Chapter 15: Confession

544 4 0
                                    


Jazz's POV

'Jazz.. dito ka na lang dumiretso sa cafeteria ng kambal. Wala kasi yung teacher natin :)'

Yan ang sabi sakin sa text ni Zee. Nagmadali pa naman ako kasi akala ko late na ako. Anong oras na kasi akong nagising. Hindi pati ako nasundo ni Kai. Mukhang may emergency kasi sa kanila.

Tinulak ko pabukas yung pinto at nakita ko silang nakapabilog at masayang nagkekwentuhan sa isang mesa.

Unang nakapansin sakin si Yeti.

"Oy, Jazzie! Good morning!" Ang ganda ng ngiti niya. Kumaway pa siya sakin.

Kumaway naman ako pabalik.

"Hi, guys! Good morning! What's happening?" Ngiting-ngiti ako.

Umupo ako sa tabi ng nakasimangot na si Kaiser. Lumayo siya ng bahagya sakin nang makaupo na ako. Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung anong meron at umagang-umaga ay tinotopak ang isang toh.

Tatanungin ko na sana si Kai pero biglang humirit ang isa sa kambal.

"Good mood ka ngayon Jazz ah. Anong nangyari?"

"W-what? Nothing. Why?"

"Wala lang. Balita ko kasi nag-date kayong dalawa ni Zell kahapon."

Automatic na namula yung buong mukha ko. May binulong naman si Kaiser. Na mukhang narinig ng kambal dahil tawang-tawa sila pagkatapos.

"That was not a date. We just.. ahm---" I don't know what to say. Hindi naman kasi kami nag-date talaga. Na.. masyal lang kami?

'Na kayong dalawa lang ang magkasama? Hindi nga date yun.'

I was thinking of the right words to say when my gaze landed on Zia. Ang lungkot-lungkot ng mga mata niya.

I was about to ask her if she's okay pero biglang naagaw yung pansin ko nang magsimula akong asarin ng kambal.

"It's okay, Jazz. You don't have to deny it."

"B-but we didn't really have a date yesterday!" Giit ko pa. Na nagpalaki ng ngisi ng kambal.

Patay. Mukhang ako ang mapag-ti-tripan ngayon ah. Kinagat ko kasi yung pain nila.

"Engaged naman kayong dalawa kaya normal lang yun."

"Maiintindihan naman namin kayo. Pero sana sa susunod mag-selfie kayo ha? Bigyan niyo kami ng copy. Lalagay namin sa scrapbook."

Napahaba yung nguso ko. Kahit kailan talaga walang makakatalo sa kambal pagdating sa asaran.

"Tigilan niyo nga si Jazz. Sinabi na niyang hindi diba?"

Nagulat ako sa pagsasalita ni Yeti. Napatingin ako sa kanya at sobrang seryoso ng mukha niya.

"Nag-jo-joke lang kami. Wag kang KJ diyan."

Na lalong nagpasama ng aura ni Yeti.

"I know what the both of you are up to. So I'm telling you, stop it already. Before I do something that you won't like."

"Oh yeah? What you'll gonna do? I'm afraid." Jigger was annoying Yeti more.

"That's it. Stop, okay?" Pananaway ni Zia.

Biglang natahimik ang lahat. Wala naman akong naiintindihan sa nangyayari.

Nakakabingi na yung katahimikan. The tension in the room can be sliced with a knife.

Pinagpapalipat-lipat ko sa kanila yung paningin ko nang biglang mapadako yung mata ko sa isang bagay na nasa gilid ni Kai.

"Kaiser, is that yours?" Di ko napigilang magtanong.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon