Chapter 17

31 15 0
                                    

Hindi, Hindi pwede.
you know what I mean Clary "
Ilang segundong nabalot ng katahimikan sa loob

" I know, kaya ngayon palang itigil mo na yan. (seryoso nyang sabi ) Pero ok lang din naman sakin,basta ibalik mo sakin si jin "
natatawa nyang sabi
" mag pakahulog muna sya sa 100th floor, pag nagawa nya yun ako na mismo ang tutulak sayo para mag sama na kayong dalawa"
pagbibiro ko sa kanya

" Ang harsh mo talaga kuya, Pero nararamdaman ko na mahal pa nya ako "
lumingon ako sa kanya para makita ang expression ng mukha nya, nakatitig lang ito sa daan.

" Huwag mo akong titigan dyan ( sabi nya ng walang lingon lingon ) pero ok lang din naman na hindi na nya ako mahal ( napakagat labi sya ) Pero ok lang ba kuya na hayan mo nalang akong mahalin sya ok ba yun kuya?"

hindi ako nakasagot agad sa tanong nya, maraming bagay na hindi pwedeng mangyari, kami lang ata yung pamilya hindi pwedeng maging masaya, kahit na gustuhin ko pa na magka tuluyan si Jin at si Clary parang mismong tadhana na ata ang uma-ayaw, bawal silang magka tuluyan pareho, maraming bawal na dapat sundin, Maraming bagay na dapat isakripisyo pero kapalit iyon ng kaligayahan mo.

nakarating na kami sa bahay na hindi man lang nasagot ang simpleng request ng kapatid ko, dito muna ako matutulog sa sarili naming bahay lalo na wala akong sasakyan na gagamitin bukas, ayoko naman mag bus ulit dahil nakakahilo talaga dun.

" kakain ka pa ba?"
tanong nya sakin ng paakyat na sana ako ng hagdan

" Hindi na,busog pa ako "
sabi ko nalang

" Ganun ba "
bumakas ang kalungkutan ng kapatid ko ng marinig nya ang sinabi ko

" bakit? hindi kapa ba kumakain?"

" Hindi pa, nung sinabi mo kasing dito ka matutulog hindi muna ako kumain para makasabay sana kita "
makungkot nyang sabi, tinitigan ko lang ito bago lumapit sa kanya at niyakap sya

" aray ko kuya, bakit mo ba ako niyayakap "
naiirita nyang sabi,hindi ko ito pinansin at mas lalong niyakap ang kapatid ko

" Sorry huh~ (panimula ko) kasi ang cold ko minsan sayo,puro pang aasar yung laman ng bibig ko sa tuwing kausap kita, sorry kasi hindi ako si Ethan, hindi ako si Ethan na sweet at maalaga sayo "

sabi ko habang nakayakap pa din sa kanya Mas close nya kasi yung nakakatandang kapatid namin kesa sakin, halos kabaliktaran ng ugali ko si Ethan.

"sus,hanggang ngayon ba kahit wala nasi kuya Ethan eh nag siselos ka pa din sa kanya? alam mo naman na pareho ko kayong mahal dalawa,tsaka huwag kang mag sorry parati kapa din naman nandyan para sakin, kaya kung ako sayo samahan mo akong kumain ng dinner kung ayaw mong dalawin ka ni kuya Ethan ngayong gabi"

Pareho kaming natawa sa pag bibiro nya, sa mga pagbibiro lang namin natatago lahat ng lungkot na nararamdaman namin kaya kahit paano eh naiibsan ito.

naka akbay ako sa kanya ng pumunta kami sa kusina at kahit busog pa ako sinabayan ko na syang kumain kasi simula ng maka balik ako ng pilipinas hindi pa nakakain ng sabay.
....
CLARY'S POV

Masaya ako ng makapag bonding ulit kami ng kuya Jace ko, Ilang weeks na sya dito sa pilipinas pero hindi man lang kami nakakapag sabay kung kumain.
Nang malaman ko na dito na mag i-stay si kuya masaya talaga ako nun.

Nasanay lang kasi kami ni kuya na puro lang kami asaran, hindi kami sweet sa isa't isa, lumaki kasi si Kuya na Cold at serious at the same time mabait din naman at kapag naging sweet ay sobra talaga, Pero si kuya Ethan lumaki sya na sweet at masayahin,hindi mo mababakas sa kanya na mabigat ang problema nya dahil hangga't maari eh ayaw nyang nakikita ng iba na malungkot sya.

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon