*Sunday 11:30am*
Super late ang gising ko. Hindi kasi ako nakatulog kanina. Ewan ko nga kung inabot ba ng isang oras yung tulog ko. Parang hindi eh.
Agad akong bumangon sa kama. Wala na si Tita sa kwarto. Siguro nasa labas na yun. Nagmadali akong kumilos dahil mamaya ay uuwi na rin kami. Maggagala pa ako. Kailangan kong sulitin ang natitira kong oras dito sa Tagaytay.
Natapos na akong mag-asikaso sa sarili ko.
Naglakad na ako palabas.
****
Natanaw ko sina Tita Edna at Tita Julie na nagpipicturan. Lumapit ako sa kanila.
“Hi Tita, Hi Tita Julie.”
Masiglang bati ko sa kanilang dalawa.
“Hello Emily.”
Nakangiting bati ni Tita Julie sa akin. Ang bait niya talaga. Napaka-friendly niya.
“Napasarap ‘ata ang tulog mo. Tinanghali ka na ng gising.”
“Hehe, opo.”
Sagot ko kay Tita. Nag-opo nalang ako kahit hindi naman talaga ‘napasarap’ yung tulog ko. Kung alam niya lang na halos wala akong tulog.
“Tara picture tayo!”
Hinila ako ni Tita Julie at iniabot niya ang camera niya kay Tita.
“Picturan mo kami.”
“Akala ko tayong tatlo. Kayo lang pala.”
Pagbibiro ni Tita.
“Kami muna ni Emily. Mamaya tayong tatlo na.”
Sagot ni Tita Julie kay Tita
“Sige.”
Itinapat na niya sa amin yung camera.
“Oh ayan na. Tayong tatlo naman.”
“Teka, paano tayo makakapagpicture? Walang maghahawak?”
Tanong ni Tita Julie.
Oo nga naman. Hindi kami makakapagpicture na kaming tatlo. Unless, kung may hahawak na ibang tao para makunan kami. Hindi kasi android yung gamit niya. Saka wala pa silang dalang monopod.
“Mom!”
Isang pamilyar na boses ang narinig namin. Lumingon si Tita Julie. Siguro siya yung tinatawag nung pamilyar na boses.
BINABASA MO ANG
The Bus Love Story
Roman pour AdolescentsLove comes when you least expect it. What if, you loved a person whose stranger? You just met him once… And you thought it was just an attraction. But when the second time you saw him, the strange feeling for him is still there. He’s a stranger… You...