Chapter 36: Seven years

573 4 0
                                    


Jazz's POV

"Jazz, you can just stay here. You need to finish your studies first. Pwede ka namang sumunod na lang doon sa amin ng Mommy mo."

Napailing-iling na ako habang nagsasalita pa si Daddy. No.. My Lola needs us. Kailangan kong sumama sa kanila. Dapat akong sumama sa kanila.

That day, second attack na pala 'yon ni Lola. She was rushed to the hospital in Bacolod pero agad ding tri-nansfer dito sa Manila dahil mas updated ang facilities dito. And now, the doctor said na mas makabubuting dalhin sa US si Lola. That is because if she got an attack again for the third time, there is a possibility that she won't make it. And we couldn't risk that. Kaya nagdesisyon ang mga magulang kong sundin ang payo ng doktor.

"Dad, no. I will go with you. Lola needs us. Baka ano'ng mangyari sa kanya at wala ako doon," Umiling ulit ako habang nag-uunahang pumatak ang mga luha ko. "I don't even want to think about it."

Marahan akong kinabig ni Mommy at niyakap. Hinaplos niya ang buhok ko. "Sssh.. Stop crying, Jazz. But are you sure about this, though?"

I nodded, still on her chest.

"What about your friends here? And also.. Renzell," She trailed off and I stilled at the mention of his name. "You're leaving him again?"

Pumikit ako ng mariin. Umalis ako sa pagkakasubsob ko kay Mommy.

"My friends will understand, Mom. And about him.." Hindi ko madugtungan ang sinasabi ko. Hindi ko din kasi alam kung paano ako magpapaalam sa kanya.

"Don't tell me you're going to leave again without telling him?" My mother looked at me suspiciously.

"No!" Agaran ang pagtanggi ko. Hindi ko na ulit gagawin 'yon! "I will talk to him about this, Mommy. Magpapaalam ako sa kanya."

My mother sighed in relief. She gave me a small smile. "Mabuti naman kung gano'n."

When Monday came, agad na pri-no-cess ang mga papeles namin. We didn't waste any time. Sa Sabado na ang alis namin.

"Jazzie, ano itong nabalitaan ko? Aalis ka ng bansa?!" Napalakas ang boses ni Nova kaya hindi kataka-takang narinig ng ibang kaibigan namin at maging ng mga classmates namin ang sinabi niya.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Nova-"

She cut me off at naglakad papunta sa upuan ko. "Tita Lianna and Tito Leandro are here. Ang sabi nila sakin, they are processing your papers for your transfer in States. Totoo ba 'yon?"

Kinakabahang inilibot ko ang paningin ko. Our friends are looking at me like they are also waiting for my answer. Kaagad na kumalabog ang puso ko nang magtama ang mga paningin namin ni Zell. His eyes are cold.

Iniiwas ko ang tingin sa kanya at ibinaling sa mga kaibigan kong ngayon ay nakalapit na sa pwesto ko.

I gulped nervously. Then I nodded. "Yes."

Kita ang gulat sa kanilang mga mukha.

"Pero bakit?" Naguguluhang tanong ni Yeti.

Sasagot na sana ako pero biglang pumasok ang teacher namin. "I will tell you later." Maliit akong ngumiti.

Kanya-kanya silang bumalik sa kani-kanilang upuan. Napabaling ako sa katabi ko nang maramdaman ang pagsiko niya. "Is this about them? Are they the reason why you are leaving?"

Mahina akong napatawa sa tanong ni Kai. I immediately knew what he meant by his questions. Really, Kaiser?

I grinned at him. "Of course not, Kai. I'll tell all of you later."

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon