Chapter 3 - "Tyler Concepcion"

228 13 1
                                    

Nandito na ako sa bahay. Medyo kanina pa. Tapos na akong kumain at nakapag shower na rin.

Nakahiga na ako sa kama ko. Matutulog na sana ako nang biglang nag-vibrate yung cellphone ko.

*bzztt, bzztt*

May nagtext. Agad ko namang dinampot ang cellphone ko at tiningnan kung sino yung nagpadala ng text.

Si Tita...

Emily, punta k d2 s bhay bukas. Punta uli tau ng Tagaytay sma kta :) 20th anniversary kc ng company nmin.

Napangiti ako. Makakabalik ako uli sa Tagaytay. Napakaganda kasi dun, isa yun sa mga paborito kong lugar. Agad naman akong nagreply kay Tita, gusto kong makabalik uli 'dun.

  

Cge po tita. Wat tym po aq pnta jan?

*bzztt, bzztt*

Dpat nand2 kna ng 4pm. Sunday ng hpon ung uwi.

Nireply-an ko siya.

k po. Excited n po aq ^_^ snduin nio po aq uli ah. Bka mligaw aq eh. Haha

*bzztt, bzztt*

haha! Cge, ingat bukas.

Yes! Ang saya naman makakabalik ako uli sa Tagaytay. Matutulog na nga ako. Aayusin ko pa bukas yung gamit ko na dadalhin papuntang Tagaytay. Excited na talaga ako.

*Saturday 7:00am*

"Good morning mama"

Masiglang bati ko kay Mama.

 

"Good morning, ganda yata ng gising mo Emily." 

 

"Syempre po, kasi po pupunta po ako sa Tagaytay ngayon. Mamaya pang ala-una alis ko. Ininvite po uli ako ni Tita eh. Sama po ako ah, bukas po ako ng gabi makakauwi. Payag na kayo mama" 

Paalam ko sa kanya. Sana payagan ako.

 

"Oo na. Ingat ka doon ah."

Napangiti naman ako sa pagpayag niya.  

"Opo. Salamat Ma."

Sa sobrang tuwa ay hinalikan ko pa siya sa pisngi.  

"Tara kain na tayo ng breakfast natin."

Kumain na kami ng niluto niyang almusal.

 Yes! Pinayagan ako, kasama ko naman kasi si Tita eh. Kasi 'di yan agad papayag pag di niya kilala yung kasama ko o pag ako lang mag-isa. Syempre mag-aalala kasi siya. Alam nyo naman mga magulang, masyadong protective.

The Bus Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon