Tanghali na nang magising ako, tamad na tamad akong bumangon. Malapit nang magtapos ang bakasyon pero parang di ako nag enjoy. Bumaba ako at nakita kong wala pa palang pagkain, wala nga pala si Charlotte at nagtake-out lang ako kagabi. When being independent is life, lol.
Nagready na ako ng mga kelangan ko sa pagluluto. Magluluto ako ng shrimp scampi. Peeled and deveined na yung shrimp, nalusaw ko na yung butter at okay na rin yung iba pang sangkap. Iluluto ko na lang sya ngayon. Sigh. Pag ako nag asawa, lahat ng luto ko matitikman nya. Syempre, mag-asawa na nga kami eh. Utak mo talaga Rhaine.
Nang matapos itong maluto ay agad ko itong inihanda dahil natatakam na akong kainin sya. Hindi pa ako nangangalahati sa pagkain ay biglang nagring ang phone ko. Tinignan ko yung tumatawag at nagulat ako nang makita kong si Marcuz ang tumatawag sa akin sa skype. Naka-sign in nga pala dito yung account ko. Pero hindi iyon yung problema! Sasagutin ko ba? Gosh! Pero kinakabahan ako! Baka mapangitan sya sa akin? Baka ma-turn off sya? Ah ewan bahala na!
Nakatapat sa mukha ko ngayon ang aking phone at nag aayos kunware ng kung ano sa buhok at mukha ko. Panay ang ngiti ko kahit sa totoo lang ay naiilang na ako. Napansin kong wala pa syang camera kaya nagsalita na ako.
"Uhmm, hi? Napatawag ka?" Sabay ngiti nanaman kahit naiilang.
"Hi. Kagigising mo lang?" Ang gwapo talaga ng boses nya.
"Medyo, pero nakapagluto naman na ako. Ikaw? Yung camera mo pala?"
"Oh, sorry. I forgot." Sabay ngiti at sabi ng hi.
"Anong niluto mo? Pwedeng patingin?" Dagdag pa nya.
Pinakita ko naman ang niluto kong shrimp scampi at nakita kong humanga sya. Hindi ko alam kung dahil ba yon sa nalaman nyang marunong akong magluto o dahil sa pagkain.
"Wow! Marunong ka pala talaga magluto. Mukhang masarap yan ah? Ikaw lang gumawa?" Papuri nya sa akin.
"Yup. Ako nagluto nyan." Natatawang sabi ko.
"Marunong talaga, mag-isa lang ako eh kaya kelangan ko talagang matuto. Minsan lang ako hindi magluto pag kasama ko yung kaibigan ko." Nakangiti kong pahabol.
"Wow. You really impressed me. That's what I like, yung maganda na magaling pang magluto." Nahawa rin ako sa ngiti nya. Gosh! Tama ba yung narinig ko? Nabibingi na ata ako. Kinikilig ako!
"Sira!" Natatawang sabi ko. Idinaan ko na lang sa tawa dahil baka mahalata nyang kinilig ako sa sinabe nya.
"Ikaw ba marunong ka magluto?" Pahabol ko pa.
"Not really. Basic lang alam ko like yung mga fried or grilled. Yung mabusisi hindi na." Nakangiti nyang sagot.
"Sige na kumain ka na, baka nagugutom ka na eh. Panonoorin kita." Nakatawang dagdag pa nya.
"Nakakahiya naman. Ikaw din kumain ka na, sabay na tayo. Nakakahiya kung pinapanood mo lang ako tapos ako kumakain."
"Okay, para hindi ka mailang kukuha na rin ako ng pagkain ko. Wait for me."
Tumayo na agad sya pagkasabi nya nun at lumabas ng kanyang kwarto upang kumuha ng pagkain. Pagbalik nya ay may dala dala na syang isang pinggan na puno ng pagkain at isang malaking inuminan.
"Sorry, natagalan ka ba?" Tanong nya.
"No, don't worry. Kain ka na, paubos na 'to. Kukuha na lang ulit ako tutal di pa naman ako busog." Natawa sya at sinabihan pa akong matakaw. Dahil doon ay nagtawanan kami at inenjoy pa ang aming pagkain.
--
Hi guys! Lapit na natin mag 10k! Hihihi. Thankyou sa pag aantay sa story ko, sa pagbabasa at pagvovote! Maraming salamat po talaga :* Dahil jan, sunod-sunod na update ko. :)

YOU ARE READING
Strangers Into Lovers
RomanceJanella Rhaine Tan is a famous gamer at the age of 17. Marami siyang taga-hanga dahil magaling ito maglaro ng mga online games at sa pagiging varsity nito sa table tennis. Mas lalo siyang hinangaan lalo na't babae ito. Bukod don, si Rhaine ay magand...