Chapter 8

36 16 0
                                    


HANCE POV

Nang marinig kong umiiyak si Jewel sa kabilang linya kinabahan ako agad ng mga oras na iyon, akala ko kung ano ng nangyari sa kanya.

Nang sabihin nya ang totoong dahilan ng pag iyak nya bigla akong nahulog , hindi ko napansin na malayo pala yung upuan bago ako umupo.

Pero hindi ko na napansin yung sakit sa pagkaka hulog ko, malakas talaga yung kaba ko nun kaya diko na naramdaman ang sakit.

" Hay naku, ang girlfriend kong isip bata,nababaliw na.
I'll see you later, Bye "

i-end call ko na, napa iling iling lang ako habang naka ngiti, diko alam kung bakit nagustuhan ko yung babaeng baliw na yun

pero Kung may tao lang na nakaka kita sakin ngayon baka akalain na nila akong baliw dahil nakangiti lang akong mag isa.
.....
" Magagawa pa ba si stacey?"
sabi ni jewel dun sa gumagawa ng laptop, halata namang na weirduhan yung lalake sa kanya

" ang ibig nyang sabihin yung laptop, magagawa pa ba yung laptop?"
pag uulit ko nalang

" ah~ Oo, maayos pa naman ito, kailangan lang natin ma ireformat "

" Kailan namin makukuha si stac-----"

" Yung laptop "
pag putol ko sa sinabi nya, stacey ng stacey hindi maka relate si manong

" Bukas din ng hapon makukuha nyo na "

" ah sige Daanan nalang namin yan bukas "

tsaka na kami umalis sa repair shop

" magagawa din si stacey mo huwag kang mag alala "
natatawa kong sabi habang nag bibiyahe kami

" walang nakakatawa "
seryoso nyang sabi

" kung tao lang si stacey baka nag selos na ako sa kanya, grabe yung pag aalala mo sa kanya "

" Hindi naman ako sa kanya nag aalala eh "

" kung hindi sa kanya, kanino?"

" dun sa folder na puno ng mga pictures natin, Sabi ni manong iri-reformat daw nya si stacey, mawawala na lahat ng naka save kay stacey "
Lumingon ako sa kanta kung nagbibiro lang ba sya, pero sa nakikita ko ngayon parang seryoso nga sya, hinawakan ko ang kamay nya.

" Kung madi delete man yung folder na puno ng pictures natin dalawa, edi mag picture ulit tayo ng mag picture, matagal pa ang panahon na mag kakasama tayo, kahit million of pictures pa man ang i-take natin walang problema sakin yun "
Nakampante na ako ng makita ko na syang ngumiti

.........

" Pumasok ka muna sa bahay "
sabi ni clary sakin ng makarating kami sa kkanila

" ah hindi na, medyo nagmamadali din kasi ako at may kailangan akong gawin "

" Saan? nang bababae ka noh?"

" Hindi nu, takot ko nalang sa baby girl ko "
sabay kurot ko sa pisngi nya

" sus, sabihin mo lang sakin kung sawa kana sa pagmumukhang to para ngayon palang makapag hanap na ako ng iba "
Natawa naman ako sa sinabi nya, isip bata nga talaga

" selosa ka pala?"

" Hindi nu, hindi naman halata diba "

" Alam mo nagtataka talaga ako sa sarili ko kung bakit kita nagustuhan, ang pangit pangit mo naman "
natatawa kong sabi, sisipain nya sana ako ng mabilis akong naka ilag at lumayo sa kanya

" ako pangit? ( sabay turo nya sa sarili nya) hoy hance, itong mukha to pinag aagawan ng mga lalake "

" wow,edi ang swerte ko pala kasi itong mukhang ito ang pinili mo?"
natatawa kong sabi

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon