Pagkauwi ko ay inayos ko agad ang mga pinamili ko. Well, you can say na maarte ako pero ayoko talaga ng makalat. Ayoko yung hindi nasa ayos yung mga gamit ko. Feeling ko hindi ako mapakali. Am I the only one na nakakaramdam ng ganto kapag magulo o makalat yung paligid nila?
Binuksan ko agad ang laptop ko pagkatapos kong mag ayos. I logged in my account in garena. I was in the middle of queue ng may nagchat sakin.
"NC1 Rhaine. Laro tayo? :)"
Si K i n G MJ pala, yun yung in game name nya. Sya yung nakalaro ko nung nakaraan na nagligtas sakin. Wow. Nagligtas huh? Big word. Basta sya yung nagtanggol sakin hahaha.
"Sure! Invite mo na lang ako idol. :)" Sagot ko sa kanya.
Pagka-invite nya sa akin ay naghanap na agad kami ng makaka-match. Hindi naman kaming dalawa nainip dahil bukod sa nag uusap kami ay di natagalan ang paghahanap namin.
Mid laner sya at sa bot naman ako dahil na rin sa role kong AD-Carry. Medyo kinikilig ako dahil palaging ako dinadalaw nya. Tapos ako lang din madalas nyang kausapin habang nasa game kami. Natatawa na lang ako sa kaartehan ko.
Nung matapos ang game ay chinat nya ulit ako.
"Uy, matanong ko lang, may fb ka ba?" Waaa! Tinatanong nya account ko!
"Yes I have. Janella Tan, add mo na lang ako then sabihin mo sakin name mo para maaccept kita."
Marcuz Garabiles added you as a friend.
Clinick ko agad ang accept para maging friends na kami. Ini-stalk ko na rin ang profile picture nya. Naka-side view at black and white ang filter. Ang gwapo talaga! Tangos ng ilong, yung labi nya na may tamang kapal at umbok. Shocks!
Kaso.. edited yung picture nya. May kasama syang babae na nakatalikod. Who is this girl? Ah, bat nagtatanong pa ako. Obvious namang girlfriend nya yun. Tss.
"Salamat sa pag accept. Isa pa pala, can I get your number?" Aba, malandi rin ang isang 'to ah. May girlfriend na pero kung umakto akala mo wala.
"Sure. Pero di ba magagalit girlfriend mo? Baka magselos yan, awayin pa ko. Hahaha" Sagot ko sa kanya.
"Huh? Girlfriend? 4 years nakong girlfriend." What? E sino 'tong babae na 'to?
"Wala? E sino yung nasa profile pic mo?"
"Ex ko sya. Di kasi ako madalas mag online kaya di ko pa naa-update yung profile ko. Wait lang, babaguhin ko na para di ako napapaghinalaan. Hahaha!"
Pagkasabi nya no'n ay binago nya na nga agad ang picture nya. Nasa kwarto lang, with his hoodie and eyeglass. Simple but cute. Crush ko na ata sya!
"Hey, I changed my profile picture na. Hahaha so, what's your number na? :)"
Gaaash! Kinikilig ako! Binigay ko na yung number ko. Magpapakipot pa ba ako eh ang gwapo nung nanghihingi ng number ko! At matagal nakong walang boyfriend. Mabait rin naman sya.
"So, talk to you later na lang. Thanks sa number mo. Out na muna ko. Bye :)"
Pagkasabi nya non ay parang nawalan na rin ako ng ganang maglaro. Parang tinamad nako kase di ko siya kasama. Naguguluhan ako. May mali na yata sa sarili ko.

YOU ARE READING
Strangers Into Lovers
RomanceJanella Rhaine Tan is a famous gamer at the age of 17. Marami siyang taga-hanga dahil magaling ito maglaro ng mga online games at sa pagiging varsity nito sa table tennis. Mas lalo siyang hinangaan lalo na't babae ito. Bukod don, si Rhaine ay magand...