HANCE POV

22 11 0
                                    


Hindi ko aakalain na ma iisipan ni Jewel na saluhin lahat ng problema. Hindi ko inaasahan na handa nyang ibuwis ang buhay nya para sa ikatatahimik ng lahat.

Agad kong sinuntok si Jin ng magka harap kaming dalawa, Inutos ko sa kanya na bantayan si Jewel pero heto ang ginawa nya,hinayaan nyang malagay sa kapahamakan ang babaeng ko. Higit pa sana doon ang mangyayari sa kanya kung hindi lang kami nag mamadaling makarating kung nasaan si Jewel ngayon. 

Agad na kaming kumilos at tumawag ng mga pulis, Nang makarating kami sa lugar na iyon agad nag paputok ng baril ang mga tauhan ni Lucas kaya wala na kaming nagawa kundi gantihan ito. 
Hindi ko hahayaang mapahamak si Jewel. 

Agad agad akong pumasok sa loob ng magkaroon ako ng pagkakataon, Hinanap ko sa buong Bahay kung nasaan si Jewel. 
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko syang tumatakbo kasama si Cassey. 
Kaya agad ko silang nilapitan at niyakap si Jewel. 

" K-kailangan n-natin umalis " 
nangingnig nyang sabi sa akin 

" Halika na " 
nag mamadali na kaming umalis sa lugar na iyon.
Inalalayan ko sila hanggang sa maka baba kami at maka labas ,Sinalubong kami ni Jace at agad kinuha si cassey para ipunta sa ligtas na lugar 

" Umalis na kayo " 
sabi ko sa kanila, Nagulat naman si Jewel sa narinig nya

" P-paano k-ka" 

" Kailangan namin mahuli si Lucas.
( I paused) Huhulihin namin si Lucas "
seryoso at nakatitig kong sabi sa kanya, nakita ko syang tumango ng marahan, tanda na pumapayag na syang mahuli ang sarili nyang ama

" Mag iingat ka Hance, please mag iingat ka "
umiiyak nyang sabi na may halong pag aalala 

" Pangako, Jewel. 
Matatapos at matatahimik din tayong lahat " 

Tatalikod na sana ako ng bigla nya akong hinila at nakarinig ako ng putok ng baril. 
Nanlaki ang mga mata ko na yakap yakap na ako ni Jewel.Nakadama ako ng likido na dumadaloy sa likod ni Jewel. 

Nakarinig akong muli ng putok ng baril na nang galing nasa mga pulis at nakitang naka handusay nasa sahig ang katawan ni Lucas. 

" J-jewel "
nanginginig kong tawag sa pangalan nya, yakap yakap ko sya ngayon na walang malay

Agad ko syang binuhat at dinala sa sasakyan para dalhin sa ospital.

" J-jewel W-wake Up, 
please gumising ka "
Agad na nag bagsakan ang mga luha ko habang nakikita ko si jewel na duguan at walang malay

Ibinuwis nya ang buhay nya ng dahil sa akin kaya hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag napahamak sya. 

Hindi ako mapakali sa labas ng operating room habang hinihintay lumabas ng Doctor, Dumating na din Ang Mommy nya at sina Hance at clary. 

Nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang takot na nararamdaman ko sa mga oras na iyon.
Ilang minuto pa kaming naghintay at lumabas na din ang doctor. 

" Unconcious pa din ang pasyente,natamaan ang kidney nya dahilan nito ng pagka comatose nya"

" M-makaka ligtas ang anak ko hindi ba?"

" Matapang ang anak nyo misis, Alam kong lumalaban sya. pero sa ngayon, kailangan natin maghintay kung magigising pa ba sya " 

Halos manlumo ako sa narinig ko sa Doctor.hindi ko alam na matatapos ang lahat ng kasamaan ni Lucas kapalit ng kaligtasan ni Jewel. 

Kung alam ko na ganito ang mangyayari sana pala noon pa lang sinabi ko na ang lahat. masyado akong naging maka sarili sa sarili kong kaligayahan. 

Ngayon nakikita ko sya sa harapan ko na nakahiga at puno ng kung anu anong bagay na naka kabit sa Buong katawan nya,halos kalahati ng buhay ko ang nawala. Nakaka pang lumo na makita ang taong inalagaan at minahal mo ng ilang taon na lumalaban para mabuhay. 

" Naririnig mo ba ako ( sabi ko sa kanya habang hawak ko anv kamay nya) Jewel alam ko naririnig mo ako, Please lumaban ka. marami ka pang gustong mangyari sa buhay mo. Marami ka pang pangarap na gustong tuparin kasama ng lalakeng pinaka mamahal mo ( Nag bagsakan muli ang mga luha ko) Malakas ka hindi ba? Yun yung katingian mo na nagustuhan ko sa iyo, hindi ka sumusuko, Kaya Jewel please, lumaban ka "

Lumipas ang ilang linggo at nanatili pa ding comatose si Jewel. Halos pang hinaan na ako ng loob dahil maliit lang ang chance na mabuhay sya. Pero pinipilit kong lakasan ang loob ko hangga't alam kong lumalaban sya para mabuhay. 

Araw-araw akong dumadalaw sa kanya kasama na din si Clary, Umaasa na isang araw magising sya. 

Miracle ang ipina ngalan ko sa kanya dahil isa syang milagro na dumating sa buhay ko, Kaya Umaasa ako na magkaroon ng milagro na magising sya. 

Hanggang dumating yung araw na pinaka hihintay namin, Mag isa akong nag babantay sa kanya ng maramdaman kong gumalaw ang kamay nya.

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon