Chapter 15

32 16 0
                                    

Kinabukasan pagkatapos ng klase namin dumiretso kami ni clary sa canteen, pareho kaming nagutom sa math subject
nang makabili na kami ng pagkain nag hanap na kami ng pwedeng maupuan ng bigla namin makita ang kuya nya at nag dire-diretso sya sa table ng kuya nya, ako naman wala ng nagawa kundi sumunod sa kanya

" Ano na naman kailangan mo?"
cold na sabi ng kuya nya, lumingon na naman sya sakin, hindi ko talaga kayang tumingin sa kanya ng diretso

" pwede maki share ng upuan sa inyo? wala na kasing vacant seat "
sabi ni clary, halos sabay sabay pa kaming nilibot ang tingin sa canteen, ang daming vacant seat

" Umupo na kayo "
seryoso nyang sabi, umupo na kami
halos nakayuko lang ako kasi feeling ko tinititigan ako ni jace,sobrang awkward

samantalang tong si Clary napaka komportable nyang kausap yung dalawang kasama ni jace, matagal na din ata nyang kakilala ang mga ito.

" Kamusta naman kasama tong kapatid ko, buti natatagal mo pagka childish nya?"
Nagulat pa ako ng diko akalaan na ako pala ang tinatanong nya, napansin ata nya kaya napangisi sya

" O-ok naman, mabait si clary tulad ng sabi ko sayo kahapon "

" mukhang naturuan mo tong isang to huh~ "
sabi nya kay clary

" Hoy hindi ah~ mabait talaga ako,inborn na yun kuya kaya huwag kang ano dyan "

"Bakit dika kumakain?"
Muli nyang tanong sakin, akala ko pa naman sasagutin nya yung sinabi ng kapatid nya kaya nabigla na naman ako

" Busog ako "

" Dipa gutom ka friend ikaw pa nga nag aya sakin dito "

" friend naman makisama ka nalang,paano ako lalamon dito kung nandito sila, ang awkward bes"
bulong ko sa kanya, hindi ko alam pero natawa si jace, narinig kaya nya

" Aalis na kami "
nakangiting sabi ni jace

" Teka, halos kakaupo lang namin ah~"

" mukhang di maka kakain tong kaibigan mo dahil may tatlong gwapo syang kaharap, mauuna na kami "

Napatingin muna sya sakin bago na sila lumabas ng canteen,sheeet ang awkward talaga,hiyang hiya pa din ako sa kuya ni clary sa mga nangyari.

After few minutes nag kwentuhan muna kami ni clary ng kung ano anong bagay ng biglang may lumapit saming estudyante pinapatawag daw si clary sa library.
nag paiwan nalang ako dito sa canteen tutal mamaya pa naman yung next subject

bumili muna ako ng piatos tsaka bumalik ulit sa upuan
kinabit ko yung earphone ko para mag soundtrip nalang habang kumakain

susubo na sana ako ng may biglang sumulpot sa harap ko, si Jace

" Nasan si Clary?"
tanong nya agad sakin, napatulala lang ako at hindi na nakain yung unang subo

"h-huh? ahmmmm pinatawag sa library eh "

" so bakit ka nag iisa dito?"
tanong nya ulit, parang clary lang napaka komportable lang nya ako kung kausapin

" Mamaya pa naman yung n-next subject kaya nag paiwan muna ako dito "

" Ah ~~~~~ ( patango tango nyang sabi ) awkward ba?"

" Huh? anong ibig mong sabihin?"

" awkward ba na kaharap mo ako?"

