Chapter 19: Finals

322 11 0
                                    

Jazz's POV

Days have passed too fast. Last day na ng Intramurals namin at ngayong araw gaganapin ang lahat ng Finals.

Nandito kami ngayon sa school gymnasium. Katabi ko si Nova at sila ni Yeti. Panay na ang tilian nila habang naghihintay kami sa mga players namin sa basketball. Fortunately, hindi lang puro yabang si Kai nung sinabi niyang aabot sila sa Finals. Mukhang determinado talaga sila na sungkitin yung Gold.

Hindi nagtagal ay nagsimula nang magsipasukan yung mga manlalaro ng kabilang team. As expected, Junior High yung kalaban naming team. Marami kasi sa kanila ang sobrang tataas at malalaki pa ang katawan. Pero alam ko naman na hindi magpapatalo yung team namin.

Napuno ng malalakas na hiyawan ang buong gym nang pumasok na yung team namin na pinapangunahan ni Kai at Zell. I don't know what Zell's doing there. Maybe he's showing his support to our team.

Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya ng matagal. At habang nakatingin ako sa kanya ay naaalala ko yung nangyari nung kinausap ko si Nova pagkatapos ng dinner namin..

----

"Ano?! At pumayag ka naman?" Inis na inis yung mukha ni Nova habang nakatitig sakin mula sa screen.

Kakasabi ko lang kasi sa kanya yung tungkol sa napag-usapan namin kanina. At halatang hindi niya nagustuhan yung narinig niya.

"Novs, I can't say no. Kung nakita mo lang yung mukha ng parents ko. It was as if I wouldn't agree, they won't let me visit my grandma. You know I miss her so much.."

Tinaasan niya ako ng isang kilay. Sa mga panahong ganito ay alam kong seryoso si Nova. At minsan lang siyang magseryoso sa buong buhay niya. Kapag meron lang kinalaman sakin.

"Sigurado kang yun lang ang dahilan mo? Baka naman kasi gusto mo rin na makasama siya?" There was accusation on her voice.

Natahimik naman ako. I couldn't deny the fact that there's a part of me that wants to be with him.

Napahugot na lang siya ng malalim na hininga dahil sa reaksyon ko. She knew me too well.

"Tsk. Kailan ang alis natin?"

My face lightened up because of what she said.

"You'll go with us?"

Nakasimangot naman siya.

"Malamang. Alangan namang hayaan kita na siya lang ang kasama. Sasaktan ka lang nun.."

"Novs.." Sobrang hina ng boses ko.

I know she doesn't like Zell for me. Wala naman siyang dapat na ipag-alala. Zell and I wouldn't end up together anyway.

"Yeah, yeah.. Oo na. Kung pwede lang sana nating isama si Kai."

"Nova Suarez!" Nanlalaki ang mata ko. She's really fond of Kaiser.

Humagalpak naman siya ng tawa. Napailing na lang ako.

-------

Naputol yung iniisip ko nang may naramdaman akong sumiko sa tagiliran ko.

Tiningnan ko si Nova at inginuso niya yung direksiyon nila ni Kai. I saw him waved at me. I smiled back and waved at him too.

Pero napawi yung ngiti ko nang makita ang ekspresyon ni Zell. He has a grim expression.

Minsan ay hindi ko maintindihan ang kinikilos ni Zell. Pagkatapos nung dinner ay para bang binabantayan niya kami lagi ni Kai. Kapag magkadikit kami ni Kai ay papagitna siya samin at hahalukipkip. Katulad ng ginagawa niya ngayon.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon