Chapter 12 - "First Day of Class"

231 13 2
                                        

“Kumusta bakasyon mo? Okay ka na ba? First day of class na bukas, pumasok ka ah.”

Kasama ko ngayon si Trixie dito sa kwarto ko. Nagulat ako kanina sa biglaan niyang pagbisita. Nagbakasyon kasi siya kasama ang family niya sa rest house nila sa Palawan. Kakauwi lang nila at dito talaga siya sa bahay dumiretso.

“Hindi na ako magsisinungaling, hindi pa rin ako okay. Papasok ako bukas.”

Diretso ‘kong sagot sa kanya. Ngiting pilit naman ang tinugon niya sa akin.

               

Tuloy-tuloy ang pagpatak ng luha ‘kong kanina ko pa pinipigilan nang bigla niya akong yakapin. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko. Ang laki talaga ng pasasalamat ko kasi nandyan lagi ang bestfriend ko.

Nagkwentuhan lang kami. Ang saya ng bakasyon niya. Mabuti pa siya. Samantalang ako, halos pag-iyak at pagmumukmok lang ang ginawa ko buong bakasyon. Pinilit naman niya akong pangitiin. Natawa ako sa mga corny niyang jokes. Trying hard talaga siyang pagaanin ang pakiramdam ko. At hindi naman siya nabigo. Nung makita naman niya na okay na ako, nagpaalam na siya.

The hardest part of love is getting hurt and forgetting someone who can’t love you back.

Napakabilis talaga ng araw, pasukan na namin bukas. Siguro, panibagong simula ito sa akin para subukan nang kalimutan siya. Pero, kaya ko nga ba?

* * * * *

“Akala ko ba, huhubarin mo na yan?”

Mapanuksong bati sa’kin ni Trixie. Nakatingin siya sa bracelet ko. Nangako kasi ako na huhubarin ko na ang remembrance ni Tyler. Pabiro akong umirap sa kanya para hindi niya mahalata ang pag-init ng mukha ko.

               

Hindi ko na lang siya pinansin. Umupo ako sa tabi niya. Kararating ko lang sa classroom namin. Mabuti naman at magkaklase kami. Ala-sais pa lang ng umaga, mamaya pa magsisimula ang klase namin mga tatlumpung minuto pa.

Iniyuko ko ang aking ulo sa desk. Unang araw ng klase namin. Sana naman maging productive ang araw ko ngayon. Sabi ko kanina paggising ko, sisimulan ko na siyang alisin sa sistema ko, susubukan ko na siyang kalimutan. Ang hirap pala. Ang paghubad nga lang sa bracelet na bigay niya, hirap na hirap akong gawin. Pa’no pa kaya kapag aalisin ko na ang nararamdaman ko para sa kanya? Hindi ko pa talaga kaya ngayon.

Na-distract naman ako sa pag-iisip nang dumating ang maiingay kong kaklase.

“Kyaaahh! Ang gwapo niya no?”

“Sana kaklase natin siya.”

“Ngayon ko lang siya nakita dito. Crush ko siya!”

 

The Bus Love StoryMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon