• Mapanlokong Tadhana - 1

1.2K 37 26
                                    

"Buntis ako. Ikaw ang ama." mahinahon kong sabi sa kanya.

"Ano? Hindi ko yan anak!" sigaw niya na para bang nandidiri sa akin habang napaatras siya. Hahawaka ko na sana siya nang.. "Wag mo 'kong hawakan! Baka naman sa ibang lalake yan tapos sa akin mo lang isisisi! Hindi ko yan responsibilidad!" dagdag niya at tuluyan na niya akong iniwang nakatunganga.

Kumulog ang langit at bumagsak ang malakas na ulan. Nakikisama yata ang panahon sa nararamadaman ko ano? Hindi na napigilan ng mga luha ko. Unti-unti narin silang bumagsak hanggang sa mapahagulhol na ako. Wala na akong pakialam sa kung ano mang mangyari sa'kin tutal, wala naman ding tatanggap sa akin at sa dinadala kong bata.

I'm three weeks pregnant at si Nate ang ama. 17 pa ako kaya hindi ko pa kayang itaguyod itong bata na mag-isa. Kailangan ko ng kasangga. Pero paano naman kung ang siyang tatay na mismo ang lumayo sa amin? Sigurado din naman ako na palalayasin ako nina mom and dad sa pagiging istupida kong anak. Yan kase.. palandi-landi pa, nabuntis agad.

Tumingala ako sa langit kahit medyo masakit ang bagsak ng ulan sa aking mukha. Paano nalang ang kinabukasan ko? Paano ko maitataguyod itong bata? Magiging makasalanan naman ako kung ipalalaglag ko 'to. Pero nagkasala nga naman ako dahil sa ginawa ko. Pero.. anong gagawin ko? Oh Diyos, andyan ka ba? Naririnig mo ba ako? Sagutin mo naman ako oh..

One to many shotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon