Chapter 9 - "Bracelet"

146 9 1
                                    

Mahaba pa ang byahe. Malayo pa kami sa bababaan namin. Pero hindi ako makatulog. Nakatingin lang ako sa kanya at kung anu-anong mga bagay ang pumapasok sa isipan ko.

Last na ba namin ‘tong pagkikita?

Masaya ako na nakilala ko siya at nakasama sa Skyranch. Siguro dapat makuntento na ako ‘dun. Nung una pa naman ay imposibleng na makilala ko siya. Siya na nakatabi ko lang sa Bus, na walang kasiguraduhang makikita ko pang muli at makikilala, pero nangyari. Siguro’y dapat na maging masaya ako na kahit papano’y nakilala ko siya.

Hindi dapat ako umasa o mag-expect ng anuman.

Pero bakit ang sakit? Totoo, masaya ako sa mga nangyari ngayong araw na ito. Pero hindi maalis sa akin ang lungkot at sakit.

Kasi, walang kasiguraduhan kung magkikita pa kami uli.

 

Lalo na’t iba na itong nararamdaman ko para kay Tyler. Dapat ko itong pigilan, pero I guess, hindi ko na mapipigilan pa dahil tuluyan na akong nahulog sa kanya.

Nakatingin lang ako sa gwapo niyang mukha. Kahit sino yatang babae ay mabibighani sa kanya.

Hay, mamimiss ko siya.

Halos mapatalon ako mula sa aking kinauupuan ng biglang dumilat ang napakaganda niyang mata at dumapo ito sa akin. Nagising siya. Agad akong tumingin sa bintana, baka kasi mahalata niya ang matagal kong pagtitig sa kanya. Tiningnan ko kung nasaan na kami. Malayo pa kami.

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya. Nabigla ako dahil tuluyan na siyang nagising. Akala ko kasi ay ipapagpatuloy niya ang kanyang pagtulog. Luminga ako sa paligid ng bus at nakita kong tulog lahat ng kasama namin dito sa loob. Kaming dalawa na lang ang gising.

“Matulog ka uli. Malayo pa tayo.”

Suhestiyon ko sa kanya. ‘Di ko alam kung dahil ba concerned ako sa kanya o dahil ba gusto ko lang pagmasdan pa ng matagal ang mukha niya.

Tumitig lang siya sa akin at ngumiti. Ayan na naman siya eh. Nagsimula nanamang magwala ang sistema ko.

Kinuha niya ang bag niya at may kinuha siya mula roon. Isang bracelet. Napakaganda nito, pero ang nakakapagtaka lang, pambabae ito.

Nakangiti siya. Mukhang tuwang-tuwa siya sa bracelet niya. Ipinakita niya sa akin ang bracelet niya. Ang ganda talaga. Isusuot niya ba yan?

“Emily, maganda ba?”

Masaya niyang tanong sa akin. Tumango naman ako at ngumiti bilang pag sang-ayon sa kanya.

“Ang ganda, pambabae nga lang. Bakla ka ba?”

Hindi ko napigilang tanong sa kanya. Mukhang na-offend ‘ata siya dahil biglang napawi yung ngiti niya.

The Bus Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon