Chapter 17: Game

317 6 0
                                    

Jazz's POV

"Jazzie! Gising na! Mali-late na tayo oh!"

Mayroong yumuyugyog sa akin. Ayaw ko pang gumising. Inaantok pa 'ko. Pero mukhag pursigido talaga itong babaeng toh. Hindi niya ako tinigilan.

"Aish, Nova! It's too early!" Nakasubsob pa rin ako sa unan ko. Pikit na pikit pa ang mga mata ko.

Hinila ko yung comforter at itinaklob sa ulo ko. Pilit niya naman itong kinukuha at dinaganan pa 'ko.

"Anong early? 8:30 na oh!"

Kumunot yung noo ko. Ibinaba ko yung comforter at tiningnan siya.

"Novs, we don't have classes today. It's Intramurals."

Yep! It's been a week since Nova surprised me with her sudden appearance. At sa loob ng isang linggong yun ay wala siyang araw na pinalampas sa pambubulabog sakin.

Naipakilala ko na din siya sa mga kaibigan ko dito at nagulat ako nang nginisihan niya si Jigger. Ang sabi niya sakin ay nagkaroon na daw sila ng bonding moment. Mukhang nakatikim na ng bagsik niya si Jigger. Malala talaga ang saltik niya kahit kailan.

"Kaya nga! Magliliwaliw tayo ngayon. Papanoorin natin yung game ni Jigger diba? Kaya bumangon ka na diyan!"

Isa pa yan sa pinagtataka ko. Gustong gusto niyang buntutan si Jigger. Nakakapagduda lang talaga.

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Seriously, what's with you and Jigger?"

Ngumisi siya sa tanong ko.

"Ang sarap niyang asarin eh." Humalakhak pa siya.

Napailing na lang ako.

Nang una ko silang nakita ni Jigger na nag-aasaran ay nagulat talaga ako. Tiklop sa kanya si Jigger eh. Kaya naman manghang-mangha ako. Isa si Jigger sa pinakamagaling mang-alaska kaya nabigla ako nang nababara niya ito. Dahil dun ay madali siyang nakagaanan ng loob ng mga kaibigan ko. Na siyang  isa sa pinagpapasalamat ko talaga.

At madali lang din sa kanya ang sinuhin si Jigger at Trigger. Nung tinanong ko nga siya ay ganito lang yung sinagot niya sakin:

'Dapat kasi marunong kang mag-observe, Jazzie..'

Sinabayan niya pa yun ng ngisi.

Tuluyan na akong napatayo nang hinatak niya yung kamay ko at tinulak-tulak ako patungo sa banyo.

"Yeah.. yeah! You don't have to push me! You're just excited to see YOUR Jigger." Natatawa kong sabi.

Bago ko maisarado yung pintuan ng banyo ko ay narinig ko pa siyang sumigaw.

"Anong your Jigger ka diyan! Bilisan mo na nga lang!"

Nai-imagine ko na pulang pula yung mukha niya kaya napabunghalit na lang ako ng tawa.

Sinadya ko talagang bagalan ang paliligo ko para asarin siya. Sigurado ako na pikon na pikon na siya sakin. Pero paglabas ko para magbihis ay ni hindi ko siya mahagilap. Nagtaka naman  ako kung nasaan siya.

Ipinagkibit ko na lang iyon ng balikat. Sigurado namang nasa baba na yun at nakikipagdaldalan kay Mommy o di kaya ay kay Nanay Lucing.

Pumunta na ako sa walk-in closet ko at nagbihis. Simpleng jeans lang yung suot ko at gray na t-shirt sa taas. Nagsuot ako ng flats. Nilugay ko lang yung buhok ko. Konting pabango at powder sa mukha ay okay na ako.

Hinagilap ko na yung bag ko at siniguradong nandoon na lahat ng kailangan ko.

Hinanap ko yung cellphone at chi-neck kung mayroon bang nag text. Ang kadalasan lang namang nagte-text sakin ay si Kaiser, Yeti at Zia.

My Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon