Jazz's POV3 years later..
Being married is never easy. It will take a lot of patience, effort, understanding, trust, and love to make your marriage work. You have to stay true to what you have promised to each other in front of God.
At simula nang magsama kami ni Zell, napatunayan kong hindi nga talaga madali ang bumuo ng pamilya. We've encountered misunderstandings and had small fights. Pero nalampasan namin 'yon. Communication with your partner and the love that you had for each other can overcome it all.
Akala ko noon, kilalang-kilala ko na si Zell. But I proved myself wrong. Dahil sa bawat araw na magkasama kami, may nalalaman akong bago sa kanya. Kagaya na lang ng natutulog siya sa kanang bahagi ng kama. Hindi siya nakakatulog hanggat hindi siya nakakainom ng kape (Yeah. Weird, right?). He slept with only his boxers on, changes his toothbrush EVERY week (Unhygienic daw kasi kapag nagtatagal pa sa isang linggo. Ugh!) At he cannot sleep without his blanket on.
"Hey, babe. A penny for your thoughts?" Nakangiting mukha ni Zell ang bumungad sakin. He kissed me on my lips.
Awtomatikong napangiti din ako. "Babe. Tapos na kayo?"
As soon as I said that, I heard a loud shriek from our son. "Ma-maaa!"
Kent Zion was running towards us and I met him with my warmest embrace. He was giggling cutely.
"Awww.. How's my baby? Did you enjoyed playing with Papa?"
He nodded gleefully. Pinanggigilan ko naman ang mga pisngi nito. Ang cute-cute lang ng anak namin.
I gave birth to him almost two years ago. And when I said I want to name him after Zion, agad na pumayag si Zell. Our son is our treasure. At maging sa mga tao sa paligid niya, palagi siyang ini-spoil.
"Let's go home. Naghihintay na sa bahay sila ni Dad." Zell helped me to stand. Binuhat niya na din ang anak namin. And I would give everything to see this scene everyday of my life.
Magkahawak-kamay kaming naglakad papuntang kotse ni Zell habang nilalaro ko ang anak namin. I couldn't ask for more. I'm already ecstatic just having my son and husband with me.
***
"Apo! Punta ka kay Lola Ganda, dali!" Natatawang tawag ni Mommy George sa apo niya pagkapasok namin sa bahay namin. It became a ritual na dito sila samin every Sunday.
Mommy George..
Natatawa ako kada maaalala ko ang sindak sa mukha niya nang tawagin ko siyang Tita kahit na kasal na kami ni Zell. Nanlalaki ang mga mata niya habang sinasabihan akong Mommy at Daddy na daw ang itawag ko sa kanila.
Pagbaling ko sa kanila ay natawa na lang ako. Pinanggigilan na naman nila ang anak ko. This always happen kapag nandito sila samin. Even my parents are fond of my son. Nakisali sila sa panggigigil sa anak ko.
Muntik na akong mapatalon nang maramdaman kong may mga brasong pumaikot sa baywang ko. He then kissed me on my nape. Just his scent, I knew it was him already.
"Z-Zell, let go! Nandito sila ni Mommy. Nakakahiya." Mahinang bulong ko sa kanya. Three years of being married to him, hindi pa din ako nasasanay kapag nagiging intimate na siya sakin.
"Babe, mag-asawa na tayo. Nahihiya ka pa rin?" Natatawang bumitaw siya sakin at pumunta sa harapan ko. He then kissed me on my lips. Torridly.
Nanlaki naman ang mga mata ko. At bago pa ako makapag protesta ay lumayo na siya sakin habang natatawa. He looked back and winked at me.
Napailing na lang ako habang may munting ngiti sa mga labi. Seeing him smile and laugh makes my heart flutter. Hanggang ngayon, tanging siya lang ang may kakayahang magpatibok ng mabilis sa puso ko.

BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
Roman pour AdolescentsThis is a story that is full of pain and sorrows. She is not the heroine that you all know. Coz for her, she is the one whom is the evil girl that just came into the picture and ruined an almost perfect love story. Will she be able to fight for her...