A/N: Paki-play na lang yung music para madama nyo yung pinapahayag at nararamdaman ni Rhaine jan. Hahaha! :)
--
Nagsasabihan kami ng strategies habang naglalaro kami. Napakalaki talaga ng tulong ng voice chat lalo na kapag gamer ka. Mas gumaganda yung game and mas sure win. Depende na lang kapag may slow kang kakampi.
Alas kwatro na ng umaga, tinigil na muna namin ang paglalaro. Pero di pa kami tumigil sa pag-uusap. Nagku-kwentuhan kami tungkol sa kahit anong bagay, getting to know each other lang ang peg.
Umayos ako ng pwesto dito sa kama ko nang may marinig akong pamilyar na tunog. Canon Rock.
Nang marinig ko ang tugtog na iyon ay natahimik ako at napapikit. Nakakagaan ng pakiramdam ang tunog na iyon. Pakiramdam ko ay napakatahimik ng mundo ko. Para bang wala akong kahit na anong problema. Peaceful life kumbaga.
Pinakinggan kong mabuti ang tunog na iyon. Dinaramdam ko ng mabuti habang ako ay nakapikit. Napadilat ako nang may luha na sa aking mga mata, natapos na ang pamilyar na tugtugin. Masyado akong nadala ng emosyon. Tigil, Rhaine.
"Wooh! Ang ganda talaga ng tugtog na yan. Sino tumugtog nyan? Papaasa naman ng link oh." Pagbasag ko sa katahimikan.
"Ha? Anong link? Ako tumutugtog nun." At natawang bahagya na sabi nya.
"What the heck? Are you serious?" Namamanghang tanong ko.
"Yeah, I'm serious. Gusto mo tugtugan pa kita? Wait."
At tumugtog pa sya ng iba't ibang kanta. Napatunayan nya na sya nga ang tumutugtog dahil minsan ay minamali nya ang pag pindot par patunay na sya nga iyon. Hindi ako makapaniwala na ganun sya kagaling tumugtog. Para syang professional kung tumugtog. At dahil sa bago kong nadiskubre na ito ay parang nadagdagan ang pagkagusto ko sa kanya.
"Wow. Grabe! You're amazing! Kelan ka pa natutong tumugtog ng piano?" Namamangha pa rin at di makapaniwalang tanong ko.
"Matagal na rin, simula pa nung bata ko. Highschool if I'm not mistaken. Pati guitar at drums, natuto rin ako nung highschool. Tapos nasali ako sa banda, nagkaka-gig kami minsan." Pagku-kwento nya.
"Wow. Ang talented mo naman pala. Ako, ni isang instrument ata wala akong kayang tugtugin. Buti ka pa. Turuan mo ko tumugtog minsan ha?" Biro ko.
"Oo naman, ikaw pa. Walang problema. Pag nagkita tayo, tuturuan kita."
"Kelan kaya tayo magkikita? Ang layo kasi eh. Biruin mo, Benguet to Ilocos. 6 hours din ata ang byahe?" Sabi ko.
"Oo nga eh, ang layo kasi. Pero distance doesn't matter naman." Bigla akong kinilig sa sinabe nyang 'to. As if naman na kami or magiging kami. Natawa na lang ako sa naisip kong ito.
"Di ka pa ba matutulog? 4 am na oh, puyat ka na." Tanong ni Marcuz.
"I'm sleepy na rin eh. Inantok ako dun sa mga tinugtog mo, not because it's boring ha? Ang ganda lang kasing pakinggan. Nakakagaan ng pakiramdam, nakakarelax." Sabi ko.
"Nambola ka pa. Osige, tara matulog na tayo. Sabay na tayo ha? Wag ka ng magpuyat pa. Masisira ganda mo nyan. Good night, sleep tight." Oh. My. God. Did he just say na maganda ako? Nabibingi na ata ako.
"Okay, good night din. Sleep well, sweet dreams!" Nakangiting sabi ko.
"Sweet dreams."
Kada may nadidiskubre akong bago tungkol sa kanya ay mas lalo ko syang hinahangaan. Natutuwa ako. Lalo ko siyang nagugustuhan. At sa tingin ko ay kapag nagtuloy-tuloy pa ito at nadagdagan pa ay baka sa iba na mapunta and nararamdaman ko.
-
Happy 8k reads! :)

YOU ARE READING
Strangers Into Lovers
RomanceJanella Rhaine Tan is a famous gamer at the age of 17. Marami siyang taga-hanga dahil magaling ito maglaro ng mga online games at sa pagiging varsity nito sa table tennis. Mas lalo siyang hinangaan lalo na't babae ito. Bukod don, si Rhaine ay magand...