JACE POV

18 12 0
                                    

Nang malaman ko ang lahat nasi Jewel ang anak ni Lucas halos hindi ako makapaniwala . hindi ko akalain na yung taong matagal ng nag papahirap sa amin ay ang ama nya. 
Naguluhan ako noon kaya hindi ko sya nagawang tulungan nung mga panahong nangangailangan sya ng tulong.

Masyado ng naging komplikado ang lahat, Alam kong hirap na hirap si Jewel sa mga nalaman nya tungkol sa ama nya. Pare-pareho kaming nasasaktan sa mga nangyayari, hindi ko din alam kung sino na nga ang kakampihan ko. 
Pero ang tanging alam lang namin ngayon ay dapat ng matapos ang kaguluhang ito.

Nag mamadali akong tumakbo ng malaman kong sasama si Jewel kay Lucas , Hindi ako mapalagay dahil kahit ama nya si Lucas malaki pa din ang posibilidad na saktan nya ito. Tinawagan ko na din si Hance sa nalaman ko at agad na din niya itong hinanap. 

Kaba ang tanging nararamdaman ko ng mga oras na iyon, Sinubukan ko na din syang tawagan pero hindi nya ito sinasagot na lalo pang nagpa kaba sa akin. 

Napuntahan ko na din ang bahay nila pero wala pa din sya doon, Hindi rin nya sinasagot ang tawag ng mommy nya. 
Gabi na at wala pa din sya, kaya nag patuloy kami sa pag hahanap sa kanya

"Jewel please, Answer the phone " 
mahina kong sabi sa sarili ko habang nag da drive ako. 

Nag patuloy ako sa pag iikot makita lang sya, Hindi ko maiwasan na mag isip na baka napahamak na sya. Hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama sa kaniya. Hindi man kami ang mag katuluyan ang importante ay nakikita ko syang Ligtas at masaya kontento na ako doon. 

Napa hinto ako sa pag da-drive ng makatanggap ako ng tawag galing kay Jewel. Napanatag lang ako ng sabihin nya kung saan lugar siya naroroon ngayon. 

Halos lumipad na ang sinasakyan ko makarating lang agad sa lugar kung nasaan si Jewel. 

Pagka hinto ko ng sasakyan agad na akong lumabas at tumakbo para hanapin sya. Napatigil ako sa pag takbo ng matanaw ko sya sa malayo habang naka upo mag-isa sa isang bench. 
Naka hinga ako ng maluwag ng makita ko syang ligtas. 
Napatayo sya ng makita nya ako.
Ilang segundo din kaming nagka titigan. 

" Nandito ka na pala "
nakangiti nyang sabi, Pero kita ko na ang pamumugto ng mga mata nya

" Alam mo ba kung gaano mo ako pinag alala (mataas na tono kong sabi) Pag napahamak ka hindi ko--------- ( I paused ) 
H-hindi namin kakayanin. Ni Hance " 

" I'm sorry Jace ( seryoso nyang sabi sa akin habang nakatitig) Hindi ko ginusto lahat ng nangyayari ngayon, kung pwede lang na ako na ang sumalo lahat ng sakit na nararamdaman nyo ginawa ko na ( nabagsakan na ang mga luha nya) Sobrang laki ng kasalanan na ginawa ng daddy ko sa inyo lalo na kay Hance, Hindi ko na alam ang gagawin ko " 

Hindi ko napigilan at agad ko na syang niyakap ng mahigpit, Rinig ko ang pagka hagugol nya ng iyak sa sobrang sakit ng nararamdaman nya ngayon. 
Hindi ko man maalis lahat ng sakit na nararamdaman nya kahit man lang sa pag yakap ko maramdaman nya na may taong gustong tulungan sya sa nangyayari sa kanya ngayon. 

Pareho na kaming naka upo ngayon, Ilang minuto din kaming hindi nag sasalita. 

" Balak na akong isima ng daddy ko sa ibang bansa
(Napa lingon ako sa kanya sa sinabi nya, nanatili syang nakatingin sa kawalan)
Gustong tuparin ng daddy ko yung pangako nya sa akin ( tumingin sya sa akin at ngumiti ) Pero hindi ko alam kung Tama nga bang ilihim ko nalang ang lahat at umalis nalang dito para makatakas sa problema. Jace kung pwede ko lang yun gawin, gagawin ko. Pero alam kong mas maraming masasaktan sa making desisyon ko " 

FLASHBACK 

" Gusto kong tuparin ang pangako ko sayo anak,please sumama ka nasa akin Jewel, mag paka layo layo na tayo dito "

Nangilid ang mga luha ko sa narinig ko sa daddy ko, halos wala akong masabi at gulong gulo ang isip ko. 

" H-hindi po ako sasama ( naka titig kong sabi at tuloy tuloy na nag bagsakan ang mga luha ko ) Dad I'm sorry "

END OF FLASHBACK

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon