinatid ko na sila palabas. Si Charlotte naman ay naiwan, dito raw sya matutulog ngayon.

"Bat dito ka matutulog, Baks? Trip mo lang o may problema na naman sa bahay nyo?" Tanong ko.

"Hay nako bessy, may problema na naman. Nakakainis kasi yung mga kapatid ni Mama eh, ang kakapal ng mukha nila. Nakikihati sila sa kinikita namin sa business samantalang wala naman silang naitulong o naiambag sa negosyo namin." Sabi ko na nga ba, mga kapatid nanaman ni Tita problema nito.

"Grabe talaga yang mga yan. Pero baka naman kasi walang wala talaga?" Paniniguro ko.

"Walang wala? Samantalang post sila ng post sa social media, kung saan saan sila nakakarating, kung saan saan na mamahaling restaurant kumakain, bili nang bili ng kung anu-ano. Ni minsan, di kami naimbita o nabigyan ng kung ano. Pero pag samin, walang pasabi pupunta agad yang mga yan makikikain o manghihingi ng pera."

Akaka ko ay tapos na sya ngunit may idadagdag pa pala sya sa sasabihin niya.

"Buti na lang talaga at mabait si Mama. Kung ako yan, nako. Pa-prangkahin ko na sila. Di na sila nahiya eh. Sana manlang diba, tumulong sila kaso hindi. Puro hingi lang ang alam nila samantalang mga nakapagtapos naman sila. Hay nako bessy, nakakagigil talaga sila." Pinal nyang pagku-kwento.

Matapos nyang magsabi ng sama ng loon ay inaya ko na syang kumain. Tinulungan nya akong magluto para hapunan dahil tulad ko ay mahilig din siyang magluto. May pagka-matakaw rin kasi ang isang yan.

Nagluto kami ng adobong manok para sa hapunan. Pakiramdam ko ay marami akong makakain ngayon dahil isa ang adobo sa mga paborito kong ulam simula pagkabata.

Nagkwentuhan pa kami habang kumakain. Napag-usapan namin si Marcuz at ang kanyang crush. Bigla ko namang naisip kung nagkagusto ba sakin si Carlos- este Charlotte dati kaya tinanong ko siya.

"Bakla, nagkagusto ka ba sakin dati? Yung totoo ah?"

"Honestly? Oo. Nung first year high school tayo. Naging crush kita kasi ang ganda ng mata mo eh, bilugan na singkit. Tas ang cute mo pa tumawa." Pag amin nya.

"Shit, seryoso? Hahaha! Ikaw ha, naging crush mo pala ko dati. Yieee!" Pang aasar ko, malay mo bumigay diba? Natatawa talaga ko.

"Yuck! Kinikilabutan ako, di ka ba nandidiri? Eeww!" Hahahahaha!

"Nandidiri. Naninigurado lang. Alam ko namang di tayo talo eh. Babae ako, binabae ka. At parehong lalaki gusto natin." Pang aasar ko na may halong katotohanan.

"Pero baks, wala ka na ba talagang pag-asa na maging straight ka? Nagkagusto ka naman sakin dati, pati kay Allinah. May nagkakagusto rin sayo dati sa school natin nung di pa nila alam na alam mo na, diba?" Dagdag ko pang tanong.

"Di ko alam eh. Malay mo sa future diba? Pero sa ngayon, feel kong babaeng babae pa ko. Di pa ko nagiging tomboy. Ewan basta, tigilan na nga natin 'to. Nandidiri ako."

Pinagpatuloy na namin ang pagkain matapos ang usapang iyon. Nang matapos kami ay agad naman kaming nagligpit at naghugas ng pinagkainan.

Nagpaalam sakin si Charlotte na matutulog na raw sya kaya hinayaan ko na sya. Ako naman ay pumasok na rin ng kwarto at maglalaro muna ako, pampalips oras upang ako ay antukin.

_________________________________________

Sorry sa matagal na update! Nabadtrip kasi ako. Pinublish ko na yung chapter 4 kaso nag error. So, umulit nanaman ako sa pagtatype. Wala kase kong copy eh. :'( Sorry din sa mga typo at wrong grammar. Ayusin ko na lang pag marami akong free time. Anw, maraming thankyou sainyo na nag add ng story ko sa reading lists nyo. Vote vote vote guys! Comments na rin kayo ng suggestion para maimprove yung story ko or mga ayaw nyo. Thankyou guys!! Mahal ko kayo :*

Strangers Into LoversWhere stories live. Discover now