Jazz's POV
Pagkatapos ko silang maipakilalang lahat, dumiretso kami agad sa dining room. Alas dos na din kasi at hindi pa kami nakakakain. Pero parang may piyesta lang sa dami ng handa ng Lola ko.
Di ko mapigilang maalala yung nangyari kanina. Nang bago ko pa sila maipakilalang lahat.
"Ikaw ba si Renzell? Yung fiance netong apo ko? Aba eh pagka gwapo mo nga naman talaga.." Kulang na lang ay hilingin kong lamunin ng lupa.
Pano ba naman kasi, si Kaiser yung tinanong niya.
Tumawa lang ang magaling na si Kai.
"Hindi po ako si Zell. Pero sinisiguro ko sa inyong mas gwapo ako kaysa sa kanya. Salamat po sa papuri. Pero ako po si Kai." Nagmano si Kai kay Lola.
Kapag naaalala ko yun ay parang gusto kong mapa-face palm.
"Hoy, Jazzie! Okay ka lang?" Nakangising tanong sakin ng katabi kong si Nova. Ang sarap lang batukan. Halata kasing nang-iinis lang.
Nakaupo siya sa kaliwang bahagi ko. Sa kanan naman ay si Zia. Kaharap ko naman si Zell.
"Shut up, Novs. Don't ruin my mood."
Palihim ko siyang inirapan. Napangiti ako ng medyo alanganin nang makita kong nakatingin samin ang Lola ko. Mahirap na, baka mapagalitan pa ako.
Naaalala ko noon, tuwing may nagagawa akong mali, hindi niya ako papaluin pero mas matindi naman ang parusa niya. Isang beses na may nakaaway ako nung bata pa ako, walang ginawa ang parents ko sakin. But my grandma grounded me for a week. Walang toys, walang gadget. She made me feel how it's like to be alone. And I swear after that time, hindi ko na ulit ipapakita sa kanya kapag umiral ang pagkamaldita ko.
"Jazz, apo, pakiabot naman ng kanin." My Lola was sitting at the center.
I immediately gave her the rice.
"Salamat, apo." I smiled at her. She smiled back.
Then she turned to Zell.
"Kain ka pa, hijo. Kumakain ka ba netong ginataan?"
Alanganing tumango si Zell. Binigyan naman siya ng Lola ko.
"Salamat po, La." Ngumiti ng matipid si Zell. Pagkatapos ay tiningnan niya ako na parang humihingi ng tulong.
Kanina pa kasi siya hindi tinatantanan ng Lola ko.
"Eh netong menudo? Gusto mo ba nito?" Nang akmang ilalagay niya yun sa plato ni Zell ay pinigilan ko na siya.
"La, madami pa pong pagkain sa Zell. Baka po hindi niya maubos lahat ng yan. Mamaya na lang po."
"Ganun ba, apo?" Tiningnan niya ako na parang wala siyang alam sa pinagdaraanan ni Renzell.
Tumango naman ako.
I sighed in relief nang tinigilan niya na si Zell at inasikaso yung iba ko pang mga kaibigan. May pagkamakulit din talaga minsan ang Lola ko.
I looked at Zell and he mouthed 'Thank you' to me. I just smiled at him.
During our entire lunch, my Lola has a lot of stories about me. Simula noong baby pa ako hanggang sa magdalaga na ako. Lahat na ata nang pinanggagawa ko ay naikwento niya na.
"Malokong bata itong si Jazz. Sobrang tigas ng ulo. At sa lahat ng kalokohang kinasangkutan niya, kasabwat niya parati ang bestfriend niya. Hindi namin alam kung paano paghihiwalayin ang dalawang yun." Natatawa pang kwento ng Lola ko.
Pero hindi ko napigilang makaramdam ng lungkot. I suddenly missed my bestfriend. My partner-in-crime. My knight-in-shining armour.
"Bad influence po talaga yata yang si Nova kahit nung bata pa." Pang-aasar ni Jigger.
BINABASA MO ANG
My Unrequited Love
أدب المراهقينThis is a story that is full of pain and sorrows. She is not the heroine that you all know. Coz for her, she is the one whom is the evil girl that just came into the picture and ruined an almost perfect love story. Will she be able to fight for her...