“San ba tayo pupunta?”
Tanong ko sa kanya.
“Basta, sumunod ka na lang sa akin.”
Nauna siya maglakad. Sumunod ako sa kanya.
San kaya kami pupunta?
Tumigil siya sa Up-and-Down na bahay.
Dahil nakasunod ako sa kanya, nahinto rin ako sa paglalakad.
“Dito na yun?”
Tanong ko sa kanya.
Bigla naman siyang natawa.
Anong nakakatawa sa tanong ko?
“Haha, hindi dito. Saglit lang, hintayin mo ako dito sa labas.”
Iniwan niya ako. Pumasok siya sa loob ng garahe ng bahay.
After ng ilang minutes, lumabas siya. Nakasakay siya sa motor.
Kaya naman pala siya pumasok sa bahay, dahil sa motor.
“Tara na, isuot mo na ‘to.”
Iniabot niya sa akin yung helmet na reserba. Nakasuot na siya ng helmet.
Isinuot ko na yung helmet at umangkas na ako sa motor.
Umandar na kami. Sa totoo lang, hindi ako sanay sumakay sa motor. Medyo takot nga ako. Pero dahil gusto ko siyang samahan, ayos lang.
Medyo mabilis yung pagpapatakbo niya. Nakakatakot naman. Makakarating naman siguro kami ng buhay sa pupuntahan namin diba?
Napapikit nalang ako…
Laking pasasalamat ko nang itinigil na niya ang motor.
“Dito na yun?”
Napadilat ako…
Tumingin ako sa paligid…
Wala namang something special dito, bakanteng lugar lang. Matataas na damo lang ang nasa paligid.
Bigla akong kinabahan…
Don’t tell me, may masama siyang balak sa akin? Hala! Rapist pala siya! Rapist ang taong gusto ko.
Tumingin ako sa paligid...
BINABASA MO ANG
The Bus Love Story
Teen FictionLove comes when you least expect it. What if, you loved a person whose stranger? You just met him once… And you thought it was just an attraction. But when the second time you saw him, the strange feeling for him is still there. He’s a stranger… You...
