Kabanata 11

173 2 0
                                    

Natapos na kaming kumain ngunit hindi pa natapos ang aming kwentuhan at humaba pa ang aming usapan sa skype. Nagtanungan kami ng aming mga hilig gawin, hilig sa pagkain at kung ano pa. Tinanong ko rin sya tungkol sa personal life nya tulad ng ilan ang kapatid nya, pang ilan sya sa magkakapatid, taga saan sila at ganon din sya.

Nalaman kong mahilig talaga syang maglaro ng mga online games kagaya ko, na sikat din sya sa mga ganong klaseng laro. Pang apat sya sa kanilang limang magkakapatid. Nalaman ko rin na taga Benguet pala sila, mga 6 hours na byahe rin mula dito. Marunong din syang tumugtog ng iba't ibang instrumeno gaya ng gitara, piano at drums.

Pagkatapos ng halos tatlong oras naming pag uusap ay nagpaalam na sya at sinabing tatawag ulit sya. Ngunit alas nuwebe na ng gabi ay wala pa rin akong natatanggap na tawag galing sa kanya. Mag o-online na lang ako at maghahanap ng kalaro dahil naiinip na ako.

Pagkabukas ko ng account ko ay nakita kong online sya. Kaya naman pala hindi na ako tinawagan, naglalaro siguro. Sampung minuto na akong online ngunit hindi pa rin sya nagchachat.

Maglalaro na sana ako nang biglang magring ang garena ko dahil may tumatawag. Natuwa ako nung makita kong galing sa kanya iyon, ngunit pagsagot ko ay may narinig akong tawa mula sa isang babae. Hindi ako nagsasalita, pinapakinggan ko lang silang dalawa. The fuck, ano 'to? Tumawag para marinig ko landian nila? Natigil ako sa pag-iisip ng masama sa kanila nang magsalita ang babaeng akala mo kinikiliti kakatawa.


"Hey D, bakit hindi nagsasalita 'tong ininvite mo?" Dhie? Dy? May callsign pa talaga kayo? At paano ako magsasalita e ayaw mo tumigil kakadakdak jan.

"Oo nga eh, ayaw magsalita. Salita ka lang Rhaine." Pagkatapos sabihin ni Marcuz yun ay natawa naman 'tong Dobbs na 'to kahit wala namang nakakatawa. Tss.

"Nahihiya kasi ako eh. Makikinig na lang ako sa inyo saka may mga bata din dito" Sabi ko na lang when the truth is nanonood lang talaga ako ng tv.

"Oo nga D, masyadong maingay. Parang nasa bahay ampunan." Tumawa na naman. Seriously? What the hell is wrong with her?

"Ah kaya pala, ano Rhaine? Sali ka? Laro tayo nila Dobbs?" Pag aya sakin ni Marcuz.

"Sige sige, sali ako. Invite nyo na lang ako."


Nagsimula na yung game, sa umpisa ay maganda pa naman ang kinalalabasan. Nagmamarunong pa yung Dobbs e hindi naman sya makakakill or push kung wala si Marcuz. Ang daldal maglaro kahit sa chat. Pero nung mga sumunod na ay nawawala na ako sa laro. Naiirita at nadidistract ako sa kanilang dalawa. Kung alam ko lang na maglalandian lang pala sila e di sana inoff ko na lang 'tong garena ko. Tinuturuan pa ako ng babaeng ito eh kung tutuusin ay mas marunong pa ako sa kanya. Di lang talaga ako makapag concentrate dahil sa pinagsasasabi nya.

Nakatatlong game lang kami dahil umayaw na ako. Ayokong maglaro ng may maingay. Di ako makapagfocus. Nagpaalam na ako kay Marcuz na mamaya na lang kako ako maglalaro.

Kumuha muna ako saglit ng mapapapak. Nag-init ako ng popcorn tapos nagtimpla ng juice. Kumuha pa ako ng biscuit dahil alam kong mabibitin ako sa popcorn. Nag facebook muna ako at nanonood ng mga videos. Quarter to 3 am na ako nag decide na maglaro ulit.

Hindi ko alam pero nung makita kong online pa rin si Marcuz ay nawala ako sa mood. Nabadtrip ako. Magsosolo na lang muna ako. Pipindutin ko na lang yung start pero chinat nya ako at tinawagan sa garena. No choice kundi sagutin ko, I don't mean to be rude.


"Hey, gising ka pa pala? Maglalaro na sana ako eh." Panimula ko.

"Yes. Duo tayo? Okay lang? Pasama ako?" Sabi nya.

"Sure. Ikaw lang ba? Nasaan yung kasama mong babae kanina?" Kunware gusto kong makasama ulit yung girl na yun like duh.

"Ahh si Rona? Yung Dobbs? Wala na eh, nag offline na." Kaya naman pala, wala sya kaya sakin naman. How nice.

"Ohh, girlfriend mo ba yun?" Oh God. Sana hindi nya mahalata.

Natawa muna sya saka nagsalita.

"Hindi ah. Sya lang yung palagi kong kalaro. Madalas kong kaduo yun, nagpapasama palagi eh. Minsan ako gumagamit ng account nya, nagpapa-pilot eh." Pagkukwento nya.


Sabi na nga ba eh. Kapit sa magaling at mataas na tier yung babaeng yun! Kaya ganon yung galawan. Kung makaarte akala mo naman. Napabuntong hininga na lang ako.


"So ano, game? Pasama ako sayo? Please?" Pakiusap nya.

"Sure."

Strangers Into LoversWhere stories live. Discover now