Chapter 4 - "Meeting Him"

231 12 1
                                    

"Emily, tara na... Papakilala na kita sa mga Concepcion."

Hinila ako ni Tita papunta sa kanila.

"Sige po."

Wala na akong nagawa kundi magpahila sa kanya. Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko dahil papalapit na kami kila Mr. and Mrs. Concepcion pati kay Tyler. Nakatingin sila sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng kaba.

"Hi Edna." 

Binati ni Mrs. Concepcion si Tita.

"Hello Julie." 

Lumapit si Tita kay Mrs. Concepcion. Niyakap niya ito at nagbeso pa sila.  Halatang halata na close nga talaga si Tita Edna kay Mrs. Julie Concepcion.

"Hi Martin" 

Binati naman ni Tita yung asawa ni Mrs. Concepcion. Ngumiti at tumango sa'min si Mr. Concepcion.

Ang ganda ni Mrs. Julie Concepcion, ang elegant ng ayos niya nakasuot siya ng black dress. Si Mr. Martin Concepcion, ang gwapo naka coat and tie pa. Sabi ni Tita sa'kin, nasa 40 na yung age nila. Pero sa itsura nila, hindi halata. Mukha silang nasa 30. Hindi na ako magtataka kung bakit napakagwapo ng anak nila.

"Ay oo nga pala, meet my niece, Emily Ventura."

Inilapit ako ni Tita sa kanila.  

"Hi po."

Kinakabahan ako...

Ano to? Meet the Parents and Him ang peg? Haha! Seriously, nakakakaba talaga.

"Hi Emily, call me Tita Julie. Edna, you didn't told me that you have a beautiful niece."

Bati sa'kin ni Mrs. Concepcion.  

"Yeah right, she's beautiful. Call me Tito Martin"

Natutuwang sabat ni Mr. Concepcion.

Bingi na ata ako. Narinig ko kasi na beautiful daw ako. Nakakahiya naman. Ngumiti ako sa kanila. Nakipag shake hands ako kila Tita Julie at Tito Martin.

"Salamat po, Tita Julie at Tito Martin."

Nahihiya 'kong sagot sa kanila. Ang bait naman nila, Tita at Tito agad itatawag ko sa kanila kahit na first meeting pa lang namin. Marahil ay talagang malapit lang talaga si Tita sa kanila.

 "Ipapakilala ka naman namin sa anak namin." 

Ani ni Tito Martin. Inilapit niya si Tyler. Lumapit siya sa'kin.

Ngayon ko lang uli siya nakita ng malapitan...

Wala parin siyang pinagbago. Maliban sa buhok niya na malago na, may bangs din siya na nakatakip na sa noo niya.

Napaka gwapo niya talaga.

"Emily, meet our son, Tyler Concepcion." 

Panimula ni Tita Julie. 

"Hi Emily."

Naramdaman ko ang panghihina ng tuhod ko nang tumingin siya sa akin at ngumiti. Mabuti na lang at hindi ako natumba sa pagkakatayo ko.

"Hi Tyler"

Nag shake hands kami ni Tyler. Napakalambot ng kamay niya. Ang sarap hawakan.

 Walang kasiguraduhan noon kung magkikita pa kami at makikilala ko siya.

Hindi ako makapaniwala, alam ko na yung pangalan niya.

Nakilala din kita Kuya Pogi.

Masaya ako. Akala ko imposibleng mangyari 'to, pero nangyari nga.

The Bus Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon