Chapter 18

29 16 0
                                    

JEWEL'S POV

Kinabukasan halos hindi ko maka usap ng matino si Clary habang kumakain kami sa canteen, kung hindi pag tango eh pag iling lang ang tanging sagot nya sa tuwing kinakausap ko sya, kanina ko pa nga sya tinatanong kung bakit sya ganun ngayon pero ayaw naman nyang mag kwento sakin

Nakita ko si Jace mag isa na papasok sa canteen at diretsong pumunta sa pwesto namin, nagulat pa ako ng sakin sya tumabi diretso at seryoso lang syang nakatingin kay Clary samantalang si clary poker face lang habang nakatingin sa ibang direksyon

" May problema ba kayong dalawa?"
ako na ang unang nagsalita

" Wala "
tipid na sabi ni Jace,napalingonnaman si Clary tsaka muli tumingon sa ibang direksyon

" Nag aaway ba kayo?"
tanong ko ulit

" Halika na jewel baka may klase na tayo "
sabi ni clary tsaka na tumayo at nag lakad
napatayo naman ako agad
nalito tuloy ako kung mag i-stay ba ako o susundan ko ba si clary

" Sundan mo na sya "
naka ngiti ng sabi ni Jace ng humarap ako sa kanya

" Nag aaway ba kayo?"
tanong ko ulit

" Hindi, masyado lang isip bata yang kaibigan mo, sundan mo na sya baka di makapag pigil yan tumalon sa building "

" baliw ka talaga, sige na aalis nako, kausapin mo din kapatid mo,ang harsh mo talagang kuya "
pagbibiro ko, natawa naman sya

Sinundan ko na si clary, muli akong nagtanong kung ano nga bang problema nya habang naglalakad kami

" Ano ba kasing problema mo, mag share ka kaya para naman maka relate ako "
naiinis ko na ding sabi, napahinto naman sya sa pag lalakad

" Nakaka inis kasi, palagi nalang nya akong tinataboy sa buhay nya "
tsaka sya naglakad ulit at sinundan ko sya

" Sino? sinong tumataboy sayo palayo?",
nagtataka kong tanong

" Si Jin, yung taong mahal ko na pilit akong tinataboy sa buhay nya "
malungkot nyang sabi, medyo nabigla naman ako sa pangalan na narinig ko,alam kong maraming Jin sa mundo pero hindi ko maiwasan na isipin yung Jin na binanggit nya ay yung jin na kakilala ko
...
Hangang matapos ang klase namin hindi na ako mapakali kakaisip sa sinabi ni clary sakin, parang malakas talaga ang kutob ko nasi Jin na kakilala ko ay yung Jin na kaibigan nya at ni Jace.

napabuntong hininga nalang ako ng halos sumakit na ang ulo ko kakaisip kay Jin, bumalik lahat ng masasamang ala-ala sakin ng mga oras na iyon,Kahit sila mommy nagtataka na din dahil ilang araw na akong matamlay

bawat araw kasi na nakakasama ko silang magkapatid parang nabibigyan ako ng hint na sya nga si Jin na kakilala ko, wala akong binanggit na kung ano sa kanila hindi ako nag tanong dahil takot akong malaman ang totoo.

Ayokong isipin na may koneksyon si hance kay Jace at Clary,iba ang apelido na sinabi ni hance sakin sa apelido nila Jace, kaya doon nalang ako nagkakaroon ng pag-asa na hindi nga si Jin iyon at nagkataon lang na magka pangalan sila.

Pero dumating yung araw na hindi ko inaasahan, Papunta ako sa parking lot nun dahil susunduin ako ng daddy ko nung araw na iyon. Habang naghihintay ako hindi ako makapaniwala na nakita ko sya, pareho pa kaming nagulat ng muli kaming nagkita sa mahabang panahon, Sobrang lakas ng tibok ng puso ko ng mga oras na iyon

" J-jin ( nanginginig kong sabi ) "

" Nagkita tayong muli...Miracle "
seryoso nyang sabi sakin, halos nangilid ang mga luha ko ng tawagin nya akonsa pangalan kong Miracle, Bumalik lahat ng sakit sa puso ng mga sandaling iyon

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon