CHAPTER 28

15 12 0
                                    


JEWEL'S POV 
...
Lumipas ang isang linggo,naging maayos ang lahat ng araw para sa aming lahat, napaka saya ko din para kanila Clary at Jin.
Dumating din yung araw na pinaka hihintay nila, halos hindi sila mapag layong dalawa. Kami naman ni hance, mas lalong tumitibay ang samahan namin dalawa. 
madalas nga lang na wala sya pati na sina Jace kaya diko sya nakakasama araw-araw. Naiintindihan ko naman na kung anong obligasyon ang dapat nyang gampanan kaya hindi na din ako masyadong nagtatanong. 

Hindi nga ako maka-paniwala na mangyayari ito sa buhay ko, hindi ko naisip na mapupunta ako sa mistersoyong mundo nila Hance.Napaka simple lang ng buhay ko bago ko nakilala si Hance at ang dalawang kapatid nya. pero kahit marami ng nagbago sa buhay ko,masaya pa din ako dahil kasama ko ang mga taong Mahalaga sa akin.

Pareho kaming naka-upo ni Clary sa Pathway ng bigla naming nakita Sina Hance at Jin na papa-lapit sa amin dalawa. Pareho pa kaming nagulat sa di inaasahang pag punta nila dito.

" Pare may dalawang chicks"
pagbibiro ni Hance ng makalapit sila sa amin. 

" Bakit kayo nandito?" 
Nagtataka kong tanong sa kanya 

" Wow, kinaka-usap ako ng isang Chicks"
natatawa nyang sabi, natawa din si Jin 

" Alam mo hance, hindi mo bagay (kunot noo kong sabi) Bakit nga ba kayo nandito " 

" Nag hahanap yan ng ibang chicks " 
nagulat pa ako ng may biglang umakbay sakin sa likod ko, pag lingon ko nabungaran ko ang naka ngiting Jace. 

" Bakit ba bigla bigla nalang kayong sumusulpot dito "

" Alam mo naman yan mga best, lulubog lilitaw. Mag papakita lang kung kailan nila gustuhin " pag paparinig ni Clary 

" Hey, nag aaway na naman ba kayo ng kapatid ko?
( Tanong ni jace kay Jin,nag kibit balikat naman ito ) hiwalayan mo na kasi 'tong si Clary para mawala na problema mo"
Pagbibiro nya

" Ang sama mo talaga Kuya Jace, Halika na nga babe,baka ma impluwensyahan kana naman ng mga ito "
sabay sukbit nya ng kamay nya sa braso ni Jin, Sumunod naman si Jin at nag lakad na palayo samin tatlo. 

Bigla akong nailang ng matira kami, 
Magkatabi kami ngayon ni Hance at nasa harapan namin si Jace. 

" Huwag mo masyadong pinag hihigpitan yung kapatid natin, mamaya nyan mag rebelde na naman " 
nakangiting sabi ni Hance 

" Masyadong Baliw si clary kaya nag iingat lang, tignan mo nga tong Girl---- ( bigla syang napa hintonsa sinabi nya) 
Tignan mo nga tong si Jewel nahawa nasa kanya "

humarap naman si Hance sakin at medyo inayos ang buhok ko 

" Kahit baliw pa 'tong si Miracle, Hinding hindi mapapalitan ang pag mamahal ko sa kanya " 
nakangiti nyang sabi sa harap ko, napatingin ako kay jace at seryoso lang syang nakatingin samin. 
Tumigil lang si Hance ng tumikhim si Jace. 

" Kailangan ko ng umalis, sigurado hinihintay na ako nila Marco "

Bago pa sya umalis binigyan pa nya ako ng makahulugang tingin. halos hindi ko sya matignan sa mga mata nya. Simula kasi ng dumating si Hance medyo iwas nako sa kanya, Okay na din para lumayo na ang loob nya sa akin. pero bilib ako kay Jace kasi kahit nasasaktan na sya nagagawa pa din nyang itago ang sakit na nararamdaman nya. 
Nagagawa pa din nya ang normal na kilos kapag kasama ako na syang diko magawa kapag kasama sya. 

" Baka naman malusaw na ako nyan Hance kakatitig mo?"
sabi ko sa kanya, kanina pa umalis si Jace at kanina pa din syang nakatitig sakin habang naka palumbaba

" Habang tumatagal, Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko miracle"

" Ang korni hance ah~ "
natatawa kong sabi, Seriously ang korni nya talaga

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon