Nasa byahe na ako pabalik sa Taguig. Pag-uwi namin ni Tita kanina, inayos ko na gamit ko, uuwi kasi ako agad. Gusto nga akong patulugin ni Tita doon, kaso tumanggi ako kasi baka hanapin pa ako ni mama. Ang paalam ko kasi kay Mama, uuwi din ako agad.
I hate this feeling! Hanggang ngayon kasi, hindi parin mawala sa isipan ko si Kuya Pogi.
Kamusta na kaya siya?
Iniisip niya rin kaya ako?
Magkikita kaya kami uli?
Alam kong imposible yung pangalawa at pangatlo kong sinabi. Yun ang nakakalungkot na part. Nakakainis talaga. Bakit ko ba siya gusto? Bakit gusto ko siyang makita uli?
May something talaga sa kanya. Oo, attractive siya. Pero hindi yun yung dahilan kung bakit nagkakaganito ako. Hindi talaga siya mabura sa isip ko.
Hindi ko naman siya kilala...
Hindi niya rin ako kilala...
Napailing nalang ako. Siguro, kailangan ko nang itigil itong kahibangan ko. Mawawala naman siguro 'to? Sana nga.
* * * * *
*Sunday 7:00am*
Gising na ako. Kailangan ko pa kasing asikasuhin yung project ng group namin. Pupunta ako sa bahay ng isa sa mga kagroup ko. Doon na kami magkikita kita para matapos na namin yung naka-assign na project samin.
Nakaligo na ako at nakapag ayos na rin sa sarili. Inihahanda ko nalang ang aking almusal sa aming kusina. Nag prito ako ng bacon and eggs.
Natapos na rin yung mga dapat kong gawin. Lumapit na ako kay Mama para magpaalam na.
"Alis na po ako mama."
Paalam ko, hinalikan ko pa siya sa pisngi.
"Sige, ingat ka anak."
Dahil walking distance lang naman mula sa amin ang sakayan ng jeep, nilakad ko nalang ito. Bihira lang kasi ako sumakay ng tricycle dito. Madalas pag ma-le-late na ako sa school. Maaga pa at hindi naman ako ma-le-late sa napag-usapan naming oras.
Nung nakarating na ako sa sakayan ng jeep, naghintay pa ako. Wala pa kasi yung jeep papunta sa bahay ng kaklase ko. Iginala ko ang aking paningin sa kalsada. Bigla akong nakaramdam ng lungkot ng matanaw ko ang pagdaan ng bus sa kalsada. Naalala ko nanaman siya. Mula pa kagabi, hindi na siya nawala sa isip ko. Nahirapan nga ako sa pagtulog sa kakaisip sa taong yun. Naalala ko naman yung nangyari sa amin, hindi ko talaga makalimutan ang pagdikit ng labi ko sa mukha niya. Napangiti naman ako nang maisip ko yung eksenang iyon. Agad din naman itong napalitan ng pagsimangot dahil alam kong imposibleng makita ko siya uli.
"Neng, sasakay ka ba? Sakay na."
Hindi ko namalayan na nandiyan na pala yung jeep. Kung anu-ano kasi yung iniisip ko. Agad naman akong tumango sa driver at dali-daling sumakay.
Naiinis ako sa sarili ko. Lalo kong naramdaman ang kalungkutan ng nakita ko yung bus kanina. Sana kung gaano kabilis ko siyang nagustuhan, ganun din sana kabilis na makalimutan ko siya. Sa ngayon, hindi ko pa kaya. Pakiramdam ko, ang lungkot ng araw ko ngayon.
"Emily, ok ka lang ba? Kanina ka pa tulala ah. May problema ba? "
Nag-aalalang tanong ni Rissa. Nasa kalagitnaan na kami sa paggawa ng project namin.
BINABASA MO ANG
The Bus Love Story
Roman pour AdolescentsLove comes when you least expect it. What if, you loved a person whose stranger? You just met him once… And you thought it was just an attraction. But when the second time you saw him, the strange feeling for him is still there. He’s a stranger… You...