"Tita pupunta po ako dyan bukas."
Kausap ko ang Tita Edna ko sa phone, pupunta kasi ako sa kanila. Sasama ako sa kanya sa Tagaytay, may papasyalan lang doon.
"Sige Emily, basta itext mo nalang ako para masundo kita. Ingat ka."
"Sige po Tita. Salamat po. Bye."
Inend call ko na. nag ayos narin ako ng mga damit ko para bukas. Inayos ko narin yung mga kailangan kong dalhin. Isang araw lang naman kami doon kaya di na ako masyadong natagalan sa pag-aayos ng dadalhin ko.
Time Check: 8:30pm
Matutulog na nga ako. Maaga pa akong gigising bukas. Nag shower muna ako bago matulog.
*Saturday 3:00am*
Nasa byahe na ako. Aga no? 3:00am, syempre kasi sa Laguna ako pupunta, taga Taguig kasi ako.
Ilang hours din yung byahe. Baka maiwan pa kami ni Tita mamaya eh. Este ako lang. Kasi yung alis namin papuntang tagaytay 7:00am. Kasi may bus yun, service nila. Dapat nandoon na yung mga sasama sa tagaytay on time. Kala nyo kami lang ni Tita ang pupuntang Tagaytay no? Hindi marami kami.
Kasi yung mga kasama doon, yung nagwowork sa company na pinagtatrabahuhan ng Tita ko. Pwede namang magsama ng kahit sino yung mga pupuntang Tagaytay kaya napasama ako. Feeling ko, extra lang ako doon. Pero okay lang ininvite naman ako ni Tita.
Ala-sais na ng umaga ng nakarating ako sa Laguna. Tinext ko na si Tita para masundo na niya ako. 'Di ko kasi alam papunta sa bahay niya. Lalakarin pa kasi yun. Takot ko nalang na maligaw, kaya nagpasundo ako.
"Emily, kamusta ka na? na miss kita. Tara na?"
Dumating na si Tita. Niyakap niya pa ako, na-miss ko siya.
"Ok lang naman po. Na miss ko rin po kayo."
Naglakad na kami ni Tita papunta sa house niya. Onting lakad lang naman yun. 'Di naman masyadong malayo kaya 'di na kailangang mag tricycle. Marami lang talagang pasikot-sikot. Ilang beses pa lang kasi akong nakakapunta sa kanila. Kaya di ko masyadong kabisado. Kaya sinundo niya ako.
Nagkwentuhan narin kami habang naglalakad.
*****
Nandito na kami sa bahay ni Tita. Nag asikaso na rin kami dahil 7:00am yung time na magkikita-kita sila. Inayos na namin ni Tita yung mga dadalhin at nag retouch narin.
Natapos din kami.
"Tara na."
Anyaya ni Tita. Agad naman ako tumango at sumunod sa kanya.
Umalis na kami, meeting place nila dun sa pinagkitaan namin kanina. Nakarating na kami, sakto pa 7:00, on time kami. Dami nila doon. Tatlong bus din yung sasakyan. Sumakay na kami. Halos mapuno na yung upuan dahil malapit nang makumpleto yung mga sasama, buti may space pa. Tabi kami ni Tita.
After 10 minutes, kumpleto na rin lahat ng sasama. Umandar na yung bus namin.
Natulog lang ako sa byahe.
* * * * *
"Emily, gising na. Dito na tayo."
Naramdaman ko ang pag-alog sa akin ni Tita. Napahikab pa ako sa antok.
Tumayo na ako. Bumaba na kami ni Tita sa bus.
"Wow, ang ganda naman dito."
Mangha kong sambit. Napakaganda ng lugar. At kung tatanawin mo ang magandang view, nakaka relax. Tanaw na tanaw mula rito ang Taal Volcano.
BINABASA MO ANG
The Bus Love Story
Teen FictionLove comes when you least expect it. What if, you loved a person whose stranger? You just met him once… And you thought it was just an attraction. But when the second time you saw him, the strange feeling for him is still there. He’s a stranger… You...