" Sobra "
prangka kong sabi sa kanya, natawa sya

" I'm Jace Persin ( sabay lahad nya ng kamay nya sa harap ko, tinitigan ko lang ito) hindi maganda yung first meeting natin kaya andito ako para mag pakilala sayo, I'm Jace Persin "
nakangiti nyang sabi habang naka lahad pa din yung kanang kamay nya

" Jewel Mae Vasquez "
sabay lahad ko din ng kamay ko

" Kung ano man sinasabi ng kapatid ko sayo huwag mo masyadong paniwalaan,magaling talagang manira yun " natawa naman ako sa sinabi nya

" halata ngang mag kapatid kayo,pareho kayo ng ugali "

" Ganun ba,
ohw Shit, aalis na ako nakalimutan ko na nag ka klase na pala kami "

" oh sige "

"Bye "

" bye din "
ngumiti muna sya tsaka na nag mamadaling lumabas ng canteen, dun ko lang namalayan na nakangiti na din pala ako

Pag uwi ko sa bahay agad akong kinausap ni mommy yung tungkol sa kahapon, hindi na kasi nya nagawa na makausap ako kagabi.

" Ayos nga lang po ako mommy, yung tungkol dun wala lang po yun, Oo naalala ko sya pero hanggang dun nalang po yun "
Sabi ko kay mommy, siniglahan ko yung tono ng pananalita ko para di na sya mag alala ko

" Yan ang gusto ko sayo anak, Matapang. hindi sumusuko "

" yun lang naman po ang choice ko hindi ba? *I sighed* Tanggap ko na My
tanggap ko na hanggan dun nalang kami"
ngumiti ako ng pilit,niyakap naman agad ako ng mommy ko

" nu ba yan My ang drama natin, papasok na ako sa kwarto ko, tambak yung assignment ko ngayong araw "

" oh sige, tatawagin ka nalang namin kung kakain na "

Pumasok na ako sa kwarto,heto na naman ako nakatulala sa kawalan, hindi ko namalayan na bumabagsak na pala ang mga luha ko, pinilit kong ngumiti
tsaka agad na pinunasan ang mga luha sa mukha ko.

Lumapit ako sa salamin tsaka tinignan na mabuti ang mukha ko,muli akong ngumiti pero kitang kita ko pa din ang kalungkutan sa mga mata ko.

" tanggap ko na nga ba? ( sabi ko habang nakatingin sa salamin,napatingin ako sa kwintas ko tsaka hinawakan yung pendant ) kailangan ko ng tanggapin Hance.
Kailangan ko ng tanggapin na wala ka na
( tsaka ko inalis yung kwintas sa leeg ko tsaka ikinuyom sa mga kamay ko) mag uumpisa ulit ako ng bagong buhay na wala ka ( binuksan ko yung drawer ko tsaka kinuha yung maliit na box iniligay ko yung kwintas sa box ) Sorry Hance "

Sa mga sandaling iyon wala ng mga luhang lumabas sa mga mata ko,natauhan lang ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. si cassey

" Ate kakain na daw tayo baba kana daw"
ngumiti ako sa kanya at agad syang nilapitan at niyakap ng mahigpit

" Aaaaaray ko ate "

" pwede bang sabihin mo kay ate na, 'Magiging ayos din ang lahat kasi matapang ka' "
nakayakap ko pa ding sabi sa kanya

" Magiging ayos din ang lahat ate, kasi matapang ka. ako yung magiging soldier ng buhay mo kasi yun yung sabi ni kuya hance sakin, alagaan daw kita "

mas lalo kong hinigpitan ang pag kakayakap sa kapatid ko, hindi na ako nagulat sa sinabi nya. Dahil hanggang ngayon gaya ko naaalala pa din nya si hance, naging close sila noong nandito pa sya kaya kahit bata pa si casey noon, malinaw pa din sa ala-ala nya si Hance.

Umalis na ako sa pag kakayakap tsaka hinarap sya ng nakangiti

" Ikaw talagang bata ka, Ang taba taba mo"
pagbibiro ko, tsaka kinurot ang pisngi nya

" Sabihin mo mag bibihis lang ako at susunod na ako,ok?"
Tumayo sya ng maayos tsaka nag salute

" Yes po "
buong boses nyang sabi tsaka na sya lumabas ng kwarto ko ,natawa naman ako sa ginawa nya

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon