JEWEL'S POV

24 11 0
                                    


Lumipas ang isang buwan at naka uwi na din ako pagkatapos kong ma confine ng napaka tagal sa ospital.
kitang kita ko ang pagka alala nila sa akin ng tuluyan akong magising. Hindi ko alam na ilang linggo din pala akong walang malay. 

Araw-araw nilang pinapadama sa akin kung gaano nila ako kamahal at kahalaga sa kanila. 
Nag kaayos na din kami ni Clary, nagka iyakan pa kami nung time na nagka patawaran kaming dalawa. Kapatid na ang turing ko kay clary kaya naman napaka saya ko na muli nya akong tinanggap sa buhay nya. Pinag ayos ko na din sila Jin at Hance, Hindi kasalanan ni Jin ang nangyari. desisyon ko iyon kaya ako ang dapat sisihin. 

Pero Si Jace, Simula ng magising ako hindi ko na sya muling nakita pa, Nabalitaan ko nalang na bumalik na sya sa america. nakadama ako ng lungkot ng mga oras na iyon. Hindi ko man lang nagawang mag sorry at mag thank you sa lahat ng nagawa nyang kabutihan sa akin, para bang may misyon pa ako sa buhay nya na hindi ko nagagawa.

Nalaman ko din na Nakulong nasi Lucas, Ang daddy ko. Wala akong nadamang lungkot ng malaman ko iyon, mahal ko sya pero kailangan nyang pag bayaran lahat ng kasamaang ginawa nya. 

Nandito ako ngayon sa prisinto kung nasaan ang Daddy ko, nakayuko sya sa harapan ko. hirap syang tignan ako sa mga mata ko.

" K-Kamusta k-ka na "
nauutal nyang tanong sa akin 

" Naka ligtas ako ( diretso kong sabi sa kanya) Nakaligtas ako sa kapahamakan ng dahil sayo dad " 
napa taas tingin sya sa sinabi ko 

" A-anong ibig mong sabihin?"

ngumiti ako 
" Lumaban ako para mabuhay para masabi ko sa iyo kung gaano kita kamahal ( I paused)Hinayaan mong kainin ka ng kahinaan mo dad. Mahal na mahal kita pero kailangan kong gawin ito "
Tumango tango naman sya

" Patawarin mo ako anak (umiiyak nya ng sabi) masyado akong naging mahina kaya ginawa ko ang lahat ng ito, Pinalaki ka ng mommy mo na mabuting tao (ngumiti sya) kaya dapat lang na gawin mo ito sa akin, patawarin mo ako " 
patuloy lang sya sa pag iyak, Nagulat ako sa sarili ko na walang luhang lumalabas sa mga mata ko. 

" Pina patawad na kita daddy (ngumiti ako) Sana pinag sisisihan mo na lahat ng ginawa mo. Hindi pa huli ang lahat para magbago " 

Niyakap ko sya ng mahigpit, kahit na gaano pa karami ang kasalanan ng isang tao sa iyo dapat handa ka din mag patawad dito. Ayokong sayangin ang pangalawang buhay ko sa pagkamuhi sa daddy ko, kaya ngayon palang pinapatawad ko na sya sa lahat ng kasalanang ginawa nya. 

Lumabas ako sa presinto na may ngiti sa mga labi, nakita ko si Hance na naghihintay sa labas, Nangako kasi sya na may pupuntahan daw kami ngayong araw.

"Saan ba talaga tayo pupunta, kanina pa tayo nag bi biyahe ei"
pag mamaktol ko sa kanya 

" Sa beach "

naka ngiti nyang sabi,nagulat naman ako sa sinabi nya, Hindi aakalain na babalik kaming muli sa lugar na iyon. 

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa lugar na iyon. 
May dala pa syang gitara, napa ngiti pa ako ng maisip ko na kakantahan nya ako.

Pareho kaming naka upo sa malaking bato na naroon, Nag i-strum sya ng gitara nya habang nakatingin kaming dalawa sa dagat. 

" I love you Miracle "
Bigla nyang sabi sa akin,napa lingon naman ako sa kanya, nagtama ang tingin namin dalawa. 

" Nakaka gulat naman yang sinabi mo"
natatawa kong sabi

" Nakaka gulat ba na sabihin ko sayo na mahal kita?"

" Hindi naman, sanay na nga ako ei " 

(humarap sya sa akin )
" I love you Miracle (seryoso nyang sabi) 
Lahat gagawin ko makita ka lang masaya, Gusto kong marinig mong muli yung kantang ginawa ko para sa iyo"

ngumiti ako tsaka marahan na tumango, nag simula na syang mag strum ng gitara niya. nakatitig lang kami sa isa't isa.

"Life is worth living, Life is worth living again, so live another day.
The meaning of Forgiveness
people makes mistake, didn't mean you have to give in.
Life is worth living again 

Praying for a Miracle, for a long journey ahead,God sent an angel to help you out, he gave you direction for that long journey ahead.

Life is worth living, life is worth living again
only god can Judge me, Life is worth living again~~~~

Nakangiti lang ako hanggang sa matapos sya, Ilang segundo din kaming natahimik. 

" I love you Miracle (mahina nyang sabi) 
I'll do Everything to make you Happy, Kaya kitang I let go para makasama ang taong mahal mo "
napa kunot noo ako sa sinabi nya

" A-anong I-ibig mong sabihin?"
Nagtataka kong sabi

" Jewel hindi mo matatago ang nararamdaman mo. Alam kong hindi mo na ako mahal "

" Ano bang pinag sasabi mo Hance, mahal kita " 

umiling iling sya 
" Pero mas Mahal mo si Jace ( biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi ko inaasahang sinabi nya) Noong una palang alam ko na kung anong nararamdaman mo sa kanya, Pero pinilit mo akong mahalin dahil nakadama ka ng awa sa akin, Dahil gusto mong makabawi sa mga kabutihang ginawa ko sa iyo noon. Jewel Hinding hindi ako mag sisisi na sa kanya ka mapupunta ( nangingilid na ang mga luha nya ) Jace really deserves it, deserving sya na mahalin mo siya ng sobra-sobra " 

Halos wala akong maisagot sa sinabi nya
napayuko nalang ako at napa iyak 

" I'm sorry Hance (Naiiyak kong sabi) Hindi ko sinasadyang Mahalin sya "

" No Jewel, wala kang kasalanan. Umamin na din si Jace sa nararamdaman nya sa iyo bago pa man sya bumalik ng america,nag paraya sya para sakin na dapat sya ngayon ang kaharap mo ngayon. Mahal na mahal ka ng kapatid ko Jewel at alam kong ganun ka din sa kanya, kaya handa na akong pakawalan ka, sundin mo yung sinasabi ng puso mo "

" S-salamat,maraming salamat Hance" 

niyakap ko sya sa huling pag kakataon, Pinigilan kong Huwag ma inlove kay Jace, pero habang pinipigilan ko iyon mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya, nagustuhan ko sya sa maraming bagay na hindi ko alam kung ano nga ba ang dahilan. kaya ganun na nga lang ang sakit na naramdaman ko na malaman na bumalik na sya sa America. Ni hindi ko man lang nasabi sa kanya kung gaano ko sya Kamahal. 

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon