Epilogue

298 11 13
                                        

"Tita Edna ang ganda naman niya. Kaanu-ano niyo po siya?"

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. Sa tuwing pumupunta kasi ako dito sa cubicle ni Tita Edna, hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapatingin sa naka-display na picture sa table niya.


"Ah, siya ba? Si Emily yan, pamangkin ko."


Emily pala pangalan niya.


Umalis na si Tita sa cubicle niya, naiwan ako mag-isa. Hindi ko alam kung gaano ko katagal na tinitigan ang larawan ni Emily.






Dumaan ang maraming araw, naging rutin ko nang dumaan sa cubicle ni Tita Edna para titigan ang larawan ng pamangkin niya. Lagi kasi akong nandito sa company pagkatapos ng klase namin. Pag-aari ng magulang ko ang company, bestfriend naman ni Mom si Tita Edna at dito na rin siya nagta-trabaho.


Wala si Tita ngayon, um-absent yata. Umupo ako at balik na naman sa dating gawi, ang pagtitig sa larawan ng pamangkin niya. Nababaliw na yata ako. Hindi na nabura sa isipan ko ang pangalan niya. Naadik na yata ako sa pagtitig sa larawan niya. Maganda siya. Pero hindi yun ang dahilan. Meron lang akong nararamdaman na kakaiba kapag tinititigan ko ang larawan niya. May gusto ako sa babaeng hindi ko kilala at hindi ko pa nakikita sa personal.






Nagka'ron ng event ang company namin. Hindi ko inaasahan ang makikita ko pagkatapos ng event. Nahuli kasi ako, at ako na lang ang inaantay sa bus na sasakyan namin pauwi. Patakbo akong pumunta sa bus namin nang mabasa ko ang text ni Mom. Nang makapasok ako sa loob ay agad akong umupo sa upuang bukod-tanging bakante.

Nakaramdam ako ng init kaya itinutok ko ang aircon sa akin. Hindi natuloy ang pagtutok ko dahil nahawakan ito ng babaeng katabi ko. Kinapa-kapa niya pa ang kamay ko. Tumigil na siya sa ginagawa niya. Ibinaba ko na ang kamay ko.


Nabigla ako nang lumingon siya sa'kin at nagsalita.

"Ahm, sorry. Itatapat ko lang sana yung aircon sa akin."

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Yung babaeng lagi kong tinitigan sa picture, yung babaeng gusto ko, nandito. Napatayo at napaalis pa ako sa pwesto ko dahil sa pagkabigla.


"Ok lang miss. Itatapat ko rin sana yung aircon sa akin. Dito na ako umupo sa tabi mo kasi wala nang space. Ok lang ba sayo?"

Kahit na kinakabahan, nakangiti at kalmado akong sumagot sa kanya.


Lalo akong nakaramdam ng kaba nang dumako ang mata niya sa'kin.

"Miss, ok ka lang? May dumi ba ako sa mukha?"

Ayoko sanang sabihin sa kanya 'yon pero naiilang na kasi ako sa pagtitig niya. Dumu-doble ang kabang nararamdaman ko sa pagtitig na ginawa niya.

The Bus Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon