Chapter 19

31 16 0
                                    


Nakatulala lang ako habang nag bi-biyahe pauwi ng bahay, hindi ako makapaniwala na may darating na panibagong tao sa buhay ko para ipa alala lahat ng masamang karanasan ko dati.
akala ko nung makalayo na ako sa lugar na iyon ay makakalimutan ko ng lahat.

Pero heto na naman ako, kinakaharap muli ang sakit ng nangyari sakin dati. hindi ko na maipinta ang sakit na nararamdaman ko ngayon, mas lalo ko tuloy hinahanap ang ngiti at yakap ni Hance sakin nung nabubuhay pa sya.
Mas higit ko syang kailangan ngayon para sabihin nya na kaya ko'to, kaya kong labanan ang lahat ng sakit sa buhay ko

Pagka-uwi ko hindi ko inaasahan yung taong nag hihintay sakin sa labas ng bahay namin, nakita ko si Jin na nakasandal sa kotse nya,pagka kita nya sakin agad syang umayos sa pag kakatayo nya, unti-unti akong lumapit sa kanya

" A-anong ginagawa mo dito?"
tanong ko sa kanya na may halong pangangamba

" Dinadalaw ka ( nakangiti nyang sabi pero agad din nyang binawi ito) dinadalaw yung babaeng pinaka mamahal ng kaibigan ko "
hindi ko alam kung anong ibig nyang sabihin dun

" Anong ginagawa mo dito?"
ulit kong tanong sa kanya

" May kailangan kaming itanong sa iyo "
Sabi nya sakin, May narinig ako lumabas sa loob ng kotse sa kabilang pinto.
bumilis ang tibok ng puso ko ng makita si Jace, nakapag palit ba ito ng uniform at nakasuot na ng pure black na kagaya din ni Jin

" B-bakit k-kayo nandito?"

" May kailangan kaming itanong sa iyo "
si Jace na yung nagsalita

" Ano bang kailangan nyo sakin, kung sa pag sisisi lang kay hance sa pagkamatay nya ang tanging sasabihin nyo,please tama na. Sa tingin ko habang buhay ko na itong pag sisisihan yun kaya----- "
muling nangilid ang mga luha ko

" may kailangan kami sa'yo "
seryosong sabi ni Jace

" A-ano yun,anong kailangan nyo sakin?"
nalilito kong tanong sa kanila

" Yung Memory Card at password, alam kong sa'yo binigay lahat ni Ethan ang mga iyon "
mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya, wala akong alam sa mga sinasabi nya.

" Anong memory card? anong password?
hindi ko alam yan at mas lalong walang binibigay si hance sakin sa mga sinasabi nyo"
nakita kong napangisi si Jace sa sinabi ko

" Sobra sobra ba ang pag po-protekta nya sa iyo kaya pati ikaw tinuruan kana din nyang mag lihim? (mataas na ang boses nya) kailangan namin ang mga iyon para maging ebidensya laban kay lucas "

" Lucas? ano bang pinag sasabi nyo,wala akong kinalaman dyan o sa lucas na 'yon "
pailing iling kong sabi

" Meron jewel, simula ng pumasok sa mundo mo si Ethan may kinalaman kana dito, hindi aksidente ang pagkikita natin dalawa, Bumalik ako dito sa pilipinas para hanapin yung babaeng pino-protektahan ni Ethan at sa hindi ko inaasahan napadali ang pagkikita natin dalawa. Alam kong ikaw lang ang makakatulong samin kaya nasan na ang Memory Card at password "

" kahit paulit ulit nyo pa akong tanungin paulit ulit ko din kayong sasagutin ng parehong sagot, Hindi ko alam ang pinag sasasabi nyo, Ano ba talaga kayo?"

Nakita kong nagtinginan silang dalawa, pareho silang hindi nakasagot sa tanong ko.

" kung hindi nyo sasabihin sakin paano kung maiintindihan ang lahat, tulad ng sabi mo may kinalaman ako sa mga nangyayari ngayon, M-may K-kinalaman ako sa pagkamatay ni hance"
muli kong sabi sa kanila

" Siguro ito na yung tamang panahon para malaman mo kung sino talaga si Ethan "
seryosong sabi ni Jace

" Are you Insane ( sabi ni jin na ikinagulat nya ang sinabi ni Jace) Mahigpit natin pinag babawal na walang kahit anong impormasyon ang lalabas sa Persin group "

Reality ShitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon