CHAPTER 26

14 12 0
                                    


Nang malaman kong nahanap na nila si Hance mas lalo akong nagkaroon ng pag-asang Makita na syang muli, sabik ako sa yakap nya. sabik akong makita yung lalakeng minahal ko ng ilang taon, Alam kong maraming bagay ang gumugulo sa isipan ko ngayon,maraming katanungan na tanging si Hance lamang ang makaka sagot ng lahat ng ito. 

Halos lahat kami sabik ng makita sya, sabik ng dumating yung araw ng pag babalik nya. Hindi ko man magustuhan ang dahilan ng pag lilihim nya at paglayo sakin pipilitin ko itong intindihin, masyado ng maraming sakit at hirap ang naranasan ni Hance. Gusto kong iparamdam sa kanya na may pamilya syang masasandal, pamilyang hindi sya iiwan kailan man. 

Isang Linggo pang na-confine si Jace sa ospital bago nakauwi sa kanila, nangako si Jace na sya mismo ang mag hahatid sakin kay Hance, nagkaroon na din sila ng komunikasyon ni Hance at Handa na din daw syang magpakita sa amin. Handa na syang bumalik sa dating buhay nya.

Ito na ang araw na muli kong makikita yung taong minahal ko ng ilang taon, Habang papalapit kami sa lugar kung nasan si hance, mas lalo akong kinakabahan. Halos hindi ako makahinga sa saya at kaba na nararamdaman ko ngayon, Sabik na sabik na akong makita ang taong pinaka mamahal ko. 

" Mag panggap kaya akong nasiraan tayo?" 
Bigla akong natauhan sa pag-sasalita ni Jace, napalingon ako sa kanya at nasilayan ko ang ngiti sa mga labi nya kahit hindi ko nakita ang kabuuang mukha nya. Nanatili syang nakatingin sa harap habang nag da-drive. 

" A-anong sabi mo?" 
pag-uulit ko sa sinabi nya 

" Ang sabi ko, blooming ka ngayon. 
Ang Ganda mo ( sabay lingon nya sakin pero agad din nya itong binawi at tumingin ulit sa Harap) Sa sobrang ganda mo ngayon parang gusto ko ng bawiin ang pangako ko sayo " 
sabay ngisi nya 

" Ang alin?"
nagtataka kong sabi 

" Na makita mo si Hance, Dapat kasi dika nag paganda. ayan tuloy Parang gusto na kitang ipgdamot sa kapatid ko " 

Natatawa nyang sabi, wala akong maisagot sa sinabi nya, Tumatawa man sya. ramdam ko pa din yung kalungkutan nya sa likod ng mga pag-tawa nya.Katulad sya ni Hance. Hindi sila nag papakita ng kalungkutan na nararamdaman nila. 

" Don't staring at me, diba sabi ko naman sayo hindi ako makapag Focus sa tuwing tinititigan mo ako, Para akong nalulusaw sa tuwing tinititigan mo ako " 

"S-sorry"
Tipid kong sagot 

" Para san yung sorry mo? 
Dahil ba sa nakikita mo akong nasasaktan o dahil ayaw mo akong pigilan sa pag punta natin kay Ethan? 
Sabihin mo lang na ayaw mo ng pumunta , para naman mawala ng konti yung sakit na nararamdaman ko " 
seryoso nyang sabi 

" M-mahal k-ko si Hance "
mahina kong sabi 

" I know, mahal kita ( ngumiti sya ng pilit) Pero mahal mo ang kapatid ko.Tanggap ko yun, dahil sya ang nauna sa'yo " 

" I'm sorry Jace, Sorry kung nasasaktan ka ng dahil sakin. Alam ko balang araw makakahanap ka din ng babaeng karapat dapat sa'yo" 

" Hihintayin ko yung araw na iyon, 
Hihintayin ko yung araw na dumating sya sa buhay ko. pero sa ngayon. 
Ang tanging alam ko lang ngayon ay mahal kita at nasasaktan ako. ( napa kagat labi sya, Nagulat pa ako ng bigla nyang ihinto ang sasakyan, Lumingon sya sakin at tumingin ng seryoso) 
Jewel , Ni minsan ba hindi nagulo ang puso't isip mo kung ano nga ba ako para sa iyo? "
Seryoso nyang tanong sakin, hindi ko magawang kumurap sa mga sandaling iyon 

" Mabait kang Tao ( paninimula ko) Kahit na sino maaaring ma inlove sayo, Sa lahat ng ipinakita mong pag mamahal sakin, naramdaman ko yung pag mamahal ni Hance sakin noon. Dun sa tanong mo, O----"

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon